19/09/2026
BALITA | Bluefield Technological Institute Inc. Nakilahok sa International Coastal Clean-up Drive sa Bagasbas Beach
Nakibahagi ang Publication, The Builders, Supreme Secondary Learner Government (SSLG), at mga g**o ng Bluefield Technological Institute Inc. sa International Coastal Cleanup sa Bagasbas Beach, Brgy. Bagasbas, Daet, Camarines Norte, ngayong araw Setyembre 19, 2026.
Ang gawaing ito ay inorganisa ng SM City Daet. Nagtipon-tipon ang mga organisasyon ng Bluefield Technological Institute Inc. na kalahok sa naturang aktibidad sa Bluefield Farm sa oras na itinakda ng pamunuan at nakarating sa Bagasbas Beach sa ganap na ika-6 ng umaga.
Sinimulan ang programa sa pamamagitan ng isang panalangin at flag ceremony, na sinundan ng pambungad na programa bago nagparehistro ang mga kalahok at nagsimula ang pangongolekta ng basura.
Nakiisa ang mga nasabing organisasyon ng paaralan sa pamamagitan ng pagpulot ng basura bilang bahagi ng kampanya para sa kalinisan ng karagatan at pangangalaga sa kapaligiran. Pinaghiwa-hiwalay rin nila ang mga nakolektang basura ayon sa uri nito upang maisagawa ang wastong pamamahala ng basura.
Pagsapit ng 7:30 ng umaga, bumalik na sa paaralan ng Bluefield Technological Institute Inc. ang mga mag-aaral at g**o matapos ang kanilang pakikilahok sa coastal clean-up drive. Ipinakita ng aktibidad ang kahalagahan ng pagtutulungan para sa pagpapanatili ng kalinisan ng isa sa ating yamang kalikasan at mahalagang tourist spot sa lalawigan.
Sa kunting hakbang nang pagpupulot ng basura, ipinamalas ng Bluefield Community ang malaking ambag para sa pagpapanatili sa mas malinis, maganda, at ligtas na karagatan.