27/05/2026
"Sama-samang Pagbayanihan, Para sa Kinabukasan ng Kabataan!": Oplan Brigada Eskwela 2026: Magkaakbay na Komunidad, Ligtas at Handang Paaralan.
Sa pagkakaisa ng buong komunidad, ipinapadama natin sa mga kabataan na hindi sila nag-iisa sa kanilang laban para sa mas magandang kinabukasan—dahil ang bawat paaralan ay tahanan ng ating mga sama-samang pangarap.
Sabay sa ating Brigada Eskwela, ilulunsad na rin ang Oplan Balik Eskwela 2026. Kasabay nito, pormal na ring magsisimula ang enrollment para sa susunod na taon ng pag-aaral.
Narito ang mga dokumentong kailangang ihanda:
đź“‹ MGA GABAY AT KINAKAILANGAN PARA SA ENROLLMENT
PARA SA MGA BAGONG MAG-AARAL
*Incoming Kindergarten
• Original/Copy ng PSA Birth Certificate
* Incoming Grade 1:
• Original/Copy ng PSA Birth Certificate
• Report Card mula sa dating paaralan (SF 9)
• Sagutang Enrollment Form
PARA SA MGA TRANSFEREES (Lilipat mula sa ibang paaralan)
• Original/Copy ng PSA Birth Certificate
• Report Card mula sa dating paaralan (SF 9)
• Sagutang Enrollment Form
PARA SA MGA DATING MAG-AARAL (Old Students)
• Original/Copy ng PSA Birth Certificate
• Report Card (SF 9) of last school year attended
• Sagutang Enrollment Form
đź“… MGA MAHAHALAGANG PETSA
• Brigada Eskwela: Hunyo 1–5, 2026
• Oplan Balik Eskwela / Enrollment: Hunyo 1–11, 2026
• Unang Araw ng Pasukan (Opening of Classes): Hunyo 8, 2026
Magkapit-bisig po tayong lahat upang maging makabuluhan, produktibo, at matagumpay ang taong-panuruan na ito para sa ating mga minamahal na mag-aaral.
Maraming salamat po, at magkita-kita tayo sa paaralan!