02/10/2025
#𝐖𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆𝐏𝐀𝐒𝐎𝐊 | 𝐎𝐂𝐓𝐎𝐁𝐄𝐑 𝟑, 𝟐𝟎𝟐𝟓 (𝐅𝐑𝐈𝐃𝐀𝐘)
Dahil sa posibleng epekto ng Tropical Storm at alinsunod sa rekomendasyon ng PDRRMO – Nueva Ecija, idineklara 𝐧𝐚 𝐖𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐒𝐎𝐊 𝐬𝐚 𝐥𝐚𝐡𝐚𝐭 𝐧𝐠 𝐚𝐧𝐭𝐚𝐬 𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐚𝐫𝐚𝐥𝐚𝐧, 𝐩𝐚𝐦𝐩𝐮𝐛𝐥𝐢𝐤𝐨 𝐚𝐭 𝐩𝐫𝐢𝐛𝐚𝐝𝐨, 𝐬𝐚 𝐛𝐮𝐨𝐧𝐠 𝐋𝐚𝐥𝐚𝐰𝐢𝐠𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐍𝐮𝐞𝐯𝐚 𝐄𝐜𝐢𝐣𝐚 𝐛𝐮𝐤𝐚𝐬, 𝐎𝐂𝐓𝐎𝐁𝐄𝐑 𝟑, 𝟐𝟎𝟐𝟓 (𝐁𝐢𝐲𝐞𝐫𝐧𝐞𝐬).
Ang kautusang ito ay nakasaad sa Executive Order No. 24, series of 2025, na nilagdaan ngayong araw upang matiyak ang kaligtasan ng lahat ng mga mag-aaral sa lalawigan.
Pinapaalalahanan ang lahat na manatiling ligtas, umiwas sa hindi kinakailangang paglabas, at mag-abang sa mga opisyal na abiso mula sa inyong lokal na pamahalaan.
Para sa mga lehitimong anunsyo at impormasyon, i-like at i-follow ang official page ng 𝐏𝐫𝐨𝐯𝐢𝐧𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐆𝐨𝐯𝐞𝐫𝐧𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐨𝐟 𝐍𝐮𝐞𝐯𝐚 𝐄𝐜𝐢𝐣𝐚 (PGNE).
Ingat po, Novo Ecijanos! 💙