03/08/2022
Ang Sta. Clara Elementary School ay nakikipagkaisa sa , "Brigada Eskwela: Tugon sa Hamon ng Ligtas na Balik-Aral."
Sama-sama tayong muli sa bayanihan para sa ligtas na balik-aral!
Lahat ay inaanyayahan ng Kagawaran ng Edukasyon na makiisa ngayong ika Agosto 1-26, 2022 para sa Brigada Eskwela 2022 na may temang, "Brigada Eskwela: Tugon sa Hamon ng Ligtas na Balik-Aral."
Ang taunang pagsasagawa ng Brigada Eskwela ay bilang preparasyon sa pagbubukas ng klase na tumutuon sa pagpapalaganap ng tamang impormasyon at pagpapatibay ng samahan sa pagitan ng mga DepEd stakeholders para sa mabisang paghahatid ng dekalidad na edukasyon.
Tara na mag Bayanihan na, mag Brigada Eskwela na sa Sta. Clara Elementary School.