Currimao NHS Kapisanang Inang Wika

Currimao NHS Kapisanang Inang Wika Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Currimao NHS Kapisanang Inang Wika, School, Currimao.

WHAT BOOK ARE YOU READING?Pakikiisa ng mga mag-aaral ng Currimao National High School sa ginanap ngayong araw na Nationw...
28/11/2023

WHAT BOOK ARE YOU READING?

Pakikiisa ng mga mag-aaral ng Currimao National High School sa ginanap ngayong araw na Nationwide Synchronized Reading Time


?

Isang maalab na pagbati sa mga mag-aaral na nagwagi at sa lahat ng mga kalahok mula sa ibat ibang mga patimpalak.MADULAN...
25/11/2023

Isang maalab na pagbati sa mga mag-aaral na nagwagi at sa lahat ng mga kalahok mula sa ibat ibang mga patimpalak.

MADULANG PAGBASA
Unang Gantimpala- Zhylee Nicole C. Gonzales (7 Saturn)
Ikalawang Gantimpala- Jan Roxene Comamo (7 Cassiopeia)
Ikatlong Gantimpala- Maria Theresa Segui (8 Venus)

SULAT-BIGKAS NG TALUMPATI
Unang Gantimpala- Maria Angela Queddeng (10 Orion)
Ikalawang Gantimpala- Leemar Valle (10 Halley)
Ikatlong Gantimpala- Katherine Duque (10 Mars)

PHOTO POEM
Unang Gantimpala- Jhun Corpuz (12 Ceres)
Ikalawang Gantimpala- Judy Ann Ragonjan (12 Comet)
Ikatlong Gantimpala- Danica Salaan (11 Milkyway)

Isang patunay na ang mga mag-aaral ng Currimao National High School ay hindi magpapatinag sa pagpapakitang gilas ng kanilang talino at kakayahan sa larangan ng pagsulat at pagbasa. Nawa’y ipagpatuloy na mahalin at linangin ang kakayahang ito upang makatulong at makapagbahagi ng kaalaman sa ibang tao.

Ika-24 ng Nobyembre | Photo PoemAng mga mag-aaral mula sa ikalabing-isa at ikalabing-dalawang baitang ng Currimao Nation...
25/11/2023

Ika-24 ng Nobyembre | Photo Poem

Ang mga mag-aaral mula sa ikalabing-isa at ikalabing-dalawang baitang ng Currimao National High School ang kalahok sa patimpalak ng pagsulat at pagbigkas ng tula na nakaugnay sa ibinigay na larawan ukol sa kahalagahan ng pagbasa.

Nilalayon nitong hasain ang kasanayan ng bawat indibidwal sa larangan ng pagsulat at pagbasa na maituturing na pundasyon upang makakuha ng akses sa ibat ibang mga larangan at nagbibigay-daan sa kanya upang matamo ang kakayahang kinakailangan sa mga gawain sa pagharap sa hamon ng buhay.

Ika 24 ng Nobyembre 2023 | Sulat-Bigkas ng TalumpatiIsa sa mga prayoridad ng Kagawaran ng Edukasyon ay ang paglinang at ...
25/11/2023

Ika 24 ng Nobyembre 2023 | Sulat-Bigkas ng Talumpati

Isa sa mga prayoridad ng Kagawaran ng Edukasyon ay ang paglinang at pagpapabuti sa kakayahang bumasa’t sumulat ng mga bata.

Alinsunod sa pagdiriwang ng Pambansang Buwan at Araw ng Pagbasa, isinagawa ang patimpalak sa Sulat-bigkas ng Talumpati na sinalihan ng mga mag-aaral mula sa ika-siyam at ika-sampung baitang ng Currimao National High School na may paksang, “Bilang isang mag-aaral, bakit mahalagang malinang mo ang kasanayan sa pagbabasa? Ano ang maitutulong nito sa pang-araw-araw mong pamumuhay?”

Ika-24 ng Nobyembre 2023 | Patimpalak sa Madulang PagbasaIsa sa mga isinagawang aktibidad ng Pambansang Mataas na Paaral...
24/11/2023

Ika-24 ng Nobyembre 2023 | Patimpalak sa Madulang Pagbasa

Isa sa mga isinagawang aktibidad ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Currimao bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Pambansang Buwan at Araw ng Pagbasa ay ang patimpalak sa Madulang Pagbasa na nilahukan ng mga mag-aaral sa ika-pito at ika-walong baitang.

2023 Pambansang Buwan at Araw ng PagbasaAlam na nating lahat na ang kakayahan sa pagbasa ang pinakamahalagang kasanayan ...
24/11/2023

2023 Pambansang Buwan at Araw ng Pagbasa

Alam na nating lahat na ang kakayahan sa pagbasa ang pinakamahalagang kasanayan na kinakailangang malinang ng isang bata. Upang malinang ang kakayahan ng mga mag-aaral na mahalin ang pagbabasa, ang Pambansang Mataas na Paaralan ng Currimao ay nakiisa sa pagdiriwang ng pambansang buwan at araw ng pagbasa.

Alinsunod sa pagdiriwang na ito, ang mga g**o sa departamento ng wika (Filipino at Ingles) sa subaybay ng aming punongg**o Mr. Reynaldo R. Salaan, ay nagsagawa ng ibat ibang mga aktibidades na bukas para sa lahat ng mga mag-aaral.

Address

Currimao
2903

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Currimao NHS Kapisanang Inang Wika posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category