Briccio Pantas MES

Briccio Pantas MES Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Briccio Pantas MES, Education, Brgy. Bungahan, Cuenca.

14/06/2020

Thank you Mr. Manny Mauleon, Cuenca USA Pres.ident for ur support to 2020 Brigada Eskwela...

May you have abundant blessings to receive so that you can continue helping those who are in need... Good health & always keep safe po💕💕💕

BPMES Teachers work from home! (Week 1)
10/06/2020

BPMES Teachers work from home! (Week 1)

31/05/2020

Paalala po sa lahat ng mga magulang at mga mag-aaral ng BRICCIO PANTAS MEMORIAL ELEMENTARY SCHOOL:

Ang palistahan ng mga mag-aaral na gaganapin simula ngayong Lunes ( June 1)ay kakaiba sa mga nakaraang palistahan. Hindi po pupunta ang mga magulang lalong lalo na ang mga bata sa paaralan. Ang mga g**o at mga pinuno po ng paaralan ay may mensahe na ipararating sa bawat magulang kung ano ang mga dapat gawin upang maitala ang mga mag- aaral nang hindi umaalis sa bahay upang maiwasan ang virus na dulot ng COVID 19.

Ang lahat po ng nakapagenrol na noong nakaraang Early Registration ay muli pong mageenrol gamit ang LEARNERS ENROLMENT AND SURVEY FORM(LESF) o PAGPAPATALA NG MAG-AARAL AT SURVEY FORM NA NASA LINK SA SUSUNOD NA POST.

Para po ito sa mga may internet at desktop/laptop sa bahay. Matapos itong sagutan, at mangyari pong ipasa ito sa mga dating naging g**o ng inyong anak o kung sinumang g**o sa Paaralan ng Briccio. Sa mga wala naman pong kakayanan na magpatala gamit ang internet, ay makipag-ugnayan pa rin sa mga g**o ng paaralan upang maipalata ang inyong mga anak.

MANGYARING MAKIPAG UGNAYAN PO SA DATING ADVISER NG INYONG ANAK PARA SA MGA MAHAHALAGANG IMPORMASYON simula Lunes JUNE 1.

MARAMING SALAMAT PO AT MAGING MAINGAT PO TAYONG LAHAT.

31/05/2020

Para sa mga magulang/quardian...
Paano po ang proseso ng enrolment ngayong taon?

✅Sa unang dalawang linggo June1-12 ay remote enrollment o online enrollment. Hindi na kailangang magpunta pa sa school para ipaenroll ang inyong mga anak.

✅Sa ikatlo at ikaapat na linggo June15-30, maaring pumunta sa school o sa itinalagang lugar tulad ng barangay hall upang kumuha ng printed copy ng Learner Enrollment and Survey Form (LESF) bilang last resort sa pag eenrol

Paano po ang proseso ng enrollment sa unang dalawang linggo?

✅ Kayo po ay bibigyang impormasyon ng dating adviser ng inyong anak nitong nakalipas na school year dahil hindi pinapayagan ang face to face contact. Kokontakin kayo sa pamamagitan ng text, chat, phone call o iba pang pamamaraan para ipaaalam ang gagawing online enrollment.

✅Matapos nito, sagutan ang mga katanungan sa Learner Enrollment and Survey Form o LESF via link na ibibigay ng dating g**o ng inyong anak.

✅Kapag nasagutan na po ang lahat ng katanungan sa LESF, automatic nang enrolled ang iyong anak

Paano po kung nakasagot na sa printed copy ng enrollment form sa unang dalawang linggo?

✅ Hintayin po ang ikatlong linggo ng Hunyo upang maipasa ang enrollment form.

✅Maari rin pong picturan na lang ang enrollment form na nasagutan na at ipadala via email or messenger ng dating adviser ng inyong anak.

Paano po kung walang kakayahan sa online enrollment dahil walang gadget para rito, paano po makakaenrol?

Magkakaroon pa rin po ng pagkakataong makapag enrol at ito ay sa ikatlo at ikaapat na linggo bilang last resort ng pag eenrol

✅Bilang huling pamamaraan ng pag eenrol, mangyari pong kumuha ng printed copy ng LESF na available sa paaralan o sa itinalagang lugar tulad ng barangay hall na nakalagay sa dropboxes.
✅ Sa pagkuha ng printed copy, mangyaring bigyang halaga ang social distancing at iba pang pamantayang pinatutupad ng ahensya ng gobyerno para sa pag-iwas sa covid19 pandemic
✅Sagutan ang LESF at ibalik po ito sa lugar na pinagkunan ng enrollment form
Paano po makakaenrol kung balik-aral, transferee o sa ALS ang aking anak?

✅Makipag-ugnayan po sa paaralan na gustong pasukan sa pamamagitan ng pakikipag-ugnay sa Enrolment Focal Person (EFP) para malaman ang detalye kung paano makakaenrol

✅ Sundin ang sinabi ng EFP at sagutan ang LESF para makapag-enrol

SALAMAT PO
CTTO

31/05/2020

Ang BRIGADA-ESKWELA para sa SY 2020-2021 ay may temang " Pagpapanatili ng Bayanihan Tungo sa Kalidad na Edukasyon para sa Kabataan" ay muling nagbabalik simula June 01-August 29, 2020.
Ang BRICCIO PANTAS MEMORIAL ELEMENTARY SCHOOL, DISTRITO NG CUENCA ay kaisa sa adhikain ng Deped para maging LIGTAS ANG MGA MAG-AARAL at maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral sa kabila ng hamon sa kasalukuyang panahon ng pandemya. Dahil dito nananawagan at tatanggap po kami sa lahat ng may mabubuting kalooban at sa lahat ng mga Stakeholders ng BRICCIO PANTAS MEMORIAL ELEMENTARY SCHOOL para sa mga sumusunod na donasyon para sa aming mga mag-aaral:
-thermal scanners
- transparent face shield
- sanitizer
- alcohol
- disinfectant
- hand soaps
- school supplies
- health kits
- sanitation mats
-medicines
-other medical supplies
- other donations
Para sa anumang donasyon, mangyari pong makipag-ugnayan sa mga G**O o GEN. PTA OFFICERS ng ating paaralan.
Maraming salamat po sa pagtugon sa aming kahilingan...
Sa BRICCIO PANTAS MEMORIAL ELEMENTARY SCHOOL tuloy ang laban sa COVID19...
!


Address

Brgy. Bungahan
Cuenca

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Briccio Pantas MES posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category