22/09/2026
Ang paaralang Col. Pedro Pasia Memorial School, sa pangunguna ng butihing Punongguro II, Dr. Nilda E. Chavez, ay buong pusong nagpapasalamat sa Department of Labor and Employment (DOLE), sa pamamagitan ng TUPAD Program, at sa mga TUPAD beneficiaries na nagsagawa ng paglilinis at pagpipintura ng aming paaralan.
Lubos din ang aming pasasalamat kina Ma’am Mary Ann Cuevas, Ma’am Angeline Zara Cuevas, Ma’am Joy, Sir Cyril, Mayor Alex Magpantay, at Kapitan Dakila Matibag sa kanilang pakikiisa at suporta sa gawaing ito.
Taos-puso rin kaming nagpapasalamat sa aming SPTA Officers, Mrs. Leny Ocampo at Ms. Jean Barnedo, kay Ate Elvie Mercado na nag-asikaso ng pameryenda, at kina Ma’am Marjorie Gutierrez, Ven Gutierrez, at Jeffrey Siscar sa kanilang pagtulong at pag-aasikaso sa mga gawain sa paglilinis at paghahanda ng paaralan.
Maraming salamat po sa inyong oras, malasakit, at pakikiisa. Malaking tulong po ang inyong mga kontribusyon upang maging mas maayos, malinis, at kaaya-aya ang ating paaralan para sa ating mga mag-aaral.
Pagpalain po kayo ng Poong Maykapal at patuloy na pag-ingatan sa inyong mabubuting hangarin. ❤️