28/05/2025
🇵🇭🇵🇭🇵🇭
Kaisa ang Department of Education (DepEd) ng buong bansa sa pagdiriwang ng National Flag Day, ngayong araw, Mayo 28.
Simula rin ngayong araw ng National Flag Days na tatagal hanggang Hunyo 12. Sa panahong ito, hinihikayat ang lahat ng mga opisina, ahensya ng gobyerno, mga establisyemento, paaralan, at tahanan na maglagay o magsabit ng Pambansang Watawat bilang paggalang at pagdiriwang sa kalayaan ng Pilipinas.