20/08/2026
๐ง๐ฎ๐๐ผ ๐ฏ๐ฎ'๐ ๐๐๐ป๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐-๐ฑ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ ๐ฝ๐ฎ๐ด-๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ฏ๐๐ต๐ฎ๐?๐ค
Sa araw na ito, inaalala natin si Benigno 'Ninoy' Aquino Jr. at ang layuning ating ipinaglaban. Ang kanyang mga salita ay ating dala pa rin hanggang ngayon: 'I have carefully weighed all the virtues and faults of the Filipinos, and I have come to the conclusion that the Filipino is worth dying for.'
Pero mayroong mas dakilang kuwento ng pag-ibig kaysa dito, isang kuwento kung saan ang sagot sa tanong na 'karapat-dapat ba tayo?' ay hindi nakasalalay sa ating sariling kabutihan, kundi sa biyaya. Sapagkat hindi hinintay ni Kristo na maging karapat-dapat tayo bago Siya mamatay para sa atin. Namatay Siya para sa atin habang tayo ay makasalanan pa.
Namatay si Ninoy dahil sa paniniwala sa isang bansa. Namatay si Kristo kahit alam ang bawat kahinaan natin at mahal pa rin tayo nang walang kondisyon.