07/09/2026
GURONG LOOY: "Bayani Mula Noon Hanggang Ngayon"
Sa pagdiriwang ng World Teachers' Day 2026, taos-puso naming ipinapaabot ang aming pinakamalalim na pasasalamat sa lahat ng mga g**o ng Looy Elementary School. Kayo ang mga tunay na bayani na walang sawang naglilingkod, gumagabay, at humuhubog sa kinabukasan ng bawat mag-aaral.
Mula noon hanggang ngayon, ang inyong dedikasyon, sakripisyo, at pagmamahal sa edukasyon ay nagsisilbing ilaw at inspirasyon sa komunidad. Sa bawat aral na inyong ibinabahagi at sa bawat pangarap na inyong tinutulungang maabot, kayo ay nag-iiwan ng pamana na hindi matatawaran.
Mabuhay ang mga Gurong Looy! Nawa'y patuloy kayong pagpalain ng kalusugan, lakas, at tagumpay sa inyong marangal na misyon. Saludo kami sa inyong walang kapantay na serbisyo at pagmamahal sa kabataang Pilipino.
Maligayang World Teachers' Day! "Bayani Mula Noon Hanggang Ngayon.