أكاديمية دار الفردوس

أكاديمية دار الفردوس

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from أكاديمية دار الفردوس, Education Website, Cotabato City.

Pinag-aaralan natin ang wikang Arabiko upang maunawaan natin ng maayus ang kahulugan ng Qur’an, Hadith, at batas ng Islam.
نَدْرُسُ اللُّغَةَ الْعَرَبِيَّةَ لِنَفْهَمَ مَعْنَى الْقُرْآنِ وَالْحَدِيثِ وَأَحْكَامَ الإِسْلَامِ.

14/04/2026

Ano ito sa wikang Arabic?

06/04/2026

Dalawang salita na magaan sa dila ngunit mabigat sa timbangan

06/04/2026

Aminin 🙈🙊

28/03/2026

HIYA NG BABAE SA SOCIAL MEDIA

الحَيَاءُ لَا يَكُونُ فِي الْوَاقِعِ فَقَطْ، بَلْ أَيْضًا فِي السُّوشِيَال مِيدِيَا، وَهُوَ دَلِيلٌ عَلَى صِدْقِ الإِيمَانِ.
Ang hiya ay hindi lamang sa tunay na buhay, kundi pati rin sa social media, at ito ay palatandaan ng tunay na pananampalataya.

🔹 مِنْ صُوَرِ الحَيَاءِ فِي السُّوشِيَال مِيدِيَا:
🔹 Mga halimbawa ng hiya sa social media:

أَلَّا تَنْشُرَ المَرْأَةُ صُوَرًا تُظْهِرُ عَوْرَتَهَا أَوْ تَجْلِبُ الانْتِبَاهَ
Huwag mag-post ang babae ng mga larawang nagpap**ita ng kanyang ‘awrah o nakakaakit ng pansin
أَنْ تَكْتُبَ بِأَدَبٍ وَاحْتِرَامٍ، وَتَبْتَعِدَ عَنِ الْكَلَامِ غَيْرِ اللَّائِقِ
Dapat magsulat nang may paggalang at iwasan ang mga salitang hindi angkop
أَلَّا تَتَحَدَّثَ مَعَ الأَجَانِبِ بِطَرِيقَةٍ فِيهَا تَلَطُّفٌ أَوْ تَغَزُّلٌ
Huwag makipag-usap sa mga hindi mahram sa paraang malambing o may halong panliligaw
أَنْ تَحْفَظَ خُصُوصِيَّتَهَا وَلَا تَنْشُرَ كُلَّ شَيْءٍ عَنْ حَيَاتِهَا
Ingatan ang sariling pribadong buhay at huwag ibahagi ang lahat tungkol dito
أَنْ تَتَّقِيَ اللَّهَ فِي مَا تَنْشُرُهُ أَوْ تُشَارِكُهُ
Magkaroon ng takot sa Allah sa lahat ng pinopost o ibinabahagi

📖 قَالَ النَّبِيُّ ﷺ:
«إِذَا لَمْ تَسْتَحْيِ فَاصْنَعْ مَا شِئْتَ» (رواه البخاري)

📖 Sinabi ng Propeta ﷺ:
“Kung wala kang hiya, gawin mo ang nais mo.” (Isinalaysay ni Al-Bukhari

22/03/2026

📌 بَيْنَ النَّشْرِ وَالدِّيَاثَةِ… اِنْتَبِهْ
Sa pagitan ng pagpo-post at kawalan ng dangal… mag-ingat

زَوْجَتُكَ أَمَانَةٌ…
Ang iyong asawang babae ay isang amanah (tiwala)…

وَلَيْسَتْ صُورَةً تُنْشَرُ لِكُلِّ مَنْ هَبَّ وَدَبَّ!
Hindi siya larawan na basta ipinap**ita sa kahit kanino!

⚠️ لَيْسَ كُلُّ مَنْ يَرَى يَخَافُ اللَّهَ…
Hindi lahat ng nakakakita ay may takot sa Allah…

وَلَا كُلُّ مَنْ يَنْظُرُ يَحْفَظُ قَلْبَهُ.
At hindi lahat ng tumitingin ay pinangangalagaan ang kanyang puso.

أَنْ تَرْضَى بِانْكِشَافِ أَهْلِكَ…
Na ikaw ay pumapayag na malantad ang iyong pamilya…

أَوْ تُعَرِّضَهُمْ لِنَظَرَاتِ النَّاسِ…
O inilalagay sila sa mga tingin ng ibang tao…

فَهَذَا بَابٌ خَطِيرٌ قَدْ لَا تَشْعُرُ بِهِ!
Ito ay isang mapanganib na pintuan na maaaring hindi mo napapansin!

قَالَ النَّبِيُّ ﷺ:
Sinabi ng Propeta ﷺ:

"ثَلَاثَةٌ لَا يَدْخُلُونَ الْجَنَّةَ… الدَّيُّوثُ…"
“Tatlong uri ng tao ang hindi papasok sa Paraiso… kabilang ang diyuth (walang selos sa dangal ng kanyang pamilya)…”

💔 الغَيْرَةُ لَيْسَتْ ضَعْفًا…
Ang selos (ghirah) ay hindi kahinaan…

بَلْ شَرَفٌ وَدِينٌ.
Kundi isang dangal at bahagi ng pananampalataya.

🤍 السِّتْرُ زِينَةٌ…
Ang pagtatakip ay isang palamuti…

وَالْحَيَاءُ جَمَالٌ…
At ang hiya ay tunay na kagandahan…

وَصِيَانَةُ الْأَهْلِ مَسْؤُولِيَّةٌ.
At ang pangangalaga sa pamilya ay isang responsibilidad.

📌 اِحْفَظْ أَهْلَكَ…
Ingatan ang iyong pamilya…

فَإِنَّكَ مَسْؤُولٌ عَنْهُمْ أَمَامَ اللَّهِ.
Sapagkat ikaw ay mananagot sa kanila sa harap ng Allah.

✍️darulfirdausacademy

21/03/2026

Ang pag-aayuno ng anim na araw sa SHAWWAL✨🌙

عَنْ أَبِي أَيُّوبَ الأَنْصَارِيِّ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ أَنَّ رَسُولَ اللَّهِ ﷺ قَالَ:
«مَنْ صَامَ رَمَضَانَ ثُمَّ أَتْبَعَهُ سِتًّا مِنْ شَوَّالٍ، كَانَ كَصِيَامِ الدَّهْرِ»
(رواه مسلم 1164)

Mula kay Abu Ayyub Al-Ansari (kalugdan siya ng Allah), na ang Sugo ng Allah ﷺ ay nagsabi: “Sinuman ang mag-ayuno sa buwan ng Ramadan, pagkatapos ay sundan ito ng anim na araw mula sa Shawwal, ito ay para bang nag-ayuno siya sa buong taon.”

Sinabi ni Imam An-Nawawi رحمه الله:

Ang hadith na ito ay malinaw na hinihikayat (mustahabb) ang pag-aayuno ng anim na araw sa Shawwal.

Ang isang mabuting gawa ay ginagantimpalaan ng sampung ulit, kaya:
30 (Ramadan) × 10 = 300
6 (Shawwal) × 10 = 60
➡️ 360 = parang nag-ayuno ng buong taon

Ang pag-aayuno ng anim na araw sa Shawwal ay pagpapatuloy ng kabutihan pagkatapos ng Ramadan—isang tanda na tinanggap ang ating pag-aayuno.

🌟 Mahahalagang Paalala:
✔ Maaaring gawin ang 6 na araw nang sunod-sunod o hiwa-hiwalay
✔ Mas mainam na gawin agad pagkatapos ng Eid
✔ Ang niyyah ay para lamang sa Allah

20/03/2026

AUTHENTIC AT MAINAM NA TAKBEER NG MGA SAHABA SA PANAHON NG EID❗❗

👉 Ang pagsagawa ng TAKBEER (pagsambit ng: Allahu Akbar) ay kabilang sa mainam na Sunnah simula paglubog ng araw sa gabi na kinaumagahan nito ay Eid hanggang bago magdasal ng Eid, ito ang pananaw ng nakakaraming mga ulama (Jamhoor).

NARITO ANG PINAKA AUTHENTIC NA TAKBEER:

1- Takbeer na inulat ni Ibn Mas’ood at si Ibrahim

a- “Allahu Akbar, Allahu Akbar, Laa ilaaha illallahu Allahu Akbar. Allahu Akbar Allahu Akbar wa lillahil hamd”

b- “Allahu Akbar, Allahu Akbar, Allahu Akbar, Laa ilaaha illallahu Allahu Akbar. Allahu Akbar Allahu Akbar wa lillahil hamd.”

2- Takbeer na inulat ni Ibn Abbas:

a- “Allahu Akbar Kabeera, Allahu Akbar Kabeera, Allahu Akbar wa Ajall, Allahu Akbar wa lillahil hamd”

b- “Allahu Akbar, Allahu Akbar, Allahu Akbar wa lillahil hamd, Allahu Akbar wa ajall, Allahu Akbar ala ma hada'na"

3- Takbeer na inulat ni Salman:

“Allahu Akbar, Allahu Akbar, Allahu Akbar kabeera, allahumma anta a’la wa ajall”

4- Takbeer na inulat ni Hassan:

“Allahu Akbar Allahu Akbar, Allahu Akbar Allahu Akbar, Allahu Akbar Allahu Akbar”

👉👉 Lahat na ating nailatag na Takbeer ay pawang Authentic na Hadith at mainam na gamitin!

Note: Ang pinaka mainam ay gamitin itong lahat at hindi iisang paraan lamang❗

👉👉 DAGDAG KAALAMAN:

♦️ Sunnat na itaas ang boses sa pagtakbeer ng mga kalalakihan at mainam sa mga kababaihan na huwag palakasin ang boses sa kanilang pagtakbeer!!

♦️ Ipinahintulot ang pagsagawa ng Takbeer sa loob ng tahanan, sa palengke, sa loob ng sasakyan, sa lugar dalanginan katulad ng Masjid o sa publikong lugar o saan mang lugar...

♦️ Ang hangarin sa paghahayag nito ay upang mangibabaw ang Sunnah at maipabatid sa publiko.

♦️ Ang pagtakbeer ng Jama'ie (grupo) ay hindi kabilang sa Sunnah,
Bagkus ang nasa Sunnah ay bawat isa ay magsagawa takber (individual)!!

♦️ Walang Daleel mula sa Propeta sampu ng mga Sahaba at Tabieen na kanilang isinagawa ang Takbeer na Jama'ie (grupo)!

♦️ Sila ang ating huwaran sa ating pagsamba kaya hindi na kailangan na mang imbento pa ng anumang pamamaraan ng pagsamba!!

♦️ Ang Takbeer Mursal na kadalasang ginagamit sa panahon ng Eid ay hindi kabilang sa Authentic na Takbeer.

- Ang pinaka mainam sa lahat ay huwag ito gamitin at pumili nalang sa mga Takbeer na nailatag.

- Ngunit kung ito naman ay iyong gamitin ay walang problema.

✍️ Zulameen Sarento Puti

20/03/2026

Si technology turuan niyo nga Kay parang bagong gising pa sa Islam tapos ang lakas ng loob makipag talo na Tila akala mo ang lawak ng ka alaman

20/03/2026

Ayon kay Abdullah ibn Umar (kalugdan siya ng Allah), sinabi ng Propeta Muhammad ﷺ:

“Mag-ayuno kayo kapag nakita ninyo ang buwan, at itigil ninyo ang pag-aayuno (mag-Eid) kapag nakita ninyo ito. Ngunit kung ito ay natakpan sa inyo (hindi nakita), ay kumpletuhin ninyo ang bilang sa tatlumpung araw.”

عَنْ ابْنِ عُمَرَ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُمَا قَالَ:
قَالَ رَسُولُ اللَّهِ ﷺ:
«صُومُوا لِرُؤْيَتِهِ، وَأَفْطِرُوا لِرُؤْيَتِهِ، فَإِنْ غُمَّ عَلَيْكُمْ فَأَكْمِلُوا العِدَّةَ ثَلَاثِينَ»

— رواه البخاري ومسلم

Sa mga taong hindi sumunod sa leader o patakaran ay nasa Hadis na sinabi ni Propeta Muhammad (Sallallahu Alayhi wa Sallam):

"مَنْ أَطَاعَنِي فَقَدْ أَطَاعَ اللَّهَ وَمَنْ عَصَانِي فَقَدْ عَصَى اللَّهَ وَمَنْ أَطَاعَ أَمِيرِي فَقَدْ أَطَاعَنِي وَمَنْ عَصَى أَمِيرِي فَقَدْ عَصَانِي"
"Sinuman ang sumunod sa akin ay sumunod sa Allah, at sinuman ang sumuway sa akin ay sumuway sa Allah. Sinuman ang sumunod sa pinuno ko ay sumunod sa akin, at sinuman ang sumuway sa pinuno ko ay sumuway sa akin." (Sahih Bukhari at Sahih Muslim)

At sa Quran, Surah Al-Nisa, 4:59:

"يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا أَطِيعُوا اللَّهَ وَأَطِيعُوا الرَّسُولَ وَأُولِي الْأَمْرِ مِنْكُمْ"
"O mga mananampalataya, sumunod kayo sa Allah at sumunod kayo sa Sugo, at sa mga may kapangyarihan sa inyo."

20/03/2026

Sapat na sa inyo ang di pag sunud sa Anonsyo ng Bangsamoro DARUL-IFTA huwag na kayo mag hikayat ng maliligaw niyo

Gabayan nawa kayo ng Allah

19/03/2026

Alhamdulillah 🥰 isa itong biyaya.

Want your school to be the top-listed School/college in Cotabato City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Address


Cotabato City