07/09/2026
๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ก๐จ๐ฅ๐๐ซ๐ฌ, ๐๐๐ญ๐๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐๐ฒ ๐ง๐ ๐๐๐ ๐ญ๐๐ฉ๐จ๐ฌ ๐ฌ๐ ๐๐จ๐ฆ๐ฆ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐ฒ-๐๐๐ฌ๐๐ ๐๐๐ง๐ ๐ฎ๐๐ ๐ ๐๐ซ๐๐ข๐ง๐ข๐ง๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ฐ๐ข-๐๐๐ฐ๐ข
Matagumpay na isinagawa ng Regional Language Skills InstituteโZamboanga City Liaison Office (RLSI-ZCLO) ang Culmination Program para sa limampung (50) BSPTVET Scholars ng Arabic A1 Level at English Language A2 Level sa ilalim ng Community-Based Training (CBT) noong Setyembre 4, 2026, sa Holy Rosary Parish Formation Hall, Badjaw Village, Pag-asa, Bongao, Tawi-Tawi.
Pinangunahan nina Abdulhakim T. Sauti Jr., OIC-Center Administrator ng RLSI, at Ranisa J. Ejinnajar, Commissioner, Bangsamoro Women Commission (BWC) Tawi-Tawi, ang programa, kasama ang mga panauhing sina Dr. Maryam S. Nuruddin, Provincial Director, TESD Tawi-Tawi Provincial Training Center (PTC), at Mr. Elmin H. Arsad, Center Administrator, TESD Tawi-Tawi PTC, na kinatawan ni Ms. Kimberly Tanjilul, TESD Specialist.
Sa pakikipagtulungan ng RLSI-ZCLO at BWC Tawi-Tawi, nabigyan ang mga benepisyaryo ng pagkakataong mapaunlad ang kanilang kasanayan sa Arabic at English, na maaaring magsilbing karagdagang puhunan para sa kanilang edukasyon, trabaho, at iba pang oportunidad.
Naging bahagi ng matagumpay na pagsasanay ang mga trainers na sina Nur-Aina L. Lara, Arabic Trainer, at Rhodora Angela Tee, English Trainer, na gumabay sa mga scholars sa kanilang learning journey.
Ang culmination program ay nagsilbing pagkilala sa pagsisikap at tagumpay ng mga scholars at patunay sa patuloy na pagsusulong ng accessible, inclusive, at community-based language training para sa mga Bangsamoro learners.
Sa pamamagitan ng mga programang tulad nito, patuloy na isinusulong ng RLSI-ZCLO ang layuning mapaunlad ang kakayahan ng mga learners at mabigyan sila ng mas maraming pagkakataong matuto, umunlad, at makapaghanda para sa mas maraming oportunidad sa hinaharap.