Madrasa Tarbiya Wa Thaqafa Al Islamie

Madrasa Tarbiya Wa Thaqafa Al Islamie Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Madrasa Tarbiya Wa Thaqafa Al Islamie, School, Malagapas RH10, Cotabato City.

πŒπ”π’π€ππ€ππ€π‡ πŸπŸŽπŸπŸ” | πƒπ€π˜ πŸ’Sa wakas, narating natin ang huling araw ng ating Musabaqah! Alhamdulillaah.Isang makabuluhang pag...
16/08/2026

πŒπ”π’π€ππ€ππ€π‡ πŸπŸŽπŸπŸ” | πƒπ€π˜ πŸ’

Sa wakas, narating natin ang huling araw ng ating Musabaqah! Alhamdulillaah.

Isang makabuluhang paglalakbay na puno ng kaalaman, talento, pagsisikap, pagkakaisa, at masasayang alaala.

Sa bawat kalahok, tagapagsanay, g**o, at lahat ng naging bahagi ng Musabaqah, maraming salamat sa inyong dedikasyon at suporta. Tunay na ang Musabaqah ay hindi lamang tungkol sa pagkapanalo, kundi tungkol sa pagkatuto, paghubog ng sarili, at pagpapalakas ng ating pagmamahal sa Islam.

Nawa’y manatili sa ating puso ang mga aral at inspirasyong ating natutunan sa mga nakaraang araw. Anuman ang resulta, ang bawat pagsisikap ay isang tagumpay na dapat ipagpasalamat.

Alhamdulillaah for a successful and meaningful Musabaqah 2026! 🀍



πŒπ”π’π€ππ€ππ€π‡ πŸπŸŽπŸπŸ” | πƒπ€π˜ πŸ‘Patuloy ang ating makabuluhang paglalakbay sa ikatlong araw ng Musabaqahβ€”isang araw na muling puno...
15/08/2026

πŒπ”π’π€ππ€ππ€π‡ πŸπŸŽπŸπŸ” | πƒπ€π˜ πŸ‘

Patuloy ang ating makabuluhang paglalakbay sa ikatlong araw ng Musabaqahβ€”isang araw na muling puno ng kaalaman, talento, pagsisikap, at pagkakaisa. Sa bawat gawain at bawat pagtatanghal, nasasaksihan natin ang dedikasyon ng ating mga kalahok at ang kanilang pagmamahal sa Islam.

Nawa’y magsilbing inspirasyon ang bawat karanasan upang patuloy tayong matuto, magsikap, at maging mas mabuting Muslim. Alhamdulillaah sa panibagong araw na puno ng biyaya, aral, at masasayang alaala! πŸ€πŸŒ™


πŒπ”π’π€ππ€ππ€π‡ πŸπŸŽπŸπŸ” | πƒπ€π˜ 𝟐Patuloy ang makabuluhang paglalakbay sa ikalawang araw ng Musabaqahβ€”mas maraming kaalaman, talento...
09/08/2026

πŒπ”π’π€ππ€ππ€π‡ πŸπŸŽπŸπŸ” | πƒπ€π˜ 𝟐

Patuloy ang makabuluhang paglalakbay sa ikalawang araw ng Musabaqahβ€”mas maraming kaalaman, talento, pagsisikap, at masasayang alaala ang ating nasaksihan. Sa bawat kalahok na buong pusong nakikilahok, tunay na naipapakita ang kagandahan ng pagkakaisa, disiplina, at pagmamahal sa Deen.

Nawa’y maging inspirasyon ang bawat karanasan upang patuloy tayong magsikap sa landas ng kaalaman at kabutihan.

Alhamdulillaah sa isang panibagong araw na puno ng biyaya at makabuluhang karanasan!


πŒπ”π’π€ππ€ππ€π‡ πŸπŸŽπŸπŸ” | πƒπ€π˜ 𝟏Isang makabuluhang unang araw ng Musabaqahβ€”puno ng kaalaman, talento, pananampalataya, at pagkakai...
08/08/2026

πŒπ”π’π€ππ€ππ€π‡ πŸπŸŽπŸπŸ” | πƒπ€π˜ 𝟏

Isang makabuluhang unang araw ng Musabaqahβ€”puno ng kaalaman, talento, pananampalataya, at pagkakaisa.

Nawa’y maging daan ang bawat gawain upang higit nating mapalalim ang ating pagmamahal sa Islam at sa mga aral ng Qur’an at Sunnah. Alhamdulillaah!!!


Assalamu 'Alaykom Warahmatullahi Wabarakatuh.🌿 25th Annual Musabaqah | Academic and Sports 🌿Ang Musabaqah ay hindi laman...
06/08/2026

Assalamu 'Alaykom Warahmatullahi Wabarakatuh.

🌿 25th Annual Musabaqah | Academic and Sports 🌿

Ang Musabaqah ay hindi lamang isang paligsahan, kundi isang pagdiriwang ng kaalaman, pananampalataya, at magandang asal. Ito ay isang pagkakataon para sa ating mga mag-aaral na maipamalas ang kanilang husay sa iba't ibang Islamic academic competitions at sports activities, habang pinauunlad ang kanilang talento, disiplina, at pagmamahal sa pag-aaral ng Islam.

Sa pagdiriwang ng 25th Annual Musabaqah ng Madrasa Tarbiyah Wa Thaqafatol Islamie, na gaganapin sa August 8–9 at 15–16, 2026 sa Malagapas RH10, Cotabato City, malugod naming inaanyayahan ang ating mga magulang, alumni, at buong komunidad na makiisa at suportahan ang ating mga kalahok.

Sinabi ni Allah ο·»:

ο΄Ώ ΩŠΩŽΨ±Ω’ΩΩŽΨΉΩ Ψ§Ω„Ω„ΩŽΩ‘Ω‡Ω Ψ§Ω„ΩŽΩ‘Ψ°ΩΩŠΩ†ΩŽ Ψ’Ω…ΩŽΩ†ΩΩˆΨ§ مِنكُمْ ΩˆΩŽΨ§Ω„ΩŽΩ‘Ψ°ΩΩŠΩ†ΩŽ أُوΨͺُوا Ψ§Ω„Ω’ΨΉΩΩ„Ω’Ω…ΩŽ دَرَجَاΨͺٍ ο΄Ύ

"Itataas ni Allah sa mataas na antas ang mga sumampalataya sa inyo at ang mga pinagkalooban ng kaalaman."
(Surah Al-Mujādilah 58:11)

Halina at maging bahagi ng pagdiriwang ng kaalaman, pagkakaisa, at kahusayan. Kita-kits po tayo, In shā' Allāh! 🀍🌿

Wa Billahi Tawfeeq Wal-Hidaya 🀍

17/05/2026

Assalamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh. 🀍

Ang aming Madrasah ay patuloy na nagsisilbing tahanan ng kaalaman, pananampalataya, at mabuting asal para sa mga kabataan. Sa kasalukuyan, kami po ay mapagkumbabang humihingi ng tulong at suporta para sa mga pangunahing pangangailangan ng aming silid-aralan tulad ng ilaw, electric fan, chalk, eraser, at iba pang gamit na makatutulong sa mas maayos at komportableng pag-aaral ng aming mga estudyante.

Ang bawat tulong na inyong maibabahagi ay hindi lamang tulong sa paaralan kundi isang Sadaqah Jariyah na patuloy ang gantimpala habang may batang natututo ng Qur’an at kaalaman sa Islam. 🀲✨

πŸ“ž Para po sa mga nais magbigay ng tulong o magsagawa ng Sadaqah, maaari po kaming kontakin sa Numero na 09533208587 at pwede rin pong ipm ang aming page.

Nawa’y gantimpalaan kayo ng Allah ng masaganang biyaya at kabutihan. Jazakumullahu Khayran 🀍

12/04/2026

Sa mga gustong mag enroll pumunta lamang po sa ating madrasah open po ito ngayon Innshaallah.πŸ€πŸ’™

8:00AM - 3:00PM

10/04/2026

Sa mga gustong mag enroll pumunta lamang po sa ating madrasah bukas Innshaallah.πŸ€πŸ’™

8:00AM - 3:00PM

Sa mga gusto pong mag enroll pumunta lang Po sa acting madrasah Bukas at ang inyong mga requirements 🌹
10/04/2026

Sa mga gusto pong mag enroll pumunta lang Po sa acting madrasah Bukas at ang inyong mga requirements 🌹

πŸ“’ ANNOUNCEMENT | MADRASAH ENROLLMENT 2026 πŸ“’Assalamu Alaikum wa Rahmatullahi wa Barakatuh 🀍Sa ngalan ng ating Madrasah, k...
03/04/2026

πŸ“’ ANNOUNCEMENT | MADRASAH ENROLLMENT 2026 πŸ“’

Assalamu Alaikum wa Rahmatullahi wa Barakatuh 🀍

Sa ngalan ng ating Madrasah, kami ay buong pusong nag-aanyaya sa mga mag-aaral at magulang na maging bahagi ng isang makabuluhan at makadiyos na paglalakbay sa pag-aaral. Layunin naming hubugin ang kaalaman, asal, at pananampalataya ng bawat mag-aaral upang maging mabuting indibidwal at kapaki-pakinabang sa komunidad, Insha’Allah.

Inaanyayahan ang lahat na mag-enroll sa ating Madrasah! Ang enrollment schedule ay sa mga sumusunod na petsa:
πŸ“… April 4–5 at April 11–12, 2026
⏰ Oras: 8:00 AM – 3:00 PM

Ang simula ng klase ay sa April 18, 2026, ayon sa kautusan ng Tarbiyah.

✨ Mga kailangang ihanda:

πŸ“Œ Para sa mga bagong Mulet:
β€’ Good Moral Certificate mula sa dating Madrasah
β€’ Report Card
β€’ Photocopy ng NSO/Birth Certificate
β€’ 2x2 picture (white background)
β€’ Long brown envelope
β€’ Admission Form (Idarah)
β€’ Enrollment Fee

πŸ“Œ Para sa mga dating Mulet:
β€’ Photocopy ng NSO/Birth Certificate
β€’ 2x2 picture (white background)
β€’ Admission Form (Idarah)
β€’ Enrollment Fee

πŸ“© Para sa mga nais magpa-enroll o may katanungan, maaari kayong mag-message anumang oras, Insha’Allah.

Maraming salamat!
Shukran wa Jazakumullahu Khairan.🀍

Address

Malagapas RH10
Cotabato City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Madrasa Tarbiya Wa Thaqafa Al Islamie posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category