02/08/2026
LIBO-LIBONG SUPORTERS, NAGTIPON SA COTABATO CITY PARA SA DISTRICT 3-HBM VOLUNTEERS CONVENTION CUM KICK-OFF CAMPAIGN
COTABATO CITY,BARMM |: Libo-libong tagasuporta mula sa iba’t ibang barangay ng Cotabato City ang nagtipon ngayong umaga, Agosto 2, 2026, sa Cotabato Jamiat Covered Court para sa District 3-HBM Volunteers Convention cm Kick-Off Campaign, na may temang “One BBM, One Mission, One Victory, One Solidarity.”
Pinangunahan ang pagtitipon ni Cotabato 3rd District Parliamentary Representative candidate Prof. Hashim B. Manticayan, kasama ang kaniyang mga volunteer at supporters na nagmula sa iba’t ibang bahagi ng lungsod.
Layunin ng aktibidad na pagtibayin ang pagkakaisa ng mga volunteers at supporters bilang bahagi ng paghahanda sa nalalapit na Bangsamoro Parliamentary Elections.
Inaasahan din ang pagdalo sa programa nina UBJP President at M**F Chairman at First Nominee Al Haj Murad Ebrahim, gayundin ni BTA Speaker Dr. Mohammad S. Yacob.
Dumalo rin sa aktibidad si UBJP Vice President at M**F Vice Chairman MP Mohagher M. Iqbal, na inaasahang magbabahagi ng kaniyang mensahe hinggil sa kasalukuyang kalagayan ng United Bangsamoro Justice Party (UBJP) at sa direksiyon nito para sa nalalapit na halalan.
Kasama rin sa mga tampok sa programa si Maguindanao del Sur parliamentary candidate Ustadz Saad Sindatok.
Sa gitna ng patuloy na paghahanda para sa unang Bangsamoro Parliamentary Elections, binibigyang-diin ng pagtitipon ang pagkakaisa, organisasyon at mobilisasyon ng mga volunteers sa bawat komunidad.
Samantala, inaasahang magiging sentro ng mga talumpati at mensahe sa convention ang panawagan para sa pagkakaisa at sama-samang pagkilos tungo sa tagumpay ng mga kandidato at ng partidong kanilang kinakatawan.
Patuloy namang sinusubaybayan ang aktibidad na isinasagawa ngayong umaga sa Cotabato City.