IPEd LawÏTÖm: CCNHS-Annex L.R. Sebastian Site

IPEd LawÏTÖm: CCNHS-Annex L.R. Sebastian Site

Share

IPEd League of Achievers Willing to Initiate and Transform for Outstanding Movement

30/09/2025

(Bëkën san Batëw ke lowo hën)

30/09/2025

Dërantung Sënduratan

Photos from IPEd LawÏTÖm: CCNHS-Annex L.R. Sebastian Site's post 26/09/2025

September 19, 2025

Division-Wide Orientation on Certification of Tribal Membership Issuance of Indigenous Peoples at ND Village National High School with the Ministry of Indigenous Peoples Affairs (MIPA).

The CCNHS-Annex (LR Sebastian Site) is grateful for this opportunity. Fiyo bagi, méuyag!



26/09/2025

Shout out to my newest followers! Excited to have you onboard! LadyLibra Utwo, Dyan Paquito

Photos from IPEd LawÏTÖm: CCNHS-Annex L.R. Sebastian Site's post 12/09/2025

Activity: IPED Program Information Dissemination, Orientation and Distribution of Forms on the Certification of Tribal Membership (CTM)
Date: September 12, 2025
Time: 1:00-2:00 PM
Venue: School Covered Court

In attendance were IP students from Grades 7 to 12 who actively participated during this event.

Thank you so much students.

Fébagér tóm kéluhanan! Fiyo bagi, méuyag!




26/08/2025

𝐒𝐢 𝐌𝐚𝐦𝐚𝐥𝐮: 𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧𝐢 𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐭𝐮𝐭𝐮𝐛𝐨𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐦𝐚𝐲𝐚𝐧𝐚𝐧

Sa isang malayong panahon, bago dumating ang mga banyaga at bago pa mabago ang mukha ng Mindanao; bago pa pumasok ang Islam noong ika-12 hanggang ika-15 siglo, bago dalhin ng mga Kastila ang Kristiyanismo, bago ipakilala ng mga Amerikano ang mga pananampalatayang Ebanghelikal, at bago pa man maitatag ang Sultanato, Bangsamoro at ang mismong Republika ng Pilipinas namuhay na ang mga katutubo sa kanilang sariling kaayusan, pananampalataya, at kultura.

may isang pinunong kinikilala ng kanyang mga tao sa kabundukan at kapatagan. Siya ay si Mamalu, isang taong nakaugat ang pagkatao sa lupaing kanyang pinagmulan, sa Fusaka Ingëd na nagbigay ng pagkain, sa ilog na pinagmumulan ng buhay, at sa kalangitan na kanyang sinasamba o ritwal bilang tahanan ng mga espiritu ng kalikasan. Bata pa lamang siya ay kilala na sa kanyang katatagan at malasakit sa kanyang mga kasama. Hindi lamang siya isang pinuno; siya’y isang ama ng tradisyon, tagapangalaga ng kultura, at tagapagtanggol ng karapatan ng kanyang mga tao sa kanyang kumunidad.

Dumating ang araw na ang kanilang pamayanan ay nakatagpo ng bagong pananampalataya na dinala ng isang dakilang dayuhan, si Shariff Kabunsuan. Kasama ng kanyang mga tauhan, ipinangaral niya ang relihiyon ng Islam sa mga pook ng Mindanao. Ang kanyang mga aral ay nakatawag ng pansin sa maraming tao, kabilang na ang kapatid ni Mamalu na si Tabunaway, na buong puso itong tinanggap. Ngunit si Mamalu ay nag-isip nang malalim, hindi lamang para sa sarili kundi para sa kanyang buong pamayanan. Batid niyang ang bagong pananampalataya ay maaaring magdala ng pagbabago, ngunit nakikita rin niyang maaaring mawala ang kanilang kinagisnang kaugalian, mga ritwal, at ugnayan sa kalikasan kung sila’y tatalikod sa kanilang sariling paniniwala.

Sa harap ng kanyang mga tao, buong tapang na nagsalita si Mamalu:

“𝘔𝘨𝘢 𝘬𝘢𝘴𝘢𝘮𝘢, 𝘥𝘶𝘮𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘴𝘢 𝘢𝘵𝘪𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘨𝘰𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘯𝘥𝘢𝘴. 𝘚𝘶𝘣𝘢𝘭𝘪𝘵 𝘩𝘶𝘸𝘢𝘨 𝘯𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘭𝘪𝘮𝘶𝘵𝘢𝘯 𝘯𝘢 𝘮𝘢𝘺𝘳𝘰𝘰𝘯 𝘵𝘢𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘴𝘢𝘳𝘪𝘭𝘪𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘯𝘥𝘢𝘴 𝘯𝘢 𝘮𝘪𝘯𝘢𝘯𝘢 𝘮𝘶𝘭𝘢 𝘱𝘢 𝘴𝘢 𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘯𝘪𝘯𝘶𝘯𝘰. 𝘈𝘯𝘨 𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘦𝘴𝘱𝘪𝘳𝘪𝘵𝘶 𝘢𝘵 𝘬𝘢𝘶𝘨𝘢𝘭𝘪𝘢𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘶𝘮𝘶𝘰 𝘴𝘢 𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘬𝘢𝘵𝘢𝘰. 𝘒𝘶𝘯𝘨 𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘪𝘪𝘸𝘢𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘩𝘢𝘵 𝘯𝘨 𝘪𝘵𝘰, 𝘴𝘪𝘯𝘰 𝘱𝘢 𝘵𝘢𝘺𝘰? 𝘈𝘯𝘰 𝘱𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘨𝘪𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘶𝘨𝘢𝘵? 𝘏𝘪𝘯𝘥𝘪 𝘢𝘬𝘰 𝘵𝘶𝘵𝘶𝘵𝘰𝘭 𝘴𝘢 𝘱𝘪𝘯𝘪𝘭𝘪𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘯𝘥𝘢𝘴 𝘯𝘨 𝘪𝘣𝘢, 𝘯𝘨𝘶𝘯𝘪𝘵 𝘢𝘬𝘰 𝘢𝘵 𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘬𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘬𝘢𝘴𝘢𝘮𝘢 𝘢𝘺 𝘮𝘢𝘯𝘢𝘯𝘢𝘵𝘪𝘭𝘪 𝘴𝘢 𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘯𝘢𝘯𝘢𝘮𝘱𝘢𝘭𝘢𝘵𝘢𝘺𝘢, 𝘴𝘢 𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘬𝘶𝘭𝘵𝘶𝘳𝘢, 𝘢𝘵 𝘴𝘢 𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘨𝘶𝘣𝘢𝘵𝘢𝘯.”

Ang mga salitang ito ay hindi panawagan ng pagkakawatak-watak kundi ng paggalang at kapayapaan. Kaya’t sila ni Tabunaway ay nagkasundo. Si Tabunaway, kasama ng kanyang mga tao, ay bumaba sa kapatagan at nagpatuloy sa buhay bilang bahagi ng pamayanang Moro. Si Mamalu naman, kasama ng kanyang mga tauhan, ay umakyat sa kabundukan, dala ang lahat ng paniniwala at kaugalian ng kanilang mga ninuno. Doon, sa piling ng luntiang kagubatan at malinaw na mga ilog, ipinagpatuloy nila ang kanilang tradisyunal na pamumuhay pangingisda, pangangaso, pagtatanim, at higit sa lahat, ang pagbabantay sa kanilang kultura laban sa pagkalimot.

Mula noon, si Mamalu ay naging haligi ng katutubong identidad. Siya ay kinikilalang simbolo ng katatagan ng mga Lumad yaong mga piniling manatiling tapat sa kanilang pinagmulan sa kabila ng malalakas na alon ng pagbabago. Sa kanyang pamumuno, ipinakita niya na ang pagiging matapat sa sariling ugat ay hindi nangangahulugang pakikipaglaban laban sa iba, kundi isang paraan ng pagpapanatili ng dangal at sariling pagkatao.

Ang kwento ni Mamalu ay nagsilbing ilaw sa mga katutubong pamayanan hanggang ngayon. Siya ang paalala na ang kultura at lupaing ninuno ay yaman na hindi matutumbasan ng anumang panlabas na impluwensya. Siya ang patunay na ang kapayapaan ay maaaring mabuo sa pamamagitan ng pagkakaunawaan, at na ang tunay na kalayaan ay nagmumula sa pagtataguyod ng sariling pagkakakilanlan.

Hanggang sa kasalukuyan, binibigkas ng mga matatanda ang kanyang pangalan sa mga epiko at alamat. Sa tuwing may pagtitipon ng mga katutubo, muling binabalikan ang kasunduang ginawa niya upang mapanatili ang pagkakaunawaan sa kabila ng pagkakaiba.

Si Mamalu ay nananatiling buhay sa alaala ng kanyang mga anak at mga apo, at sa bawat pamayanang katutubo na patuloy na lumalaban para sa karapatan sa lupa, kultura, at sariling pamamahala.

26/08/2025

Alam niyo ba ang Kwento ng isang bayaning mula sa Tribung Tëduray na nakipaglaban sa mga Amerikano?

Sa mga pahina ng kasaysayan, may mga pangalang isinulat ng tinta at papel. Ngunit may mga bayani ring isinulat ng hangin, ng lupa, at ng dugo—mga kwentong hindi naisama sa aklat ngunit nanatiling buhay sa alaala ng kanilang bayan. Isa rito si First Sgt. Mow ng tribung Tëduray, isang nilikhang nagmula sa kababalaghan, lumaki sa piling ng hirap, at tumindig bilang tagapagtanggol ng kanyang kultura at lupang ninuno. Hindi siya hinubog ng kasikatan, kundi ng pananampalataya sa sarili at ng tapang na ipaglaban ang kanyang bayan laban sa banyagang rehimeng Amerikano.

Si First Sgt. Mow, ay isang Tëduray na miyembro ng Constabulary na nagmula sa Uruk tawan-tawan na ngayon ay Pedro Colina Hill (PCHill) sa Cotabato City.

Ang kwento sa buhay at pagkatao ni Mow ay puno ng kababalaghan at hindi lubos maunawaan nino man kung paano siya sumibol sa mundong ito.

Narito ang kwento, may mag-asawang Teduray na nakatira sa Uruk Tawantawan, at sa matagal na pagsasama nila ay hindi sila nagka anak. Ang mag-asawang ito ay kilala bilang tagapag-ritwal sa panahon ng anihan ng palay na kung tawagin sa Tëduray ay “mëmëne”. Ginagamit sa ritwal na ito ang mga “muntiya at duka” na karaniwang inilalagay ng mag-asawa sa kanilang kamfilu o basket na gawa sa pawa, uway at nito. Isang araw, laking gulat ng mag-asawa nang mapansin nilang gumagalaw ang kanilang "kamfilu" na pinaglalagyan ng muntiya at duka. Nang puntahan nila at tingnan, tumambad sa kanilang paningin ang isang malusog na batang lalaki. Nang suriin nila ng mabuti, napansin nilang ito ay isang tunay na tao maliban sa wala itong pusod at “bribudan”. Sa kabilang banda, ang muntiya sa loob ng kamfilu ay wala na rin kaya hindi maiwasan na isipin ng mag-asawa na ang muntiya na bato ay naging bata. Ganoon na lamang ang takot at kaba ng mag-asawa ngunit nagdesisyon pa rin sila na buhayin ang bata at ituring na isang tunay na anak.

Laking gulat ng mga kapitbahay nang malaman na ang mag-asawang ritwalista sa pag-ani ng palay ay bigla na lamang may inaalagaang bata, gayong hindi naman nakitang buntis ang babae o kaya’y nabalitaang nanganak. Ito ang nagtulak sa marami na alamin kung paano nagkaroon ng bata ang mag-asawa at nang malaman nila ang kasaysayan ng bata ay tinawag ang mag-asawa na Idéng Kamfilu ang babae at Mokamfilu ang lalaki, dahil ang kanilang anak ay mula sa kamfilu, habang ang bata ay tinawag na Tëmnëmow (sumibol/Lumitaw).

Ang bata ay lumaki na isang normal na tao at wala namang obserbasyong masama sina Idëng Kamfilu at Mokamfilu, maging ang mga kasama nila sa komunidad. Bagamat maganda ang kanilang kalagayan sa Uruk Tawantawan, nagdesisyon ang mag-asawa na lumayo muna sa Uruk Tawan-Tawan upang ilayo ang bata sa mga taong nakakaalam ng kanyang tunay na buhay at pagsibol sa mundong ito. Ito ay upang maiwasan ang mga haka-haka na baka maging isang masamang nilalang ang bata na milagrosong sumulpot sa mag-asawang ritwalista.

Mula noon, lumipat ang mag-asawa sa Labungan upang doon manirahan at palakihin ang bata na ngayon ay tinawag ng mag-asawa na Mow sa halip na Tëmnëmow. Ngunit sa kasamaang-palad, namatay si Mokamfilu sa sakit, at mula noon ay naghirap ang buhay ni Idëng Kamfilu at Mow. Ganoon pa man, nang umabot si Mow sa edad na 12 ay inayos ni Idëng Kamfilu ang kanyang pag-aasawa sa anak ng Datu sa Biwang, ngunit hindi nagtagumpay dahil sa murang kaisipan ni Mow na parang wala sa kanya ang pag-asawa.

Sa kalaunan, natuto na si Mow na magkipag-kaibigan at ganoon na lamang ang lungkot ng kanyang ina na baka mapahamak si Mow, kaya isinaayos muli ang pangalawang pag-aasawa ni Mow ngunit tulad ng una ay hindi pa rin niya tinalima. Patuloy siya sa pakikisama sa mga kaibigan hanggang isang araw ay nagulat na lamang ang kanyang ina nang malaman na si Mow ay sumama sa treyning ng maraming kalalakihan bilang sundalo sa pamahala ng mga Amerikano.

Mula noon, hindi na nasubaybayan ni Idëng Kamfilu ang kanyang anak. Maraming taon ang lumipas hanggang sa bumalik si Mow bilang isang ganap na sundalo, kilala na bilang First Sgt. Mow I. Paminsan-minsan ay binibisita niya ang kanyang ina, sa Labungan.

Ayon sa pinagpapasahang kwento ng mga Tëduray, hindi natapos ni First Sgt. Mow ang kanyang serbisyo bilang sundalo. Kahit nakilala ito sa pagiging bihasa sa pakikipaglaban sa ibat-ibang grupo na umalsa laban sa pamahalaan. Sapagkat hindi niya kinaya ang makita ang pang-aapi sa kanyang tribo at ang mga internal na banta na binabalewala lamang ng pamahalaang Komonwelt. Kaya’t tuluyan siyang umalis sa militar at muling nagbalik sa kanyang Fusaka Ingëd (Ancestral Domain).

Masyadong kontrobersyal ang kanyang pagbabalik. Kasama ang kanyang kaibigan na si Bilual Mokalibënëng, naglakbay sila mula Davao, dumaan sa Mt. Matutom (South Cotabato), bago makarating sa Këlo Kënilid. Doon sila pansamantalang nagpahinga. Sa kanyang pag-ikot, natagpuan ni Sgt. Mow ang Batëw, at kaagad niyang sinabi sa na ito ang tunay niyang lugar. Dito narin siya nanirahan kasama ang kanyang mga kaibigan at kaanak, at nagtayo ng kanilang Tëninës (Ritual site).

Ayon naman sa Uret (kasaysayan) ng mga Tëduray at Lambangian, may kaugnayan si First Sgt. Mow sa Firis, na kung saan nanirahan din si Lagëy Lëngkuwos. Si Lagëy Lëngkuwos ay isa sa mga banal na ninuno ng mga Tëduray, na umalis at umakyat sa langit nang hindi namatay, tinatawag na "Diyat". Ang pangalan ng Firis ay lalo pang nakilala dahil kay First Sgt. Mow, na naging simbolo ng tapang, dangal, at pagpapahalaga sa kultura ng mga Tëduray.

Note: May mas malalim na Bersyon ang kwento.

✍️ May Akda: Timuay Alim Bandara

fans

26/08/2025

TIMUAY

Katungkulan ng isang lider na pwede sa babae at lalaki

Basahin ng maunawaan

Photos from IPEd LawÏTÖm: CCNHS-Annex L.R. Sebastian Site's post 29/07/2025

July 25, 2025

IPED orientation and election of IPED-LAWITOM Officers for S.Y. 2025-2026.

In attendance were IP students from Grade 7 to Grade 12 and the IPED Coordinator/Focal Person.

Fiyo bagi, meuyag tom!









11/12/2024

Featuring the talented musicians. The IP students showcasing their skills in playing the Teduray traditional graduated gongs. Kudos to all of you!

Photos from IPEd LawÏTÖm: CCNHS-Annex L.R. Sebastian Site's post 10/12/2024

December 10, 2024

The CCNHS-Annex (LR Sebastian Site) IPED LAWITOM Officers and selected indigenous peoples students participated in the Culmination Day of
Human Rights Consciousness Week
at Shariff Kabunsuan Cultural Complex, Cotabato City, BARMM.

These talented students of Indigenous peoples performed a traditional Teduray courtship dance called SËTAYAN. It showcases the elegance and grace of both male and female dancers as they engage in playful yet subtle movements, symbolizing the pursuit of love and affection. The dancers wear traditional attire, and the performance was accompanied by traditional musical instruments.

We are grateful for the opportunity to showcase our identity, culture, and traditions as Indigenous peoples.

Fiyo bagi, meuyag!





Want your school to be the top-listed School/college in Cotabato City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


Rosary Heighs 11
Cotabato City
9600