28/04/2026
Alhamdulillāh, may mga bago na tayong na-release na Apostille documents ngayon April 28 2026
Sa mga kliyente na hindi pa natatapos ang kanilang apostille processing, maari lamang po kayong maghintay dahil this coming May, may mga susunod pa tayong mare-release, in shā’ Allāh.
Para naman sa mga nais magpa-Apostille ng Shahadah, maaari lamang po kayong mag-PM para sa kumpletong detalye at assistance.
Fast, maayos, at maaasahang serbisyo.
Maraming salamat sa inyong tiwala.
23/04/2026
GABAY NG ESTUDYANTE | MAG-ARAL SA SAUDI 2026 🇸🇦
✨ Student Guide para sa platform na “Mag-aral sa Saudi 2026,”
💡 Mahalaga ang gabay na ito para sa lahat ng gustong mag-apply, dahil mas mapapadali nito ang pag-intindi sa sistema at makakaiwas sa mga pagkakamali habang nagrerehistro.
📷 May kasamang mga larawan mula sa opisyal na gabay para mas madaling sundan ang mga hakbang 👇
⚠️ Payo: Basahin nang mabuti ang gabay bago mag-apply para maiwasan ang problema sa pagsusumite ng application.
🇸🇦
21/04/2026
Princess Nourah Bint Abdulrahman University
👉 Sa taong ito, WALANG scholarship (free tuition + allowance).
👉 Ang available lang ay paid study (magbabayad ka ng tuition).
🎓 Ano ang ibig sabihin nito?
Dati kasi, may mga estudyante na nakakapasok sa scholarship program (libre + may allowance).
Ngayon:
❌ Walang scholarship na ino-offer sa ngayon pag oopen Ng Wizarah
✅ Self-funded lang (ikaw ang magbabayad)
📚 Mga kursong pwede mong applyan (6 lang):
Ito lang ang mga available:
1️⃣ History (Kasaysayan)
2️⃣ Information Science (Agham ng Impormasyon / IT-related)
3️⃣ Islamic Studies (Pag-aaral ng Islam)
4️⃣ Arabic Language (Wikang Arabic)
5️⃣ Early Childhood Education (Pagtuturo sa mga bata)
6️⃣ Geography (Heograpiya)
👉 Ibig sabihin, limitado ang choices — hindi lahat ng course ay open.
❌ Mahalagang Paalala
👉 Ang Arabic Language Institute (para sa beginners) ay: ➡️ HINDI bukas ngayong taon
Ibig sabihin:
Kung gusto mong mag-aral ng Arabic from zero → ❌ wala muna
Diretso degree course agad ang pwede
💰 Magkano ang babayaran?
👉 Tuition fee: ~23,000 Saudi Riyal per year
Para maintindihan:
23,000 SAR ≈ ₱340,000 – ₱360,000 kada taon
4 years course: ➡️ Total ≈ ₱1.3M – ₱1.4M
⚠️ Hindi pa kasama:
Tirahan
Pagkain
Pamasahe
🌐 Application link
Ito ang official site para mag-apply: 👉 Study in Saudi Platform
(https://studyinsaudi.moe.gov.sa/Home/Dashboard�)
📌 Ano ang dapat mong gawin?
✔️ Maghanda ng documents
✔️ Mag-apply kung kaya mong magbayad
✔️ Maghintay ng updates (baka mag-open ulit scholarship)
07/04/2026
📢 OPISYAL NA ANUNSIYO: SCHOLARSHIP APPLICATION 2026 – MINISTRY OF EDUCATION, KINGDOM OF SAUDI ARABIA 🇸🇦
🔥 Dumating na ang pinakahihintay ng marami!
Isang napakagandang oportunidad para sa mga nagnanais makapag-aral sa Kaharian ng Saudi Arabia sa ilalim ng mga kilala at prestihiyosong unibersidad nito.
Sa pamamagitan ng “Study in Saudi Portal” (منصة ادرس في السعودية), ang lahat ng aplikasyon para sa international students ay isasagawa sa iisang unified system—mas mabilis, mas maayos, at mas organisado.
⸻
📅 PANAHON NG APLIKASYON (فترة التقديم):
• 🟢 Pagbubukas: April 15, 2026
• 🔴 Huling Araw: May 15, 2026
📢 ANUNSIYO NG RESULTA (إعلان النتائج):
• May 16, 2026 hanggang June 18, 2026
⸻
🎓 MGA ANTAS NG PAG-AARAL (المراحل الدراسية):
• Diploma (دبلوم)
• Bachelor (بكالوريوس)
• Masteral (ماجستير)
• PhD (دكتوراه)
📌 MAHALAGANG PAALALA (تنبيه مهم):
Ang lahat ng nagnanais mag-apply ay hinihikayat na ihanda at kumpletuhin nang maaga ang kanilang mga dokumento upang maiwasan ang aberya sa oras ng aplikasyon.
✔️Ito ay Bukas para sa kalalakihan at kababaihan (للذكور والإناث)
⸻
🏫 ILAN SA MGA KILALANG UNIBERSIDAD SA SAUDI ARABIA (الجامعات السعودية):
• Islamic University of Madinah (الجامعة الإسلامية بالمدينة المنورة)
• King Saud University (جامعة الملك سعود)
• Umm Al-Qura University (جامعة أم القرى)
• Imam Muhammad bin Saud Islamic University (جامعة الإمام محمد بن سعود الإسلامية)
• King Abdulaziz University (جامعة الملك عبدالعزيز)
• Taibah University (جامعة طيبة)
• Qassim University (جامعة القصيم)
• At marami pang iba...
⸻
🎁 MGA BENEPISYO NG SCHOLARSHIP (مزايا المنحة):
✈️ Libreng pamasahe (تذاكر سفر مجانية) – pagpasok at taun-taon
💰 Buwanang allowance (مكافأة شهرية) – 850 SAR
🌟 Karagdagang gantimpala (مكافآت تفوق) – para sa mga may mataas na marka
🏠 Libreng tirahan (سكن مجاني) – fully furnished para sa mga hindi kasal
🍽️ Abot-kayang pagkain (وجبات بأسعار رمزية) sa university restaurant
🏥 Serbisyong medikal (رعاية صحية) sa ospital ng unibersidad
🕋 Regular na Umrah (رحلات عمرة) na organisado ng unibersidad
🏟️ Access sa iba’t ibang pasilidad (مرافق رياضية وتدريبية واجتماعية)
⸻
📄 MGA KINAKAILANGANG DOKUMENTO (المستندات المطلوبة):
📌 Mandatory (إلزامي):
• Valid Passport (جواز سفر l)
• Diploma / Thanawiyyah (شهادة الثانوية)
• Arabic Translation ng Diploma (ترجمة عربية للشهادة)
• Transcript of Records / Form 137 (كشف الدرجات)
• Arabic Translation ng TOR (ترجمة كشف الدرجات)
• 2x2 Picture na white background (صورة شخصية بخلفية بيضاء)
📌 Supporting Documents (مستندات داعمة):
• Good Moral Certificate (حسن السيرة والسلوك) + Translation
• Birth Certificate (شهادة الميلاد) + Translation
• DFA Apostille (تصديق أبوستيل)
• Madaris Certificate
• Quran Certificate (شهادة حفظ القرآن إن وجدت)
📌 Optional ngunit inirerekomenda (اختياري ومستحسن):
• Medical Certificate (تقرير طبي حديث)
• Police / NBI Clearance (صحيفة الحالة الجنائية)
• Recommendation Letters (خطابات توصية)
• Curriculum Vitae (السيرة الذاتية)
⸻
📌 MGA SERBISYONG AMING INO-OFFER:
✔️ Taqdeem / Online Application Assistance (تقديم)
✔️ Madaris at CAV Processing
✔️ DFA Apostille Processing
✔️ Documentation Assistance (kumpletong pag-aayos ng requirements)
📩 Sa mga gustong magpa-process o magpa-assist, mag-PM lamang sa aming page.
⸻
📩 Kami ay handang tumulong upang mapadali ang inyong paglalakbay patungo sa pag-aaral sa Saudi Arabia.
🤲 Nawa’y ipagkaloob sa atin ng Allah ang tagumpay sa dunya at akhirah.
Shukran wa Barakallahu feekum
— Bangsamoro Students
05/06/2025
"Eid Mubarak sa inyo"
"تَقَبَّلَ الله مِنَّا وَمِنْكُمْ"
01/05/2025
بِسْمِ اللَّهِ الرَّحْمَـٰنِ الرَّحِيم
GOOD NEWS PARA SA MGA KABATAANG BANGSAMORO MUSLIM!
Bukas na po muli ang aplikasyon sa mga unibersidad sa Kaharian ng Saudi Arabia sa pamamagitan ng opisyal na platform ng Ministry of Education (Wizarah).
Ito ay isang bihirang pagkakataon para sa mga nagnanais mag-aral sa mga prestihiyosong Islamic universities sa Saudi Arabia – libre ang tuition, may libreng tirahan, at may buwanang allowance pa in shāʾ Allāh!
Para sa mga nais magpa-assist sa aplikasyon (taqdīm), ang Bangsamoro Students ay handang tumulong. Kami po ang mag-aayos ng inyong aplikasyon online, upang masiguro ang maayos na pagkakapasa ng inyong mga dokumento.
TANDAAN:
Kami po ay tagapamagitan lamang. Ang desisyon kung kayo ay matatanggap o hindi ay lubos na nakasalalay sa mismong unibersidad.
Ihanda na ang inyong mga dokumento!
At makipag-ugnayan na sa aming team upang makapagsimula.
For inquiries and submission of requirements, message us directly.
Jazākumullāhu khayran wa bārakallāhu fīkum!
Bangsamoro students ✍️
24/04/2025
KWENTO LANG YAN, KILALA MO ANG SARILI MO.
Huwag kang mawalan ng pag-asa dahil sa sinasabi ng mga tao.
Ang mahalaga ay ang paningin ni Allah sa’yo, hindi ng tao.
Kahit paulit-ulit kang nagkamali,
ang بَابُ التَّوْبَةِ (pinto ng pagsisisi) ay palaging bukas para sa’yo.
كُنْ مَعَ الله، وَلَا تُبَالِ
(Maging kasama mo si Allah, at huwag kang mag-alala.)
Tandaan mo, hindi mo kailangan ng validation ng mundo para patunayan ang halaga mo.
Sa paningin ni الله, ikaw ay mahalaga kapag (tapat ka sa Kanya) nagsusumikap at bumalik sa Kanya
Bangsamoro students ✍️
17/04/2025
"Ang kagandahan ay hindi nilalantad sa social media kundi tinatago — sapagkat ito ay isang ʿamānah mula kay Allāh."
Sa Islam, ang tunay na kagandahan ay hindi ipinapakita upang hangaan ng mga tao, kundi itinatago at pinangangalagaan bilang bahagi ng hayāʼ (حياء) at takwā (تقوى).
Sabi ng Propeta ﷺ:
«إِنَّ لِكُلِّ دِينٍ خُلُقًا، وَخُلُقُ الْإِسْلَامِ الْحَيَاءُ»
“Bawat relihiyon ay may natatanging ugali, at ang natatanging ugali ng Islām ay ang hayā’ (pagkamasinop sa dangal at hiya).”
— Ḥadīth, Ibn Mājah
Taglayin natin ang hayā’ — ang kagandahan ng hiya — na mas mahalaga kaysa sa palamuti ng panlabas na anyo.
Ang babae o lalaking may hayā’ ay pinapahalagahan ang sarili bilang isang nilikha na may dangal at layunin.
Ipinapayo ng Islam:
وَلَا يُبْدِينَ زِينَتَهُنَّ إِلَّا مَا ظَهَرَ مِنْهَا
“At huwag nilang ilantad ang kanilang kagandahan maliban sa kung ano ang hayag sa likas.”
(Qur’ān, Sūrah an-Nūr 24:31)
Kaya sa panahong ipinagmamalaki ang sarili sa harap ng camera, piliin mong maging mahalaga sa paningin ni Allāh — hindi sa likes o views ng tao.
Ang tunay na ganda ay ang ganda ng ugali, hindi ng lente ng camera.
̄AngTunayNaKagandahan
Bangsamoro students ✍️
14/04/2025
ANO ANG APOSTILLE? REQUIRED BA ITO SA PAG-APPLY SA MGA UNIBERSIDAD SA IBANG BANSA?
Ang Apostille ay isang sertipikasyon na ibinibigay ng Department of Foreign Affairs (DFA) para sa mga dokumentong napatunayang lehitimo o orihinal. Ito ang pumalit sa tinatawag nating "Red Ribbon".
Ginagamit ang Apostille para kilalanin ng mga institusyon at ahensya sa ibang bansa ang mga dokumentong galing sa Pilipinas. Ilan sa mga dokumentong kadalasang pina-Apostille ay:
Shahadah Sanawiyyah / Kulliyyah
Birth Certificate
Marriage Certificate
CENOMAR
NBI Clearance
School Records & Diplomas
Required ba ito?
Oo, required ito, pero hindi mandatory o ijbārī sa unang proseso. Gayunpaman, mas mainam na meron ka na agad bago ka pa man matanggap. Bakit?
Kapag natanggap ka na sa university, kadalasan ay hinihingi agad ng unibersidad o ng Wizarah ang apostille documents mo. Binigyan ka man nila ng 1 hanggang 2 linggo para isumite ito, kung hindi ka makapagsumite sa tamang oras, maaaring ma-cancel ang iyong pagtanggap (qabul nihā’ī).
Tanong: Kaya mo bang iproseso agad ang madāris at apostille mo sa loob lang ng 1-2 linggo kapag natanggap ka na?
Kung hindi mo ito kayang habulin, mas mainam na iproseso mo na ito ngayon pa lang, habang maaga.
Sa katunayan, sa ilang bansa tulad ng mga mula sa Africa at iba pang lugar, tanging mga shahāda na may Apostille lamang ang tinatanggap ng mga unibersidad sa Saudi Arabia.
Kaya sa lahat ng gustong mag-apply sa Saudi – lalo na sa mga dumadaan sa Wizarah – siguraduhin niyong kumpleto at authenticated na ang mga papeles ninyo.
Para sa gustong magpa-Madāris at magpa-Apostille, o gustong magpa-assist sa pagproseso nito nang mabilis at maayos, i-message lang kami.
In shā Allāh tutulungan namin kayo mula umpisa hanggang matapos.
Shukran wa Barakallāhu Fīkum!
30/03/2025
Eid Mubarak sa lahat
Lumisan na ang Ramadhan – رمضان, ngunit ang ating pagtaqwa – تقوى, panalangin, at kabutihan ay hindi dapat lumisan kasabay nito.
Ang mga gabi ng Qiyam – قيام, ang tahimik na du'a – دعاء, ang pag-iwas sa kasalanan, at ang tunay na ikhlās – إخلاص ay dapat magpatuloy sa ating mga puso kahit tapos na ang banal na buwan.
"O ikaw na sumasamba! Ipagpatuloy mo ang pagsamba hanggang sa dumating ang katiyakan (kamatayan)."
– Surah Al-Hijr 15:99
Ngayong Eid – عيد, ipagdiwang natin hindi lang ang pagtatapos ng pag-aayuno, kundi ang ating tagumpay sa pagpipigil, pagsunod, at pagpapakumbaba sa harap ni Allah – ﷻ.
Magpatawad – اغفر,
Magbigay – تصدق,
Manalangin – ادعُ,
At magpatuloy sa pagiging mabuti – أحسن.
Eid Mubarak! Nawa’y tanggapin ni Allah ang ating mga gawa (Taqabbalallāhu minnā wa minkum – تقبل الله منا ومنكم) at panatilihin tayong matatag sa Dīn – دين hanggang sa huli.
Bangsamoro students ✍️
22/03/2025
> "أَشْهَرُ الأَخْطَاءِ الَّتِي يَقَعُ فِيهَا البَعْضُ فِي رَمَضَانَ"
"Ang mga Karaniwang Pagkakamali ng mga ilan Muslim sa Buwan ng Ramadhan"
١. تَضْيِيعُ الوَقْتِ فِي غَيْرِ مَا يُرْضِي اللهَ
1. Pag-aaksaya ng oras sa mga hindi nakalulugod kay Allah
بَعْضُ النَّاسِ يَسْتَغْرِقُونَ أَوْقَاتَهُمْ فِي النَّوْمِ، أَوْ مُشَاهَدَةِ التِّلْفَازِ، أَوْ الأَلْعَابِ، وَيُهْمِلُونَ القُرْآنَ وَالعِبَادَةَ.
Maraming Muslim ang inuubos ang kanilang oras sa pagtulog, panonood ng TV, o paglalaro ng games. Naiiwan ang Qur’an at pagsamba, na siyang tunay na layunin ng Ramadhan.
٢. السُّهْرُ عَلَى غَيْرِ طَاعَةِ اللهِ
2. Pagpupuyat sa mga hindi makadiyos na gawain
يَسْهَرُ بَعْضُهُمْ حَتَّى السَّحَرِ عَلَى المُسَلْسَلَاتِ أَوْ المَقَاهِي، ثُمَّ يَنَامُونَ عَنِ الصَّلَوَاتِ.
May mga nagpupuyat sa gabi sa panonood ng palabas o pag-stambay, pagkatapos ay hindi na nakakagising sa Fajr o naiisantabi ang mga Salah.
٣. الإِسْرَافُ فِي الطَّعَامِ وَالشَّرَابِ
3. Labis-labis na pagkain at pag-inom (Isrāf)
يَجْعَلُونَ الفُطُورَ مَائِدَةً لِلتَّنَاوُلِ الزَّائِدِ، فَيَأْكُلُونَ أَكْثَرَ مِمَّا يَحْتَاجُونَ، وَيَنْسَوْنَ الفُقَرَاءَ.
Kapag oras na ng Iftar, maraming Muslim ang naglalatag ng sobrang pagkain, lampas sa kailangan. Kalimita’y nakakalimutan ang mga dukha o nagiging sanhi ng katamaran sa ‘ibadah.
٤. تَرْكُ السّحُورِ
4. Hindi pagsasagawa ng Sahoor
يَتَعَمَّدُ بَعْضُهُم تَرْكَ السَّحُورِ، وَهُوَ خِلَافُ السُّنَّةِ، وَفِيهِ بَرَكَةٌ.
May mga Muslim na hindi nagsusuhoor kahit kaya naman. Ang Suhoor ay Sunnah at may barakah (basbas), ayon sa sinabi ng Propeta (صلى الله عليه وسلم).
٥. تَرْكُ الصَّلَوَاتِ الخَمْسِ أَوْ تَأْخِيرُهَا
5. Hindi pagdarasal ng limang obligadong Salah o pagpapaliban dito
بَعْضُ النَّاسِ يَظُنُّ أَنَّ الصِّيَامَ يُغْنِي عَنِ الصَّلَاةِ، وَيَتَكَاسَلُونَ عَنْهَا، وَهَذَا مِنْ أَكْبَرِ الخَطَايَا.
Tagalog:
Iniisip ng iba na sapat na ang pag-aayuno kahit hindi nagsasalah. Isa ito sa pinakamalaking pagkakamali. Ang Salah ay haligi ng Islam at hindi pwedeng pabayaan kahit sa Ramadhan.
٦. الغِيبَةُ وَالنَّمِيمَةُ
6. Paninirang-puri at tsismis (backbiting and slander)
يَقَعُ بَعْضُ الصَّائِمِينَ فِي الغِيبَةِ وَالنَّمِيمَةِ وَالكَذِبِ، وَهَذَا يُنْقِصُ أَجْرَ الصِّيَامِ.
Kahit nag-aayuno, may mga Muslim na patuloy sa tsismis, paninira, at pagsisinungaling — nakakasira ito sa gantimpala ng pag-aayuno.
٧. الإِمْسَاكُ عَنِ الطَّعَامِ دُونَ الكَفِّ عَنِ المَعَاصِي
7. Pag-aayuno sa pagkain ngunit hindi sa kasalanan
الصِّيَامُ لَيْسَ تَرْكًا لِلطَّعَامِ وَالشَّرَابِ فَقَط، بَلْ هُوَ كَفٌّ عَنِ الذُّنُوبِ وَالمَعَاصِي.
Ang tunay na layunin ng pag-aayuno ay hindi lang pag-iwas sa pagkain at inumin, kundi pati sa kasalanan. Kapag patuloy pa rin sa panonood ng haram, panlalait, at kasamaan, hindi ito tunay na taqwa.
٨. ظَنُّ بَعْضِ النَّاسِ أَنَّ رَمَضَانَ شَهْرُ النَّوْمِ وَالكَسَلِ
8. Paniniwala na ang Ramadhan ay buwan ng tulog at katamaran
يَجْعَلُ بَعْضُ النَّاسِ رَمَضَانَ فُرْصَةً لِلنَّوْمِ وَالعَطَالَةِ، فَيُضَيِّعُونَ الوَقْتَ وَلَا يَسْتَفِيدُونَ مِنْ فُرَصِ العِبَادَةِ.
May ilan na ginagawa ang Ramadhan bilang buwan ng pagtulog at pagpapahinga lang. Nauubos ang oras sa kawalang-ginagawa, imbes na sa Qur’an, Salah, at Dhikr.
٩. التَّفْرِيطُ فِي دُعَاءِ الإِفْطَارِ وَالتَّوْبَةِ
9. Pagpapabaya sa Du’a tuwing Iftar at pagbabalik-loob (Tawbah)
يُفَوِّتُ بَعْضُ النَّاسِ فُرْصَةَ الإِفْطَارِ فِي الدُّعَاءِ، وَلاَ يَسْتَغِلُّونَ الشَّهْرَ لِلتَّوْبَةِ.
Napakahalaga ng oras ng Iftar sa pananalangin, ngunit maraming nakakalimot dito. Gayundin, ang Ramadhan ay oras ng pagbabalik-loob sa Allah, ngunit napapalampas ng ilan.
١٠. الإِسْتِعْدَادُ لِلْعِيدِ قَبْلَ أَنْ يَنْقَضِيَ رَمَضَانُ
10. Pagkukumahog sa paghahanda sa Eid bago matapos ang Ramadhan
فِي العَشْرِ الأَوَاخِرِ، يَنْشَغِلُ بَعْضُ النَّاسِ بِالتَّسَوُّقِ وَالثِّيَابِ وَيَنْسَوْنَ لَيْلَةَ القَدْرِ.
Sa huling sampung gabi ng Ramadhan, abala ang iba sa pamimili ng damit, pagkain, at regalo, imbes na ituon ang pansin sa Laylatul Qadr at dagdag na pagsamba.
Ang Ramadhan ay buwan ng pagsamba, Qur’an, paglinis ng puso, at paglapit kay Allah. Kaya dapat iwasan ang mga gawing nakakasira sa gantimpala ng ayuno. Huwag sayangin ang Ramadhan sa tulog, laro, tsismis, o labis na pagkain — baka hindi na ito maulit pa.
✍️