Be A Muslimah

Be A Muslimah �The greatest act of love is to bring each other closer to ALLAH [SWT]�

�Whoever love for All

01/09/2026

Islamic Quiz 58.
Choose the Correct answer.

12/07/2026
01/07/2026

HUWAG MONG GAMITIN ANG NIQAB BILANG KALASAG KUNG ANG PUSOY NAGHAHANAP NG PAPURI ☝️

Payo Ni shiekh Ahmad Nour #5

📌☝️
28/06/2026

📌☝️

“ANG PAGMAMAHAL NA HARAM”

Sa panahon natin ngayon, laganap ang “Haram Relationship” sa mga kabataan, dala dala nito ang mapanlinlang na matamis na salitang “Mahal kita”.

Dahil dito, nagkaroon ng daanan ang shaitan upang ilihis niya ang mga kabataan at ginawa nyang tama ang mali sa pangalan ng pagmamahalan.

Pagmamahalan na magiging dahilan ng pagkasira ng ating “imaan” ..

Pagmamahalan na walang katiyakan..

Pagmamahalan na punong puno ng pagsisisi..

Pagmamahalan na ang gabay ng shaitan ang iyong tinatahak at hindi ang gabay ng Islam.

Dahil sa pagmamahalang ito, marami na ang nasira ang kanilang buhay..
nawalan ng saysay ang kanilang pagiging binata/dalaga..
nawalan ng pag-asang makapag asawa pa…

Subhanallah!!!

Kaya naman nag-utos ang Propeta Mohammad صلى الله عليه وسلم nang agarang pag-aasawa sa mga kabataan dahil sa lakas ng tukso ng shaitan sa mga kabataan .

Gayon paman aking mahal na kapatid…
Hnd pa huli ang lahat para magbago at magtawbah at magbalik loob muli sa ALLAH..

Ang pag-iwan sa mga kasalanan na para kay ALLAH ay magbobonga na napakagandang resulta ng hindi mo inaasahan in shaa ALLAH.

Kung ikaw man ay nasa “Haram na relasyon ngayon” iwanan mo ito at talikuran at pagsisihan at manumbalik ka sa iyong panginoon.

Alam kong nahihirapan kanang bumalik dahil sinasabi sayo ng sarili mo at ang iyong shaitan na
“total nakagawa na ako ng malaking kasalanan…”
Hindi pa huli ang lahat, hindi pa nagtatapos ang lahat .

Maari kapang magsimula ulit, magbago ulit, at maging isang masunuring alipin sa kanyang tagapaglikha.

Umpisahan ito sa pagsamba kay ALLAH, pagbabasa ng qur’an, pagpaparami ng isthigfar, bakasakaling maghilom ang sogat sa iyong puso, at mabawasan ang kalungkotan nakabalot sa iyong buhay..

Bismillah…

✍️ Shiekh NUR

📌☝️ Dahil sa kawalan ng iimaan
27/06/2026

📌☝️ Dahil sa kawalan ng iimaan

❓ Bakit maraming kabataang Muslim ang nahuhulog sa haram na relasyon?

Ang pangunahing dahilan ay ang paghina ng pananampalataya (īmān), kawalan ng pagpipigil sa sarili, at paglapit sa mga bagay na ipinagbawal ni Allah. Hindi ito dahil sa pag-ibig mismo, kundi dahil sa pagsunod sa pagnanasa (الهوى) sa halip na sa gabay ni Allah at ng Kanyang Sugo ﷺ.

1. Hindi nila iniiwasan ang mga daan patungo sa zina

Sinabi ni Allah ﷻ:

﴿وَلَا تَقْرَبُوا الزِّنَىٰ ۖ إِنَّهُ كَانَ فَاحِشَةً وَسَاءَ سَبِيلًا﴾

"At huwag kayong lumapit sa zina. Tunay na ito ay isang malaking kasalanan at napakasamang landas."

(Surah Al-Isrā' 17:32)

Hindi lamang ipinagbawal ni Allah ang zina, kundi maging ang lahat ng landas na humahantong dito—tulad ng pakikipaglandian, pribadong pag-uusap nang walang pangangailangan, pakikipag-date, at iba pang uri ng malapit na ugnayan sa labas ng itinakda ng Shari'ah.

2. Sinusunod nila ang kanilang pagnanasa (الهوى)

Sinabi ni Allah ﷻ:

﴿وَلَا تَتَّبِعِ الْهَوَىٰ فَيُضِلَّكَ عَنْ سَبِيلِ اللَّهِ﴾

"Huwag mong sundin ang pagnanasa sapagkat ililigaw ka nito sa landas ni Allah."

(Surah Ṣād 38:26)

Kapag ang damdamin at pagnanasa ang sinusunod kaysa sa Qur'an at Sunnah, madaling mahulog sa kasalanan.

3. Hindi nila pinangangalagaan ang kanilang paningin

Sinabi ni Allah ﷻ:

﴿قُل لِّلْمُؤْمِنِينَ يَغُضُّوا مِنْ أَبْصَارِهِمْ...﴾

"Sabihin mo sa mga mananampalatayang lalaki na ibaba nila ang kanilang paningin..."

At sinabi rin Niya:

﴿وَقُل لِّلْمُؤْمِنَاتِ يَغْضُضْنَ مِنْ أَبْصَارِهِنَّ﴾

"At sabihin mo sa mga mananampalatayang babae na ibaba nila ang kanilang paningin..."

(Surah An-Nūr 24:30–31)

Maraming haram na relasyon ang nagsisimula sa isang tingin, isang chat, o pakikipag-ugnayan sa social media.

4. Sinusunod nila ang mga yapak ni Shayṭān

Sinabi ni Allah ﷻ:

﴿وَلَا تَتَّبِعُوا خُطُوَاتِ الشَّيْطَانِ﴾

"Huwag ninyong sundin ang mga yapak ni Shayṭān."

(Surah Al-Baqarah 2:168)

Hindi agad inaakay ni Shayṭān ang tao sa malaking kasalanan. Nagsisimula ito sa maliliit na hakbang—chat, landian, lihim na pagkikita—hanggang sa tuluyang mahulog sa haram.

5. Hindi nila sinusunod ang payo ng Propeta ﷺ tungkol sa pag-aasawa

Sinabi ng Propeta ﷺ:

يَا مَعْشَرَ الشَّبَابِ، مَنِ اسْتَطَاعَ مِنْكُمُ الْبَاءَةَ فَلْيَتَزَوَّجْ، فَإِنَّهُ أَغَضُّ لِلْبَصَرِ، وَأَحْصَنُ لِلْفَرْجِ، وَمَنْ لَمْ يَسْتَطِعْ فَعَلَيْهِ بِالصَّوْمِ...

"O mga kabataan! Sinuman sa inyo ang may kakayahang mag-asawa ay mag-asawa, sapagkat ito ang higit na nakapagpapababa ng paningin at nangangalaga sa dangal. At ang sinumang hindi pa kaya ay mag-ayuno, sapagkat ito ay panangga sa kanya."

(Sahih al-Bukhari at Sahih Muslim)

6. Mahina ang kanilang ugnayan kay Allah

Sinabi ni Allah ﷻ:

﴿وَمَن يُعْرِضْ عَن ذِكْرِي فَإِنَّ لَهُ مَعِيشَةً ضَنكًا﴾

"At sinumang tumalikod sa Aking pag-alaala, tunay na magkakaroon siya ng masikip na pamumuhay."

(Surah Ṭā-Hā 20:124)

Kapag napapabayaan ang ṣalāh, pagbabasa ng Qur'an, dhikr, at pagsunod kay Allah, humihina ang īmān. At kapag humina ang īmān, mas nagiging madali para kay Shayṭān na akayin ang tao sa tukso at sa haram na relasyon.

📌 Paalala

Ang pag-ibig ay hindi haram. Ngunit ang paraan ng pag-ibig ay dapat naaayon sa itinuro ni Allah at ng Kanyang Sugo ﷺ. Ang tunay na pagmamahal ay hindi nagtutulak sa kasalanan, kundi nag-aakay sa halal.

💚 Ang pinakamainam na landas ay ang panatilihing malinis ang puso, iwasan ang lahat ng daan patungo sa haram, at hangarin ang halal na pag-aasawa sa tamang panahon.

27/06/2026

“ANG PAGMAMAHAL NA HARAM”

Sa panahon natin ngayon, laganap ang “Haram Relationship” sa mga kabataan, dala dala nito ang mapanlinlang na matamis na salitang “Mahal kita”.

Dahil dito, nagkaroon ng daanan ang shaitan upang ilihis niya ang mga kabataan at ginawa nyang tama ang mali sa pangalan ng pagmamahalan.

Pagmamahalan na magiging dahilan ng pagkasira ng ating “imaan” ..

Pagmamahalan na walang katiyakan..

Pagmamahalan na punong puno ng pagsisisi..

Pagmamahalan na ang gabay ng shaitan ang iyong tinatahak at hindi ang gabay ng Islam.

Dahil sa pagmamahalang ito, marami na ang nasira ang kanilang buhay..
nawalan ng saysay ang kanilang pagiging binata/dalaga..
nawalan ng pag-asang makapag asawa pa…

Subhanallah!!!

Kaya naman nag-utos ang Propeta Mohammad صلى الله عليه وسلم nang agarang pag-aasawa sa mga kabataan dahil sa lakas ng tukso ng shaitan sa mga kabataan .

Gayon paman aking mahal na kapatid…
Hnd pa huli ang lahat para magbago at magtawbah at magbalik loob muli sa ALLAH..

Ang pag-iwan sa mga kasalanan na para kay ALLAH ay magbobonga na napakagandang resulta ng hindi mo inaasahan in shaa ALLAH.

Kung ikaw man ay nasa “Haram na relasyon ngayon” iwanan mo ito at talikuran at pagsisihan at manumbalik ka sa iyong panginoon.

Alam kong nahihirapan kanang bumalik dahil sinasabi sayo ng sarili mo at ang iyong shaitan na
“total nakagawa na ako ng malaking kasalanan…”
Hindi pa huli ang lahat, hindi pa nagtatapos ang lahat .

Maari kapang magsimula ulit, magbago ulit, at maging isang masunuring alipin sa kanyang tagapaglikha.

Umpisahan ito sa pagsamba kay ALLAH, pagbabasa ng qur’an, pagpaparami ng isthigfar, bakasakaling maghilom ang sogat sa iyong puso, at mabawasan ang kalungkotan nakabalot sa iyong buhay..

Bismillah…

✍️ Shiekh NUR

22/12/2025

Ano ang “kulot” sa wikang Arabic?

👉 مُجَعَّدٌ: kulot / curly

📌 Halimbawa:
🧑🏻 شَعْرٌ مُجَعَّدٌ
Kulot na buhok

For more Arabic Vocabularies please like /follow
👉أكاديمية دار الفردوس
👉 شعبة اللغة العربية
👉Be A Muslimah

21/12/2025

Yung pinangalanan ng Arabic name ang anak ng
صَلْعَاءُ
Magandang pakinggan pero ang meaning 🤭😆

18/03/2025

Ang HAYAH ng isang Babaeng muslimah🧕🏻 #الحياءBe A Muslimah
03/09/2024

Ang HAYAH ng isang Babaeng muslimah🧕🏻
#الحياء
Be A Muslimah

Address

Cotabato City
9600

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Be A Muslimah posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to Be A Muslimah:

Shortcuts

Share

Category