Nabalawag College, INC. Updates

Nabalawag College, INC. Updates

Share

๐ŸŽ“ Nabalawag College, Inc. Excellence in Education. Empowering dreams, shaping futures. ๐Ÿ“šโœจ

Photos from Nabalawag College, INC. Updates's post 23/07/2026

๐๐€๐๐€๐‹๐€๐–๐€๐† ๐‚๐Ž๐‹๐‹๐„๐†๐„๐’ ๐ˆ๐๐‚., ๐ˆ๐’๐€ ๐’๐€ ๐Œ๐†๐€ ๐๐€๐†๐’๐ˆ๐‹๐๐ˆ๐๐† ๐„๐•๐€๐‚๐”๐€๐“๐ˆ๐Ž๐ ๐‚๐„๐๐“๐„๐‘ | ๐‡๐Ž๐. ๐Œ๐€๐˜๐Ž๐‘ ๐ƒ๐€๐“๐” ๐‘๐„๐๐™ ๐Œ. ๐“๐”๐Š๐”๐‘๐€๐, ๐๐€๐“๐”๐‹๐Ž๐˜ ๐€๐๐† ๐๐€๐Œ๐ˆ๐Œ๐ˆ๐†๐€๐˜ ๐๐† ๐€๐˜๐”๐ƒ๐€

Sa pangunguna ni Hon. Mayor Datu Renz M. Tukuran, patuloy ang pamamahagi ng relief assistance ng MDRRMO at LSWDO Nabalawag sa mga pamilyang pansamantalang nananatili sa mga evacuation centers.

Pinangunahan ang relief distribution ni Ma'am Fairoudzah Endaila Kiram, MDRRMO Head, kasama sina Municipal Councilor Taimama Tapanding at Municipal Councilor Abdulatip Abdulgani, katuwang ang MDRRMO at LSWDO personnel sa paghahatid ng agarang tulong sa mga evacuees.

Kabilang sa mga nagsilbing ligtas na kanlungan ang Nabalawag Colleges Inc., na buong pusong tumanggap at nagbigay ng pansamantalang masisilungan sa mga sibilyang naapektuhan ng kaguluhan sa Nabalawag.

Sa gitna ng pagsubok, nananatiling buhay ang diwa ng pagkakaisa, malasakit, at mabilis na paglilingkod para sa kaligtasan at kapakanan ng bawat mamamayan.

Photos from Nabalawag College, INC. Updates's post 18/07/2026

A New Chapter of Leadership Begins๐Ÿค๐Ÿ‘

Isang makabuluhan at makasaysayang araw ang nasaksihan sa Mass Induction and Oath-Taking Ceremony ng College and Senior High School Student Government (CSHS-SG) ng Nabalawag Colleges Inc., kung saan pormal na nanumpa ang mga bagong halal na opisyal na handang magsilbi nang may integridad, dedikasyon, at pananagutan.

Bago ang panunumpa, nagbigay ng makabuluhang mensahe ng inspirasyon at pamumuno si Principal/Chairman Sir Kaharudin Pagao, na nagpapaalala sa mga opisyal na ang tunay na lider ay hindi lamang namumuno, kundi nagsisilbi nang may kababaang-loob at malasakit.

Lalo pang naging makahulugan ang programa sa pagbabahagi ng kanilang mga inspirasyonal na mensahe ng ating mga panauhing pandangal, C. Sheikh Norhamin Magunto at Engr. Taton D. Salilaguia, na nagbigay ng mahahalagang aral tungkol sa responsableng pamumuno, pagkakaisa, at kahalagahan ng pagiging huwarang mag-aaral.

Nagbigay rin ng mensahe ang CSHS-SG President, Musa M. Pagao, at Vice President, Meriam E. Alamada, na nagpahayag ng kanilang taos-pusong pasasalamat sa tiwalang ipinagkaloob sa kanila at nangakong pangungunahan ang organisasyon nang may malasakit, pagkakaisa, at tapat na paglilingkod.

Sa huli, pormal nang nanumpa ang lahat ng opisyal sa pangunguna ng Chairman ng CSHS-SG, bilang tanda ng kanilang pagtanggap sa responsibilidad na maging boses at kinatawan ng bawat mag-aaral.

Nawa'y magsilbi ang panunumpang ito bilang simula ng isang makabuluhang paglalakbay tungo sa mahusay na pamumuno, pagkakaisa, at positibong pagbabago para sa buong komunidad ng Nabalawag Colleges Inc.

Congratulations to all the newly inducted CSHS-SG Officers! Lead with purpose, serve with humility, and inspire with action.

17/07/2026

Hulyo 16, 2026 ay niyanig ng hiyawan at tawanan ang mga mag aaral mga kalahok. Kinakitaan ng matinding bilis, balance, at diskarte ang ating mga mag-aaral sa naganap na Sack Race Competition (Boys & Girls Category) para sa ating Nutrition Month Celebration. ๐Ÿ๐Ÿฅ”

Walang inatrasan talon kung talon, subsob kung subsob, basta para sa puntos at saya ng team!

Congratulations sa lahat ng nanalo, at saludo sa lahat ng nakilahok. Pinatunayan ninyo na bukod sa pagiging malusog, punong-puno rin ng enerhiya ang mga mga kalahok๐Ÿ’ช๐Ÿ”ฅ

17/07/2026

๐Ÿ’š Team C Yell Competitionโ€“ Nagningning sa kanilang makulay, masigla, at mapang-akit na performance!

Congratulations sa lahat ng kalahok at sa buong NCI community sa isang matagumpay at masayang ikalawang araw ng Nutrition Month Culmination! ๐Ÿ’š๐ŸŽŠ

17/07/2026

โค๏ธ Team A Yell Competitionโ€“ Matatag, determinado, at buong pusong lumaban!

Congratulations sa lahat ng kalahok at sa buong NCI community sa isang matagumpay at masayang ikalawang araw ng Nutrition Month Culmination! ๐Ÿ’š๐ŸŽŠ

17/07/2026

LUMIYAB ANG SIGLA, UMALINGAWNGAW ANG SIGAW!

IKALAWANG ARAW NG NUTRITION MONTH CULMINATION 2026

Kahapon Hulyo 16, 2026, umalingawngaw ang buong campus ng Nabalawag Colleges Incorporated sa matitinding sigawan, palakpakan, at makukulay na pagtatanghal sa Nutrition Month Yells Competition!

Bawat koponan ay nagpakita ng walang kapantay na enerhiya, pagkakaisa, at pagkamalikhain, na tunay na nagbigay-buhay sa pagdiriwang ng Nutrition Month.

โค๏ธ Team A โ€“ Matatag, determinado, at buong pusong lumaban!
๐Ÿ’› Team B โ€“ Nagpasiklab sa lakas, sigla, at kahanga-hangang teamwork!
๐Ÿ’š Team C โ€“ Nagningning sa kanilang makulay, masigla, at mapang-akit na performance!

Isang araw na puno ng sigla, saya, at inspirasyonโ€”patunay na kapag nagkakaisa, mas nagiging makabuluhan ang pagdiriwang ng kalusugan at mabuting nutrisyon.

Congratulations sa lahat ng kalahok at sa buong NCI community sa isang matagumpay at masayang ikalawang araw ng Nutrition Month Culmination! ๐Ÿ’š๐ŸŽŠ

Photos from Nabalawag College, INC. Updates's post 17/07/2026

๐ŸŒฟ ๐๐ฎ๐ญ๐ซ๐ข๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐Œ๐จ๐ง๐ญ๐ก ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” | ๐‚๐ฎ๐ฅ๐ฆ๐ข๐ง๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐š๐ซ๐ญ ๐Ÿ ๐ŸŒฟ

Despite the rain, our Nutrition Month Culmination at Nabalawag Colleges Inc. was a remarkable success! The awarding ceremony has been moved to Monday, but the excitement continued as students actively participated in various activities.

The morning featured the Coconut Smash, Table Skirting Competition, Classroom Competition, and Cooking Contest, while the afternoon was filled with energy through the Sack Race and Yells Competition. Students also proudly showcased their creativity through the Vegetable and Fruit Display.

As one of our first major celebrations in our newly built school, this event highlighted teamwork, creativity, sportsmanship, and the importance of healthy living. Thank you to our administrators, faculty and staff, student leaders, participants, and everyone who contributed to making this celebration meaningful and successful.

๐ŸŒฑ Together, we continue to build a healthier, stronger, and more united Nabalawag Colleges Inc. community.

15/07/2026

๐ŸŽคโœจ The stage is alive with music!
The Darling of NCI Singing Contest is in full swing as our talented teams showcase their incredible voices and team spirit! ๐ŸŽถ๐Ÿ”ฅ
๐ŸŽต First to perform: Team B
๐ŸŽต Followed by: Team C
๐ŸŽต Closing the stage: Team A
Who gave the most unforgettable performance? ๐ŸŽ™๏ธ๐Ÿ’š

Want your school to be the top-listed School/college in Cotabato City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


Sitio Milikano Brgy. Kadingilan Nabalawag SGA-BARMM
Cotabato City