DepEd Tayo Pigcawaran National High School

DepEd Tayo Pigcawaran National High School Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from DepEd Tayo Pigcawaran National High School, School, Brgy. Pigcawaran, Alamada, Cotabato City.

📢 ANNOUNCEMENT | EXTENSION OF CLASS SUSPENSIONDahil sa patuloy na masamang lagay ng panahon, pinalalawig ang suspensyon ...
23/07/2026

📢 ANNOUNCEMENT | EXTENSION OF CLASS SUSPENSION

Dahil sa patuloy na masamang lagay ng panahon, pinalalawig ang suspensyon ng klase upang matiyak ang kaligtasan ng lahat ng mag-aaral, g**o, at kawani.

Manatiling nakaantabay sa opisyal na page ng Pigcawaran National High School para sa mga susunod na anunsyo. Mag-ingat po ang lahat! 🌧️💙

PAUNAWA SA LAHAT NG MAGULANG AT GUARDIANMagandang araw po.Dahil sa masamang lagay ng panahon at sa suspensyon ng klase n...
23/07/2026

PAUNAWA SA LAHAT NG MAGULANG AT GUARDIAN

Magandang araw po.

Dahil sa masamang lagay ng panahon at sa suspensyon ng klase ngayong hapon (half-day classes lamang), hinihiling po namin sa lahat ng mga magulang at guardian na pakisundo na po ang inyong mga anak sa paaralan sa lalong madaling panahon upang matiyak ang kanilang kaligtasan.

Maraming salamat po sa inyong agarang pakikipagtulungan. Mag-ingat po tayong lahat.

📢 PAUNAWA PARA SA LAHAT NG MAGULANG AT GUARDIANPigcawaran National High SchoolMagandang araw po!Inaanyayahan po ang laha...
22/07/2026

📢 PAUNAWA PARA SA LAHAT NG MAGULANG AT GUARDIAN

Pigcawaran National High School

Magandang araw po!

Inaanyayahan po ang lahat ng mga magulang at guardian ng mga mag-aaral ng Pigcawaran National High School na dumalo sa ating Orientation on Child Protection Policy and Responsible Parenthood (Oryentasyon sa Polisiya ng Pangangalaga sa Bata at Responsableng Pagpapalaki).

📅 Petsa: Hulyo 23, 2026 (Huwebes)
🕢 Oras: 7:30 ng Umaga
📍 Lugar: Pigcawaran Elementary School Covered Court

Mahalaga po ang inyong pagdalo.

Layunin ng oryentasyong ito na palawakin ang kaalaman ng mga magulang at guardian tungkol sa Child Protection Policy at Responsible Parenthood upang higit nating mapangalagaan ang kaligtasan, kapakanan, at maayos na paghubog sa ating mga anak.

Ang inyong aktibong pakikilahok ay mahalagang bahagi sa pagtataguyod ng ligtas at positibong kapaligiran para sa bawat mag-aaral.

Maraming salamat po. Shukran sa inyong kooperasyon at pakikiisa!

Mula sa:
Mga G**o ng Pigcawaran National High School

Congratulations to Our NASH Batch 2 Passers! With great pride, we recognize and congratulate our teachers who successful...
04/07/2026

Congratulations to Our NASH Batch 2 Passers!

With great pride, we recognize and congratulate our teachers who successfully met the PPSSH Standards in the Three Domains during the NASH Batch 2 assessment.

✨ Ma’am Ginalyn S. Doromal, T-VI
✨ Sir Khalid A. Malambot, T-VI

Your dedication to professional growth and commitment to delivering quality education reflect the excellence we strive to uphold as educators. May this milestone inspire us all to continue learning, leading, and serving with passion and integrity.

Congratulations on this well-deserved achievement! Your PNHS family is truly proud of you. 💙💛

03/07/2026

“Hindi lahat ng pagwawakas ay pagkawala. Minsan, ito ang simula ng isang mas matatag na bukas.” 💚

Sa loob ng halos tatlong dekada, naging tahimik na saksi ang Pigcawaran National High School Covered Hall sa napakaraming kuwento ng ating paaralan.

Dito nagsimula ang mga pangarap. Dito ipinagdiwang ang mga tagumpay. Dito umalingawngaw ang mga palakpakan, tawanan, at minsan ay maging mga luha ng tagumpay at pagpupunyagi. Mula sa mga school programs, recognition rites, kompetisyon, pagpupulong, at iba pang mahahalagang gawain—ang bawat sulok nito ay naging bahagi ng kasaysayan ng PNHS.

Ngayon, matapos ang halos 30 taon ng tapat na paglilingkod, dumating na ang panahon upang magpaalam. Dahil sa katandaan ng estruktura at bilang pagtiyak sa kaligtasan ng bawat mag-aaral, g**o, at miyembro ng komunidad, ito ay kinakailangang gibain.

Masakit mang masaksihan ang pagtatapos ng isang lugar na puno ng alaala, naniniwala tayong ang tunay na halaga nito ay hindi nasusukat sa mga haligi at bubong, kundi sa mga pangarap at alaalang nabuo rito.

At sa parehong lupang ito, may bagong pag-asa na sisibol.

Isang bagong Covered Court ang itatayo—mas matibay, mas moderno, mas ligtas, at mas handang maging tahanan ng mga bagong pangarap, bagong tagumpay, at panibagong henerasyon ng mga mag-aaral ng Pigcawaran National High School.

Maraming salamat, PNHS Covered Hall. Salamat sa tatlong dekada ng walang sawang paglilingkod. Bagama’t tuluyan nang maglalaho ang iyong anyo, ang iyong naging bahagi sa kasaysayan ng ating paaralan ay mananatiling buhay sa puso ng bawat naging bahagi ng PNHS.

Sapagkat ang mga gusali ay maaaring mawala, ngunit ang mga alaalang nabuo rito ay mananatili magpakailanman. ❤️

ISANG MATAGUMPAY NA PAGSISIMULA PARA SA ATING MGA MAG-AARAL! ✨Isang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga magulang at ...
11/06/2026

ISANG MATAGUMPAY NA PAGSISIMULA PARA SA ATING MGA MAG-AARAL! ✨

Isang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga magulang at guardians na nakiisa at naglaan ng kanilang oras sa ginanap na Homeroom and PTA General Assembly Meeting ngayong umaga, June 11, 2026.

Tunay nating napatunayan ngayong araw ang diwa ng ating tema: "Stronger Parents. Stronger School. Brighter Future." Dahil sa inyong aktibong pakikilahok at suporta, mas naging malinaw at matatag ang ating mga plano para sa kapakanan at magandang kinabukasan ng ating mga mag-aaral sa Pigcawaran National High School.
Salamat sa pagiging katuwang ng DepEd sa paggabay sa ating pag-asa ng bayan! Patuloy tayong magkaisa para sa mas matatag na edukasyon. 🤝💙

📢 ATTENTION: PIGCAWARAN NHS PARENTS AND GUARDIANS! 📢As partners in education, our shared commitment paves the way for ou...
10/06/2026

📢 ATTENTION: PIGCAWARAN NHS PARENTS AND GUARDIANS! 📢

As partners in education, our shared commitment paves the way for our learners' success. We are cordially inviting all parents and guardians to attend our Homeroom and PTA General Assembly Meeting.

🤝 Theme: "Stronger Parents. Stronger School. Brighter Future."
📅 Date: Tomorrow, June 11, 2026
⏰ Time: 7:00 AM to 12:00 NN

Your presence, voice, and continuous support are vital as we plan and collaborate for a better school year ahead. Let us work together to build a brighter future for our children!

See you all tomorrow! 🌟

A day well spent with the PNHS family. 💙Thank you to all students and teachers who took part in the Acquaintance Party 2...
10/06/2026

A day well spent with the PNHS family. 💙

Thank you to all students and teachers who took part in the Acquaintance Party 2026. We hope everyone had fun, met new friends, and created good memories to start the school year.


08/06/2026

ANNOUNCEMENT

Dahil sa naganap na lindol at sa suspensyon ng klase ngayong Hunyo 8, 2026, hinihiling po sa lahat ng mga magulang at guardians na sunduin na ang kanilang mga anak sa paaralan.

Maraming salamat po at manatiling ligtas ang lahat. 🙏🏫

Pigcawaran National High School

01/06/2026

Today, Pigcawaran Elementary School and Pigcawaran National High School successfully conducted the Joint Brigada Eskwela 2026 Kick-Off with the theme:

✨ “Bayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalaman” ✨

Our heartfelt gratitude goes to all parents, teachers, alumni, stakeholders, volunteers, and community partners who took part in this meaningful activity.

As we continue our Brigada Eskwela activities, may this spirit of unity and cooperation inspire us to create a safe, clean, and conducive learning environment for all learners.

💙 Maraming salamat sa inyong pakikiisa at pakikibahagi!
💛 Sama-sama nating itaguyod ang dekalidad na edukasyon para sa bawat batang Pigcawaran.






📚✨🤝

Address

Brgy. Pigcawaran, Alamada
Cotabato City
9413

Opening Hours

Monday 7am - 4:30pm
Tuesday 7am - 4:30pm
Wednesday 7am - 4:30pm
Thursday 7am - 4:30pm
Friday 7am - 4:30pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Tayo Pigcawaran National High School posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category