17/09/2026
𝐌𝐀’𝐇𝐀𝐃 𝐀𝐋𝐈 𝐌𝐄𝐌𝐎𝐑𝐀𝐍𝐃𝐔𝐌 𝐎𝐑𝐃𝐄𝐑 𝐍𝐨. 𝟎𝟏,
Series of 2026
𝙏𝙊: Lahat ng 11th Batch na mga Mag-aaral at G**o
𝙁𝙍𝙊𝙈: Idarah / Administrasyon
Subject: 𝙊𝙥𝙞𝙨𝙮𝙖𝙡 𝙣𝙖 𝙋𝙖𝙜𝙗𝙖𝙗𝙖𝙡𝙞𝙠 𝙢𝙪𝙡𝙖 𝙨𝙖 𝘽𝙖𝙠𝙖𝙨𝙮𝙤𝙣 𝙖𝙩 𝙋𝙖𝙜𝙨𝙪𝙨𝙪𝙢𝙞𝙩𝙚 𝙣𝙜 𝙋𝙤𝙡𝙞𝙘𝙚 𝘾𝙡𝙚𝙖𝙧𝙖𝙣𝙘𝙚.
Assalamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuhu,
𝙄. 𝙋𝘼𝙂𝘽𝘼𝘽𝘼𝙇𝙄𝙆 𝙈𝙐𝙇𝘼 𝙎𝘼 𝘽𝘼𝙆𝘼𝙎𝙔𝙊𝙉:
Ipinababatid sa lahat na ang opisyal na pagtatapos ng bakasyon ay sa araw ng 𝙅𝙪𝙢𝙪’𝙖𝙝 , 𝙞𝙠𝙖-18 𝙣𝙜 𝙎𝙚𝙩𝙮𝙚𝙢𝙗𝙧𝙚, 2026.
Ang lahat ng 11th Batch na mga mag-aaral at g**o ay inaasahang makabalik sa kani-kanilang dormitoryo sa itinakdang araw. Ang pormal na pagsisimula ng klase ay sa 𝙎𝙖𝙗𝙖𝙙𝙤, 𝙞𝙠𝙖-19 𝙣𝙜 𝙎𝙚𝙩𝙮𝙚𝙢𝙗𝙧𝙚, 2026.
𝙄𝙄. 𝙈𝘼𝙃𝙄𝙂𝙋𝙄𝙏 𝙉𝘼 𝙋𝘼𝙂𝘽𝘼𝘽𝘼𝙒𝘼𝙇 𝙎𝘼 𝙋𝘼𝙂-𝙀𝙓𝙏𝙀𝙉𝘿 𝙉𝙂 𝘽𝘼𝙆𝘼𝙎𝙔𝙊𝙉:
Mahigpit na ipinagbabawal ang pagpapaliban o pag-extend ng bakasyon. Ang tatlong (3) linggong bakasyon ay sapat na panahon para sa pagpapahinga at pag-asikaso ng mga personal na gawain.
Ang sinumang hindi makabalik sa takdang petsa nang walang mabigat at katanggap-tanggap na dahilan na may kaukulang patunay ay ituturing na lumabag sa patakaran ng Ma'had at sasailalim sa kaukulang hakbang pandisiplina.
𝙄𝙄𝙄. 𝙋𝘼𝙂𝙎𝙐𝙎𝙐𝙈𝙄𝙏𝙀 𝙉𝙂 𝙋𝙊𝙇𝙄𝘾𝙀 𝘾𝙇𝙀𝘼𝙍𝘼𝙉𝘾𝙀:
Bilang bahagi ng ating patakaran sa seguridad at pagtiyak ng kaayusan, lahat ng mag-aaral at g**o ay kinakailangang magsumite ng updated na 𝙋𝙊𝙇𝙄𝘾𝙀 𝘾𝙇𝙀𝘼𝙍𝘼𝙉𝘾𝙀 𝙨𝙖 𝙢𝙞𝙨𝙢𝙤𝙣𝙜 𝙖𝙧𝙖𝙬 𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙜𝙗𝙖𝙡𝙞𝙠, 𝙞𝙠𝙖-18 𝙣𝙜 𝙎𝙚𝙩𝙮𝙚𝙢𝙗𝙧𝙚, 2026. Ito ay mahigpit na kinakailangan.
𝙄𝙑. 𝙐𝙎𝘼𝙋𝙄𝙉𝙂 𝙋𝘼𝙉𝘼𝙉𝘼𝙇𝘼𝙋𝙄:
Hinihiling sa lahat na bayaran nang buo ang lahat ng bayarin at obligasyong pinansyal sa Idarah bago o sa araw ng pagbalik. Kabilang dito ang bayad sa matrikula at iba pang natitirang balanse.
Ang hindi makakabayad ay kinakailangang personal na makipag-ugnayan sa Idarah at magbigay ng malinaw at katanggap-tanggap na dahilan upang mapag-usapan ang posibleng palugit.
𝙉𝙊𝙏𝙀:
Umaasa kami sa inyong malawak na pang-unawa at patuloy na pakikiisa para sa ikabubuti at ikaaayos ng ating minamahal na Ma'had.
𝙅𝙖𝙯𝙖𝙠𝙪𝙢𝙪𝙡𝙡𝙖𝙝𝙪 𝙆𝙝𝙖𝙞𝙧𝙖𝙣.