14/11/2021
Ang Nobyembre ay National Children’s Month! 🧒🏾👧🏼🧒🏻👧🏽
Ang tema ng ating pagdiriwang ay “New Normal Na Walang Iwanan: Karapatan ng Bawat Bata Ating Tutukan!”
Isa sa mga pinakamahalagang karapatan ng isang bata ay ang makatanggap ng dekalidad na edukasyon. Bahagi ng edukasyong ito ang matutunan ng bata ang pagpapahalaga at paggalang sa karapatang pantao at sa kapaligiran.
Inaanyayahan ang lahat sa DepEd na makiisa sa ating pagdiriwang! Basahin ang DepEd Memorandum No. 75, s. 2021 para sa iba pang impormasyon: https://bit.ly/DM75S2021.
Sama-sama nating isulong ang mga karapatan ng mga bata!