10/05/2025
Sa mga nais mag enroll na taga MBRH, RH4, RH 6 and RH 7 dito po kayo mag enroll ☺️
Sinong nagsabing hadlang ang trabaho, pagiging magulang, o pagiging busy sa pag-aaral?
Sa ALS District 2, may paraan at may oras para sa’yo!
May trabaho ka ba sa weekdays?
Sunday lang ang free mo?
O baka sa gabi ka lang may time makapag-aral?
Walang problema!
Pili lang sa mga learning options namin na swak sa lifestyle mo:
✅Face-to-Face Classes – Pumili ng isang araw lang kada linggo: Lunes, Martes, Miyerkules, o Biyernes. Pasok lang kapag libre ka!
✅Modular Learning – May trabaho ka sa umaga at gabi lang ang free time? Swak ‘to para sa’yo! Ikaw ang may hawak ng oras mo—pwede kang mag-aral kahit hatinggabi, habang nagpapahinga, o kahit kailan mo kaya.
✅Sunday Class – Kung Sunday lang ang bakante mo, don’t worry, may ALS pa rin para sa’yo!
Kaya ano pang hinihintay mo?
Mag-ALS na!
Dito, abot-kamay ang pangarap kahit gaano ka pa ka-busy!