12/06/2026
🇵🇭 Araw ng Kalayaan 2026 🇵🇭
Sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan, sama-sama nating ginugunita ang katapangan, pagkakaisa, at pagmamahal sa bayan na ipinamana ng ating mga bayani. Bilang mga mag-aaral at tagapagtaguyod ng edukasyon, nawa’y maging inspirasyon ang kanilang sakripisyo upang malinang natin ang pagiging makabayan, responsable, at mapanagutang mamamayan.
Ang tunay na kalayaan ay hindi lamang bunga ng nakaraan kundi isang pananagutang patuloy nating pinangangalagaan sa pamamagitan ng paggalang, pagkakaisa, at paglilingkod sa kapwa at sa bansa.
Isang Paaralan, Isang Diwa, Isang Bayang Malaya. Mabuhay ang Pilipinas! 🇵🇭✨
#
,2026