22/06/2026
Ang Flag Ceremony ay obligado sa lahat ng paaralan sa Pilipinas. May batas ito sa ilalim ng Republic Act No. 8491 (Flag and Heraldic Code) at Republic Act No. 1265, kaya kailangan itong sundin ng lahat ng estudyante at school personnel.
Schedule ng Flag Ceremony
β’ Lunes ng Umaga β Flag Raising
β’ Biyernes ng Hapon β Flag Retreat
Lahat ng estudyante, g**o, at school officials ay required umattend.
Standard na Daloy ng Programa
Ayon sa DepEd Order No. 50, s. 2015, ito ang tamang pagkakasunod-sunod:
1. Lupang Hinirang β Habang kinakanta, inaangat ang watawat.
2. Interfaith Prayer / Panalangin β Laging pagkatapos ng National Anthem.
3. Panunumpa ng Katapatan sa Watawat ng Pilipinas β Kanang kamay, bukas ang palad, nakaangat sa balikat.
4. Panunumpa ng Lingkod Bayan β Para sa DepEd officials at employees lang.
Tamang Asal at Disiplina
β’ Tumayo nang tuwid at harap sa bandila.
β’ Sibilian: Kanang kamay sa dibdib.
β’ Naka-uniporme (scouts, military, security): Sumunod sa tamang saludo ayon sa kanilang rules.
β’ Mga sasakyan sa loob ng paaralan: Kailangang huminto habang tinutugtog ang National Anthem.
π― Bakit Importante Ito?
Ang Flag Ceremony ay paraan ng:
β’ Pagpapakita ng pagmamahal sa bansa
β’ Paggalang sa bandila at kalayaan
β’ Pagpapaalala ng ating tungkulin bilang mamamayang Pilipino
Simple lang: Makinig, sumunod, at magbigay-galang.
Ctto: