DRHS Supreme Secondary Learner Government

DRHS Supreme Secondary Learner Government The OFFICIAL FACEBOOK PAGE of Supreme Secondary Learner Government of DIADI REGION HIGH SCHOOL

🌿SSLG WED-LINIS🌿(August/12/2026) Big thanks to all Sslg Officers, na naglaan ng oras para tumulong!❤️‍🩹🌻
12/08/2026

🌿SSLG WED-LINIS🌿
(August/12/2026)

Big thanks to all Sslg Officers, na naglaan ng oras para tumulong!❤️‍🩹🌻



🎉 Happy Birthday, Harold 🎂💙On this special day, the SSLG FAM. /DRHS FAMILY extends our warmest birthday wishes to our ha...
11/08/2026

🎉 Happy Birthday, Harold 🎂💙

On this special day, the SSLG FAM. /DRHS FAMILY extends our warmest birthday wishes to our hardworking and dedicated Grade 9 Representative, Harold Dumawal!

May your birthday be filled with happiness, laughter, and countless blessings. Thank you for your commitment, leadership, and passion in serving your fellow students. Continue to inspire others with your kindness and determination.

Wishing you good health, endless success, and all the happiness your heart desires. Enjoy your special day!

Happy Birthday once again, Harold! 🥳🎈

– From your SSLG FAM. & DRHS FAM. ❤️

📢 ANNOUNCEMENT | CLEANEST CLASSROOM & ZONE CHECKING Ngayong week August 3–7, 2026, dahil sa 2-day class suspension at pa...
08/08/2026

📢 ANNOUNCEMENT | CLEANEST CLASSROOM & ZONE CHECKING

Ngayong week August 3–7, 2026, dahil sa 2-day class suspension at patuloy na malakas na pag-ulan, pansamantalang isinususpinde ang checking at announcement ng mga nanalo ng Cleanest Classroom and Zone.

Subalit itutuloy ang checking at announcement sa August 10-14 2026

Maraming salamat sa inyong pag-unawa at patuloy na pakikiisa. Ingat po tayong lahat at manatiling ligtas!






✨ 1st WED-LINIS | AUGUST 2026 ✨🌿 Sama-sama nating simulan ang buwan ng Agosto sa isang malinis, ligtas, at maayos na kap...
05/08/2026

✨ 1st WED-LINIS | AUGUST 2026 ✨

🌿 Sama-sama nating simulan ang buwan ng Agosto sa isang malinis, ligtas, at maayos na kapaligiran! 💚

ARANGKADA! NASUDI A DIADI!



📢PAGBATI SA MGA NANALO NG PINAKA MALINIS NA SILID -ARALAN AT AREA! 🥳(july/27-30/2026)🌻Panatilin nating maayos at malinis...
04/08/2026

📢PAGBATI SA MGA NANALO NG PINAKA MALINIS NA SILID -ARALAN AT AREA! 🥳

(july/27-30/2026)🌻

Panatilin nating maayos at malinis ang ating mga silid-aralan at mga Area! sa mga hindi pinalad, hindi pa po huli ang lahat, may pag asa pa po kayo!🥰




📢CONGRATULATIONS TO ALL THE WINNERS OF ELITE CLASSROOM OF THE MONTH! 🥳(Month of JULY) 🌻Panatilihin natin ang kaayusan at...
04/08/2026

📢CONGRATULATIONS TO ALL THE WINNERS OF ELITE CLASSROOM OF THE MONTH! 🥳

(Month of JULY) 🌻

Panatilihin natin ang kaayusan at kalinisan ng ating silid-aralan. 🌿




This is it phanseyttt! 🥰🥰🥰
03/08/2026

This is it phanseyttt! 🥰🥰🥰

Ang Diadi Region High School ay nakikiisa sa pagdiriwang ng BUWAN NG WIKA na may temang: "WIKANG FILIPINO AT AI: KASANGKAPAN SA PANANALIKSIK AT TULAY SA YAMAN NG IMPORMASYON."

Kaugnay nito, inihahandog ng KAPISANAN NG MAG-AARAL SA FILIPINO (KAMFIL) ang gawaing timpalak ngayong linggo (AGOSTO 3-7, 2026)

OBRA SA PAGGAWA NG POSTER: TRADISYUNAL AT DIGITAL

Pamantayan sa Paggawa ng Poster (Tradisyunal at Digital)
*Nilalaman (30%) – Malinaw na naipakita at naipaliwanag ang ugnayan ng mga konsepto.
*Kaangkupan ng Konsepto (20%) – Angkop at madaling maunawaan ang mensahe.
*Orihinalidad (20%) – Natatangi at orihinal ang ideya at mensahe.
*Pagkamalikhain (20%) – Wastong paggamit ng kulay upang maipahayag ang konsepto at mensahe.
*Kabuuang Presentasyon (10%) – Malinis at maayos ang pagkakagawa.

Ang bawat seksyon ay magsasagawa ng paggawa ng poster sa kanilang oras ng asignatura sa Filipino. Ang mapipiling pinakamahusay na poster sa bawat seksyon ang kakatawan sa kanilang seksyon sa patimpalak laban sa iba pang seksyon. Ito ay isasagawa bilang isang timpalak sa bawat kurikulum. Ang mga magwawagi sa bawat kurikulum ay bibigyang-parangal sa susunod na Flag Ceremony.

-photo edit by Jefferson Duenas Cayaban

-KAMFIL

Heyy, DIADINIANS! 📢📢📢🌻MOST DISCIPLINED SECTION & MOST ATTENDEES DURING FLAG CEREMONY 🏆📢 Simula Bukas August 3, 2026, opi...
02/08/2026

Heyy, DIADINIANS! 📢📢

📢🌻MOST DISCIPLINED SECTION & MOST ATTENDEES DURING FLAG CEREMONY 🏆

📢 Simula Bukas August 3, 2026, opisyal nang sisimulan ng SSLG ng Diadi Region High School ang checheck o pag e'evaluate ng Most Disciplined Section During Flag Ceremony at Most Attendees During Flag Ceremony.🌼💐

Ang programang ito ay naglalayong hikayatin ang bawat mag-aaral na maging maaga, disiplinado, responsible, at aktibong makiisa sa ating lingguhang Flag Ceremony.😍

Let's make every Monday a reflection of our commitment, respect, and school pride. Together, let's build a culture of discipline, punctuality, and unity at Diadi Region High School.🌹🌹

See you every Flag Ceremony! Starts: August 3, 2026 🥰



MALIGAYANG BUWAN NG WIKANG PAMBANSA! diadinians! 🥰🥰
01/08/2026

MALIGAYANG BUWAN NG WIKANG PAMBANSA! diadinians! 🥰🥰

Diadinians, MALIGAYANG BUWAN NG WIKANG PAMBANSA 2026! 🇵🇭
"Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon"

Sa pagpasok ng buwan ng Agosto, buong-puso nating ipagdiwang ang yaman ng ating Wikang Pambansa kasabay ng pagyakap sa makabagong teknolohiya! 💡✨
Ang tema ngayong taon ay isang paanyaya na kilalanin ang mahalagang papel ng Wikang Filipino at Artificial Intelligence (AI) sa larangan ng makabansang pananaliksik at edukasyon.
🌟 Bakit Mahalaga ang Temang Ito?
1. Tinutulungan tayo ng AI na mas mapadali at mapabilis ang paghahanap at pagsasaliksik ng impormasyon.
2. Pinananatiling buhay at mahalaga ang Wikang Filipino sa paggamit ng teknolohiya at sa digital na mundo.
3. Pinag-uugnay nito ang ating kultura, wika, at makabagong kaalaman para sa mas mahusay na pagkatuto.
4. Naghahanda ito sa mga mag-aaral na maging responsable at makabayang mamamayan sa makabagong panahon.
💙💛❤️
Kaya naman, mga g**o, mag-aaral, at magulang ng DRHS, sama-sama nating gamitin ang teknolohiya nang responsable habang pinahahalagahan ang ating Wikang Filipino. Ating ipagdiwang at buhayin ang diwa ng pagka-Pilipino ngayong Buwan ng Wika!
Mabuhay ang Wikang Filipino! Mabuhay ang Sambayanang Pilipino! 🇵🇭
-KAMFIL

Address

Zone 2, Brgy. Villamarzo
Cordon
3312

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DRHS Supreme Secondary Learner Government posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category