18/09/2026
MARAMING SALAMAT PO! ❤️
Lubos na nagpapasalamat ang aming paaralan sa walang-sawang suporta at malasakit ng ating mga minamahal na lingkod-bayan sa Barangay Camarao.
Sa pangunguna ng aming supportive na Barangay Captain, Hon. Roderick J. Bose, kasama ang Committee on Education Barangay Kagawad, Hon. Herminio B. Vicente, at ang ating mga masisipag at mapagkalingang Barangay Kagawad ng Camarao, maraming salamat po sa inyong pagtugon sa aming pangangailangan—lalo na sa pagbuo ng aming school garbage/waste disposal area. 🗑️🏫
Sa bawat request namin, laging “YES” ang inyong sagot. Hindi lamang po materyal na tulong ang inyong ibinibigay, kundi higit sa lahat ay ipinapakita ninyo ang tunay na malasakit sa ating paaralan, mga g**o, at mga mag-aaral.
Taos-puso rin po ang aming pasasalamat sa aming Principal, Ma’am Jolly V. Delfinado, sa patuloy na paggabay, suporta, at malasakit sa aming paaralan. ❤️
Maraming salamat po sa inyong lahat!
Dahil sa pagtutulungan ng paaralan at barangay, mas nagiging maayos, malinis, at ligtas ang ating learning environment. 🤝🏫
“Kapag sama-sama, bawat pangarap para sa paaralan ay nagiging posible.”