Mauricio F. Fabito NHS Travel Goals

Mauricio F. Fabito NHS  Travel Goals A small school in the municipality of Corcuera, Romblon who seeks assistance to anybody with big hea

28/12/2023

📢 ATTENTION: All aspiring Isko and Iska!📢

You only have 5 days left to register, upload your documentary requirements, and complete your application for the 2024 DOST-SEI Undergraduate Scholarships.

The deadline for applications is on December 31, 2023.

To access the E-Application website, click on this link: https://www.science-scholarships.ph/ #/home

Please make sure to submit all necessary requirements before the deadline. Good luck with your application!
__________

07/12/2023

Gusto mo bang maging DOST scholar? Oo? Ano pa ang hinihintay mo?! Apply na!

Kayat mo ba nga agbalin nga maysa a DOST Scholar? Wen? Anya pay ti ururayem kabsat?! Ag-apply kan!

Gabay moy malmalew ya DOST iskolar? Nu on? Anto ni siren so alagaren mo?! Man apply ka la!Piyan moy manbalin ay esang ay DOST iskolar? Aw? Ah ket darasem ay gayyem, man apply kan!

The E-Scholarship Application System to the 2024 DOST-SEI UNDERGRADUATE SCHOLARSHIPS is NOW OPEN!

Interested and aspiring students may now submit their application and required documents through: https://www.science-scholarships.ph/

The last day of application is on December 31, 2023. In-person pen and paper Qualifying Examinations will be held on April 6-7, 2024 in various testing centers nationwide.

Apply na at maging DOST Scholar ka!



(Mention 3 of your friends or more here)
Get yourself this Twibbonize frame at twb.nz/2024ugradr1campaign

Yehey!  Intrams na s JANUARY!
19/12/2022

Yehey! Intrams na s JANUARY!

24/05/2020

Repost: Kaunting kaalaman patungkol sa pagbubukas ng klase sa August 24

Ang school year 2020-2021 ay magbubukas sa August 24 pero HINDI ibig sabihin na FACE TO FACE learning, may four alternative delivery modes ang DepEd para isagawa ito... kung ano ang gagamitin ay depende na po sa paaralan na bibigyang permiso ng regional at division office, kaya po tayo ay mageenroll starting June 1 para ipagbigay alam natin sa paaaralan ang delivery mode na iyong kakayanin para sa inyong anak

1. FACE TO FACE- ito ang traditional classroom scenario na (sa palagay ko) marami ang may ayaw sapagkat nariyan ang panganib na mainfect. Malinaw po na ito ay gagamitin lamang sa mga lugar na walang banta ng covid-19 na papahintulatan ng IATF. Babawasan din po ang bilang ng mga magaaral at dapat i-observe ang minimum health standards

2. DISTANCE LEARNING
a. ONLINE DISTANCE LEARNING - ito ay pag-aaral gamit ang internet, laptop at smart phones..maaaring synchronous (real time, ibig sabihin kailangan mong magonline sa oras ng iyong klase) o asynchronous (magoonline ka lamang pag may kakayahan ka na ayon sa time frame na binigay ng iyong g**o)

b. MODULAR - ito ay paggamit ng mga learning modules na ibibigay ng paaralan na maaaring printed o electronic

c. PAGGAMIT ng TV o RADIO BROADCAST

Ang distance learning mode ay nangangailangan ng suporta ng magulang. Kung ang tanong ay paano ako magtuturo sa anak ko ay wala naman akong kakayahan, habang hinihintay po ang August 24 ay bibigyan po ng pagkakataon ang mga magulang o sinumang volunteer na i-capacitate ang sarili para dito. Ito ay sa pamamagitan ng trainings na ibibigay ng paaralan.

3. BLENDED LEARNING - pinagsamang 1 and 2..

4. HOME SCHOOLING - mula sa salitang home, ang bata ay sa bahay lamang magaaral kasama ang magulang bilang g**o.

Kung ang tanong ay paano naman po bibigyan ng marka ang mga bata - ang sagot ay maglalabas ang DepEd ng panibagong assessment tool.

Saan naman kukuhanin ang grades ng mga bata? Paano isasagawa ang assessment?
- sa DISTANCE LEARNING ay formative test ang ibibigay (hindi po graded ang formative) pero ang bata ay magtetest sa oras na pwede na at may pagkakataon na. Kaya po habang nasa bahay dapat ay mamaster ng bata ang skills na dapat niyang matutunan para sa pageexam niya kaya na niyang magsagot.

Anong skills ang ituturo sa bata?
- babawasan po ng DepEd ang learning competencies- magpo-focus po tayo sa Most Essential Learning Competencies (MELC)

Saan po kukuha ng mga learning modules? babayaran po ba?
- ito po ay provided ng paaralan...

Kung ipapagpaliban po natin ngayong taon ang pasukan dahil walang bakuna, sigurado po ba tayo na by next year may bakuna na? Paano po kung aabutin pa ng 2 o 3 o higit pang taon bago magkaroon ng bakuna? Ibig sabihin po ba ay 3 o higit pang taon hihinto ang ating mga anak sa pagaaral?

Tayo po ay binibigyan ng DepEd ng mga paraan upang hindi mahinto ang pagkakatuto ng ating mga anak. Kooperasyon at suporta lamang po ang kailangan.

At the end of the day, ang desisyon po kung ieenroll ninyo ang inyong mga anak this school year ay nasa inyo mga kamay.

Repost
Ccto

16/09/2019

Pwede nyo po ito iforward sa Group Chat ng students or parents.

Sa mga magulang at mga mag aaral,

Buong galang na may pagmamalasakit po tayong pinaaalalahanan at hinihikayat ng DepEd na iwasan ang pagpopost ng buong larawan ng ID, Report Card o Certificate ng ating mga anak sa Facebook o sa anupamang social networking site platforms. Ang mga dokumentong ito, bagama’t karapatdapat ipagmalaki, ay naglalaman ng mga mahahalaga at sensitibong personal na impormasyong maaaring gamitin upang mambiktima at manlinlang ng kapwa kabilang na may ari ng mga dokumentong iyon kasama na rin ang kanyang mga kaanak.

1. Ang buong pangalan ng bata at buong pangalan ng kanyang paaralan na matatagpuan rito ay maaaring gamitin upang matukoy kung saan siya naroroon. Napakadali ngayong isearch at makita ang mga social media accounts ng mga bata gayundin makita sa mapa gamit ang internet ang kinaroroonan ng mga ito;

2. Ang Learner Reference Number (LRN) na natatangi sa isang magaaral ay matatagpuan rin sa mga dokumentong ito. Nakaugnay sa LRN ng isang bata ang kanyang historical school records kasama ang kanyang mga marka gayundin ang mga personal na impormasyon gaya ng petsa ng kapanganakan, adres, pangalan ng mga magulang, lahi, at iba pa, na pawang ginawa ng gobyerno bilang paghahanda sa National ID System. Isang hack ng database ng DepEd at tiyak na makikita ang mga impormasyong ito na magagamit sa Identity Theft o pagnanakaw ng pagkakakilanlan. Nagagamit, halimbawa, ang apelyido ng nanay noong dalaga at petsa ng kapanganakan upang matukoy ang password ng isang tao sa kanyang mga accounts;

3. Ang lagda o pirma ng mga school administrators at principals gayundin ang mga logos at headers ng mga paaralan ay naroroon din. Ang mga ito ay maaaring makopya at maedit para makahingi ng donasyon at makapangikil;

4. Ang buong Diploma o Certificate ay maaaring makopya para magamit sa pansariling kapakanan. Napakadali na ngayong mag edit at makapandaya.

Muli po, bagama’t tunay na maipagmamalaki ang mga dokumentong ito at masarap ipost sa ating social media accounts, unahin pa rin natin ang kapakanan ng ating mga anak at sarili. Mas mahalaga pa rin na maproteksyunan natin ang privacy natin at ng ating mga anak.

Maraming salamat po!






Pakishare s my mga group chat n mga nanay teachers..

Another makeshift room under construction.While waiting for the concrete one.Another endeavor out of love
19/06/2019

Another makeshift room under construction.
While waiting for the concrete one.
Another endeavor out of love

08/05/2019


Address

Corcuera
5514

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm

Telephone

+639055404376

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mauricio F. Fabito NHS Travel Goals posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to Mauricio F. Fabito NHS Travel Goals:

Shortcuts

Share

Category