01/09/2026
π΅π BUWAN NG WIKA 2026π΅π
Sa temang "Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon," ating ipinagdiriwang ang kagandahan, yaman, at patuloy na pag-unlad ng ating wikang Filipino kasabay ng makabagong teknolohiya.
Sa bawat salita, kultura ay naipapasa. Sa bawat kaalaman, kinabukasan ay nabubuo. At sa wastong paggamit ng AI, mas napapalawak natin ang ating kaalaman habang pinauunlad ang wikang Filipino.
Kaugnay nito, sama-sama rin nating ipinagdiriwang ang Pista sa Nayon, isang pagpaparangal sa ating kultura, tradisyon, bayanihan, at pagmamahal sa sariling atin.
Nawaβy maging inspirasyon ang pagdiriwang na ito upang patuloy nating gamitin, pagyamanin, at ipagmalaki ang ating kultura at ang wikang Filipino sa bawat akda, pananaliksik, at makabagong pamamaraan ng pagkatuto.
Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng magulang, panauhin, mga g**o, at mga mag-aaral sa inyong walang humpay na pagtulong, na siyang dahilan ng ating matagumpay na pagdiriwang at pagtatapos ng Buwan ng Wika.