21/08/2026
๐๐ข๐ง๐จ๐ฒ ๐๐ช๐ฎ๐ข๐ง๐จ ๐๐๐ฒ | ๐๐ค๐-๐1 ๐ง๐ ๐๐ ๐จ๐ฌ๐ญ๐จ ๐๐๐๐
Ngayong ika-21 ng Agosto, ating ginugunita ang Ninoy Aquino Day bilang pag-alala sa sakripisyo at paninindigan ni dating Senador Benigno โNinoyโ S. Aquino Jr., na naging mahalagang bahagi ng kasaysayan ng ating bansa.
Sa bisa ng Republic Act No. 9256, na nilagdaan noong Pebrero 25, 2004, itinakda ang ika-21 ng Agosto bilang Ninoy Aquino Day at isang pambansang araw na walang pasok, bilang pagkilala at paggunita sa kaniyang ambag sa kasaysayan ng Pilipinas.
โThe Filipino is worth dying for.โ
Ang mga salitang ito ay sumasalamin sa matibay na pagmamahal ni Ninoy Aquino sa kaniyang bayan. Ang kaniyang tapang at paninindigan ay nagsilbing paalala sa bawat Pilipino ng kahalagahan ng kalayaan, demokrasya, at pagmamahal sa bayan.
Sa araw na ito, ating alalahanin ang kaniyang buhay at sakripisyo, at ang mga aral na iniwan niya para sa mga susunod na henerasyon. Nawaโy magsilbi itong inspirasyon upang patuloy nating pahalagahan at pangalagaan ang kalayaang tinatamasa natin ngayon.
Alalahanin. Pahalagahan. Ipagpatuloy ang paninindigan para sa bayan.