02/09/2026
KASALUKUYANG NAGAGANAP | Opisyal nang inilunsad ng Davao de Oro State College (DdOSC) Main Campus ang paggunita sa Buwan ng Wika 2026 ngayong ika-27 ng Agosto.
Wika, Kultura, at Teknolohiya ๐ต๐ญ๐
Sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika, tampok ngayong taon ang temang pinamagatang โWikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon.โ
Ipinapakita ng tema kung paano nagiging mahalagang bahagi sa mga pilipino ang Wikang Filipino at makabagong teknolohiya tulad ng Artificial Intelligence (AI) sa pag-aaral, hindi lamang sa mga simpling bagay kundi sa pananaliksik, at paghahanap ng impormasyon.
Ang wika ay hindi lamang paraan sa pakikipag komunikasyon. Ito rin ay bahagi ng ating kultura bilang mga pilipino, pagkakakilanlan, at pagkakakisa bilang mga pilipino. Sa tulong ng teknolohiya, mga bagay ng mahirap gawin, mas napapadali at nakakatulong sa pagkatuto at pag hubog sa kaalaman, ngunit mahalaga pa rin ang wastong paggamit at pagpapahalaga sa sariling yaman at wika.
Bilang pagkikiisa sa pinaka mahalagang selebrasyon, buong pagmamalaking nagsuot ang mga mag-aaral ng DDOSC lalong lalong na ang BSE entrepreneurship 1A ng barong Tagalog at Filipiรฑana, na sumisimbolo ng ating pagkakakilanlan sa ating kulturang pilipino. Sa simpleng pananamit at pakikilahok, ipinapakita natin hindi lang bilang mga pilipino, kundi ang pagmamahal at pagpapahalaga sa ating wika, kultura, at pagka-pilipino.
Ipinagmamalaki ang sariling wika at pagkakakilanlan, ito ay pahalagahan ang ating kultura, at gamitin ang teknolohiya nang may talino at pananagutan. ๐ต๐ญโจ
MABUHAY ANG WIKANG FILIPINO!!