14/06/2026
Bilang isang g**o, hindi ko maiwasang malungkot sa sinapit niya. Minsan na siyang dumaan sa aking news feed noong nabalitang naging MVP siya, ngunit agad ko rin itong in-scroll up dahil hindi ako pamilyar sa kanya at di din ako mahilig sa sports. Pero hindi ko inakalang darating ang panahong babalik siya sa aking isipan sa paraang ganito kasakit. At hindi ko napaghandaang masasaktan pala ako sa pagkawala nya kahit hindi ko naman siya kilala sa personal.
Nitong mga nagdaang araw, nang mabalitaan kong siya’y pumanaw, hindi ko napigilan ang maiyak- ng puso ko bilang isang g**o. Isang batang puno ng pangarap, determinasyon, at potensyal. Alam kong kung humaba lamang ang kanyang buhay, kayang-kaya niyang tupadin ang mga iyon. May kakayahan siya, may disiplina, at may tamang pag-uugali—mga katangiang bihirang matagpuan at lalong bihirang mapanatili.
Nang siya’y pumanaw, hindi lamang ang kanyang buhay ang nawala, kundi pati ang mga pangarap na sana’y naabot pa, ang mga talentong mas lalo pang nahubog, at ang mga ambag na maaari pa sana niyang ibigay sa mundo ng sports at sa mas nakararami. Bilang isang g**o, pangarap kong magkaroon ng mag-aaral na kagaya niya—at mas higit pa roon, pangarap kong makita ang kanilang mga pangarap na natutupad.
Kung may salitang hihigit pa sa “sayang,” iyon ang nararapat sa sinapit niya.
Kaya sana, kung ikaw ay isang mag-aaral ngayon—may kakayahan pang mangarap at may pagkakataon pang tupdin iyon—magsilbing aral sana sa inyo ang buhay ni Rene. Sana ay pahalagahan ninyo ang oras, ang talento, at ang pagkakataong nasa inyong mga kamay. At sana, sa bawat batang magtatagumpay, sa bawat pangarap na matutupad, ay patuloy na mabubuhay ang alaala ni Rene—hindi man sa anyo ng kanyang presensya, kundi sa inspirasyong iniwan niya sa puso ng bawat nangangarap.
Photo credits to the rightful owner