10/12/2025
ISNHS Trio, umarangkada sa Gawad Teodora Alonzo Awards
Tatlong g**o mula sa Ilocos Sur National High School (ISNHS) ang naghatid ng malaking karangalan sa paaralan matapos silang magwagi sa â Gawad Teodora Alonzo Awards Story Book Writing Competition ng Department of Education (DepEd) Region 1, na idinaos noong Disyembre 4, 2025 sa NEAP Region 1, San Vicente, San Fernando City, La Union.
Itinanghal na 1st Place sa Disaster Risk Reduction and Management Category si Cyrene Kaye P. De la Cruz, kasama ang ilustrador na si KrisIan Jan Q. Figuerres.
Samantala, nakamit naman ni Amelyn Q. Sanchez ang 3rd Place sa Chapter Books for Young Adults (Baitang 9â10), na binigyang-buhay sa ilustrasyon ni Marc John Micenarei E. Acena.
Nagwagi rin si Arlene P. Pagay bilang 3rd Place sa Chapter Books for Young Adults (Open Category), katuwang ang ilustrador na si Theodore Dan C. Rivero, sa pamamagitan ng kanilang kuwentong nagtatampok ng kulturang lokal at malikhaing imahinasyon.
Itinuturing ang Gawad Teodora Alonzo Awards bilang isang prestihiyosong parangal sa rehiyon na naglalayong palakasin ang literasi at hikayatin ang paglikha ng de-kalidad at makabuluhang akdang pampanitikan para sa kabataan.
Hindi lamang nagbigay dangal sa ISNHS ang kanilang panalo kundi nagsilbi ring inspirasyon sa kapwa g**o at mag-aaral na ipagpatuloy ang pagtaaguyod ng pagbabasa, kultura, at malikhaing pagkatuto sa komunidad.
21/11/2025
21/11/2025
21/11/2025
21/11/2025
21/11/2025
20/11/2025
20/11/2025