24/02/2022
๐ข๐ฃ๐๐ฆ๐ฌ๐๐ ๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐๐ฌ๐๐
๐๐ฒ๐ฝ๐๐ฑ ๐ป๐ถ๐น๐ถ๐ป๐ฎ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฟ๐ฒ๐น๐ฎ๐๐๐ผ๐ป ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ถ๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ด๐ฎ๐๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ ๐ฃ๐ง๐
Pebrero 25, 2022 โ Nais linawin ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) sa publiko ang relasyon nito sa Parent Teachers Association (PTA) bilang isang school-based na organisasyon sa pagtitiyak ng paghahatid ng education-related na mga serbisyo sa lahat ng aming mga stakeholders.
Malinaw na nakasaad sa DepEd Order No. 54 series of 2009, โ...bilang organisasyon na tumatakbo sa loob ng paaralan, ang PTA ay susunod sa lahat ng umiiral na patakaran at pagpapatupad ng mga alituntunin na pinalabas o pagkatapos nito ay maaaring ipalabas ng Kagawaran ng Edukasyon. Ang PTA ay magsisilbi bilang isang support group at isang mahalagang katuwang ng paaralaan na ang relasyon ay natutukoy sa pagtutulungan at bukas na diyalogo sa mga stakeholders upang itaguyod ang kapakanan ng mga estudyante.โ
Nakasaad din sa DepEd Order No. 54, series of 2009 na โang lahat ng aktibidad ng PTA sa loob ng paaralan o alinmang sangkot ang paaralan, mga kawani o mga estudyante ay dapat na dumaan muna sa konsultasyon at pag-apruba ng School Head.โ
Itinatadhana rin ng nasabing kautusan ang ilang tiyak na ipinagbabawal na mga aktibidad para sa PTA, kabilang ang โpakikisangkot sa anumang partisan political activity sa loob ng paaralan.โ
Patuloy naming kinikilala at pinahahalagahan ang pakikipagtulungan ng komunidad, ng mga magulang, g**o, at aming school administration sa pagtitiyak ng paghahatid ng dekalidad na pangunahing edukasyon para sa lahat ng aming mga mag-aaral.
[Full article (English): https://www.deped.gov.ph/2022/02/24/deped-clarifies-the-relationship-between-the-department-and-the-pta/]