Larga na dito sa Filipino!๐๐ค
Kapisanan ng mga Guro at mga Magiging Guro sa Filipino
Tagapagsulong ng wika at kulturang Filipino tungo sa matatag at makabayang pag-unlad.
20/05/2026
๐๐ก๐ก๐ข๐จ๐ก๐๐๐ ๐๐ก๐ง | ๐ฃ๐ฅ๐-๐๐๐ฆ๐ง๐๐ก๐ ๐๐ก๐ ๐๐ก๐ง๐๐ฅ๐ฉ๐๐๐ช ๐ฆ๐๐๐๐๐จ๐๐
Please be guided by the Pre-Listing and Interview Schedule for Incoming First Year Students (Applicants) for the First Term, Academic Year 2026โ2027.
All applicants are advised to prepare the necessary documents and requirements for the pre-listing and interview process.
15/05/2026
Isang mainit na pagbati ang ipinapaabot mula sa ๐๐๐ฅ๐๐จ๐๐ฃ๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐ข๐๐ ๐๐ช๐ง๐ค ๐๐ฉ ๐ข๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ฃ๐ ๐๐ช๐ง๐ค ๐จ๐ ๐๐๐ก๐๐ฅ๐๐ฃ๐ค. Ang inyong tagumpay ay patunay ng inyong walang sawang pagsusumikap, dedikasyon, at pagmamahal sa wikang Filipino.
Sa bawat aralin at pananaliksik na inyong tinahak, naipakita ninyo ang kahalagahan ng ating wika bilang sandigan ng ating kultura at pagkakakilanlan. Ang inyong pagtatapos ay hindi lamang tagumpay para sa inyong sarili, kundi isang ambag sa pagpapalakas ng Filipino sa larangan ng edukasyon.
๐
Unise T. Soriano, MAT-FIL
๐
Juliet D. Abellon, MAT-FIL
๐
Marceline Joi B. Espiritu, MAT-FIL
13/05/2026
๐ฃ๐๐๐๐๐ง๐ ๐๐ฆ๐๐ ๐๐๐๐๐ฃ๐๐ก๐ข ๐ฐ!
Bukas, Mayo 14, 2026 ay isang makasaysayang araw para sa inyo ang araw ng inyong pagtatapos. Sa loob ng apat na taon, pinanday ninyo ang inyong sarili sa mga hamon ng akademya, at ngayon ay narito kayo, handang humakbang tungo sa mas mataas na yugto ng inyong buhay.
Kami, ang ๐๐ฎ๐ฝ๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐๐๐ฟ๐ผ ๐ฎ๐ ๐บ๐ด๐ฎ ๐ ๐ฎ๐ด๐ถ๐ด๐ถ๐ป๐ด ๐๐๐ฟ๐ผ ๐๐ฎ ๐๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ผ (๐๐ฎ๐๐๐ ๐ฎ๐๐๐๐ถ๐น), ay buong puso ninyong kaagapay sa pagdiriwang na ito. Nawaโy magsilbing gabay ang inyong mga karanasan, alaala, at aral mula sa kolehiyo sa pagtahak ninyo sa landas ng pagiging mga Lisensyadong Propesyonal na G**o.
Huwag ninyong kalimutan na ang bawat hirap, puyat, at pagsubok ay naging hakbang upang marating ninyo ang tagumpay na ito.
Sa inyong paglalakbay bilang mga g**o, dalhin ninyo ang diwa ng pagtuturo ang pagbibigay ng kaalaman, paghubog ng karakter, at pag-aalay ng malasakit sa kabataan.
Muli, pagbati sa inyong lahat, mga Hinaharap na G**O ng ating Bayan!
25/04/2026
๐๐๐๐๐๐๐! ๐๐๐๐ ๐๐๐๐-๐๐๐๐ ๐๐ซ๐๐๐ฎ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐๐ฒ
Opisyal nang nagtapos ang mga mag-aaral ng National Service Training Program (NSTP) nitong Sabado, ika-25 ng Abril, 2026, sa UNP Gymnasium.
Ang programa ay may temang: โโ๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ง๐๐๐ช๐๐ฉ๐๐จ: ๐๐ฅ๐๐ค๐ก๐๐๐ฃ๐ ๐๐๐ง๐ซ๐๐๐ ๐๐จ ๐๐ค๐ช๐ฃ๐๐๐ฉ๐๐ค๐ฃ ๐๐ค๐ง ๐๐๐๐๐๐ง๐จ๐๐๐ฅ ๐๐ฃ๐ ๐๐ง๐๐ฃ๐จ๐๐ค๐ง๐ข๐๐ฉ๐๐ซ๐ ๐พ๐๐๐ฃ๐๐.โ
Taos-pusong binabati ng kapisanan ang lahat ng mga nagsipagtapos higit lalo ang mga kasapi ng KaGuMaGuFil, BSEd Filipino 1. Kabilang sa mga nagkamit ng parangal sa BSEd Filipino 1 ay sina Chris Lawrence Castillo (Gold Medalist), Marthina Danielle Adlao (Silver Medalist), at Rommel De Jesus (Bronze Medalist).
Nagbahagi naman ng isang inspirasyonal na mensahe si G. Rhon A. Arquelada, kung saan binigyang-diin niya ang mga katagang, "๐๐ฎ๐ง๐ ๐ก๐ข๐ง๐๐ข ๐๐ค๐จ, ๐ฌ๐ข๐ง๐จ?"
Naging matagumpay ang pagtatapos na ito, bunga ng pagkakaisa, paglilingkod, at disiplina.
18/04/2026
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐-๐
๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ ๐!
Matagumpay na isinagawa ang Research Congress ng College of Teacher Education noong Abril 13, 2026 na may temang โTranscending Learning Gaps Through Preservice Teacher Researchโ sa CTE, Room 303.
Pinangunahan ng mga mag-aaral ng BSEd Filipino ang Research Congress sa BSEd Filipino 4. Ang kaganapan ay nagsilbing oportunidad upang maipakita ang kanilang dedikasyon sa larangan ng edukasyon, at nagsilbing plataporma upang itampok ang mga makabuluhang pananaliksik na naglalayong tugunan ang mga agwat sa pagkatuto at higit pang paghahanda ng mga g**o sa hinaharap.
Bilang panimula, isinagawa ang isang panalangin sa pamamagitan ng audio-visual presentation upang humiling ng gabay mula sa Diyos para sa tagumpay ng buong programa. Sinundan ito ng pagawit sa Lupang Hinirang at UNP Hymn.
Sa kanyang pambungad na mensahe, binigyang-diin ni Dr. Juvie Lynne T. Almachar na ang mga mananaliksik ay hindi lamang tagapaghatid ng kaalaman kundi mga inspirasyon na nagbibigay ng lakas sa mga tagapakinig. Ang kanyang mensahe ay nagsilbing gabay na nagbigay ng lakas at motibasyon sa bawat kalahok upang magsikap at magtagumpay sa kanilang mga pananaliksik.
Samantala, isang mahalagang pahayag mula kay Dr. Nancy T. Ubilas ang tumatak sa isipan ng mga dumalo: โ๐๐๐ฃ๐๐ ๐๐ฉ๐ค ๐ฉ๐๐๐๐จ๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐ฉ๐๐ก๐๐ฃ๐ค, ๐๐๐๐ ๐ช๐จ ๐๐ฎ ๐ฅ๐ง๐๐จ๐๐ฃ๐ฉ๐๐จ๐ฎ๐ค๐ฃ ๐ฃ๐ ๐ฉ๐๐๐ช๐ข๐ฅ๐๐ฎ.โ Ang paalala na ito ay nagbigay-diin na ang tunay na tagumpay ay hindi lamang nakabatay sa intelektwal na kakayahan, kundi sa mga sakripisyo, puyat, at luha na kaakibat ng proseso ng pananaliksik.
Ipinamalas ng mga mag-aaral ang malinaw at maayos na presentasyon ng kanilang mga pananaliksik. Ang mga tanong mula sa mga hurado na sina Gng. Cynthia V. Manligues, Gng. Crestele Mae Tolentino at Bb. Cristine Mae Quitoras, ay nagbigay ng pagkakataon upang higit pang maipaliwanag ang kanilang mga ideya at mapalawak ang kanilang pananaw.
Sa pagtatapos ng kaganapan, kinilala si Bb. Jaja Gina Fernandez bilang Outstanding Research Presenter sa kaniayang pananaliksik na โEmotion-Based Strategy: Pagpapaunlad sa Lebel ng Makrong Kasanayang Pagsasalita ng mga Mag-aaral sa Baitang 10.โ. Isang parangal na nagbigay daan sa emosyonal na sandali ng pasasalamat at kagalakan.
Nasungkit naman nina G. Reynel Bista at Bb. Princess Frando ang ikalawang gantimpala sa kanilang pag-aaral na โLiterature Circle: Isang Estratehiya sa Paglinang ng Pagbasa ng mga Mag-aaral.โ Samantalang nakamit nina G. Kurt John Paul Cariรฑo at Bb. Ashley Romarie Lactaotao ang ikatlong gantimpala sa kanilang pananaliksik na โBisa ng Estratehiyang Hop to the Top sa Pagpapaunlad sa Komprehensyon sa Pagbasa ng mga Mag-aaral.โ
Tinapos naman ni Dr. Novelyn T. Barcena ang programa sa pamamagitan ng pagbibigay ng papuri at pasasalamat sa lahat ng mananaliksik sa matagumpay na pagganap ng bawat isa. Nagtapos ang kaganapan sa isang masiglang sayawan na pinangunahan ng mga mag-aaral ng BSED-Filipino at ng kanilang mga g**o.
09/04/2026
Ngayong Abril 9, 2026, ginugunita ng sambayanang Pilipino ang ika-84 na Araw ng Kagitingan, isang mahalagang araw ng pag-alala sa kabayanihan ng mga sundalong Pilipino at Amerikano na lumaban sa Bataan noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang araw na ito ay hindi lamang isang regular na holiday kundi isang makabuluhang pagkakataon upang sariwain ang sakripisyo at tapang ng mga bayani ng ating kasaysayan.
Ang Araw ng Kagitingan ay nakaugat sa pagbagsak ng Bataan noong Abril 9, 1942, na nagbunsod sa tinaguriang Bataan Death March. Libu-libong sundalo ang naglakad nang daan-daang kilometro sa gitna ng gutom, uhaw, at pang-aabuso. Sa kabila ng matinding hirap, nanatiling buhay ang diwa ng kagitingan at pagmamahal sa bayan.
03/04/2026
๐๐ฎ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐๐ฎ๐ป| Malugod naming binabati sa kanyang kaarawan si ๐๐ฟ. ๐ ๐ฎ ๐ง๐ฒ๐ฟ๐ฒ๐๐ฎ ๐ฆ๐๐๐ฎ๐ป ๐. ๐ ๐ฎ๐ป๐๐ฎ๐ป๐ผ, ๐ฟ๐๐ ๐๐ฃ๐ ๐ฃ๐ ๐พ๐ค๐ก๐ก๐๐๐ ๐ค๐ ๐๐๐๐๐๐๐ง ๐๐๐ช๐๐๐ฉ๐๐ค๐ฃ. Nawaโy patuloy kayong pagpalain ng lakas, karunungan, at inspirasyon upang higit pang magabayan ang mga g**o, mag-aaral at ang susunod na henerasyon.
Sa kabila ng taimtim na paggunita ngayong Biyernes Santo, nawaโy maramdaman ninyo ang biyaya ng buhay at ang aming pasasalamat.
Muli, mula sa ๐๐ฎ๐ฝ๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐๐๐ฟ๐ผ ๐ฎ๐ ๐บ๐ด๐ฎ ๐ ๐ฎ๐ด๐ถ๐ด๐ถ๐ป๐ด ๐๐๐ฟ๐ผ ๐๐ฎ ๐๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ผ, malugod ka naming binabati sa iyong kaarawan, Maโam Susan!โจ๐๐ค
03/04/2026
๐ฒ๐๐๐๐๐๐๐| Maligayang pagbati sa iyong kaarawan, Bb. LESLIE ANN PALECPEC , ang LUPON NG INSTRUKSIYON ng Kapisanan! Nawa'y mapuno ng saya, pagmamahal, at aral ang bagong yugto ng iyong buhay. Patuloy ka sanang pagpalain at bigyan ng lakas sa bawat hamon na iyong kakaharapin.
Ang Kapisanan ng mga G**o at mga Magiging G**o sa Filipino (KaGuMaGuFil) ay buong pusong bumabati sa iyong kaarawan! ๐ค๐ค
29/03/2026
๐ฃ๐๐๐๐จ๐ก๐๐ง๐| โ๐๐๐ฅ๐๐๐ ๐โ๐ฉ ๐๐๐ฎ๐ค๐ฃ ๐ฃ๐ ๐ก๐๐ข๐๐ฃ๐ ๐๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐๐จ๐๐ฃ๐ฉ๐ ๐ฃ๐ ๐ฟ๐๐ค๐จ ๐จ๐ ๐จ๐๐ฃ๐๐ก๐๐๐ช๐ฉ๐๐ฃ, ๐ฃ๐ ๐๐๐๐ฃ๐๐๐๐ฎ ๐ฃ๐๐ฎ๐ ๐๐ฃ๐ ๐ ๐๐ฃ๐๐ฎ๐๐ฃ๐ ๐๐ช๐๐ฉ๐ค๐ฃ๐ ๐ฃ๐ ๐ผ๐ฃ๐๐ , ๐ช๐ฅ๐๐ฃ๐ ๐๐ฃ๐ ๐จ๐๐ฃ๐ค๐ข๐๐ฃ๐ ๐จ๐ ๐ ๐๐ฃ๐๐ฎ๐โ๐ฎ ๐จ๐ช๐ข๐๐ข๐ฅ๐๐ก๐๐ฉ๐๐ฎ๐ ๐๐ฎ ๐๐ช๐ฌ๐๐ ๐ข๐๐ฅ๐๐๐๐ข๐๐ , ๐ ๐ช๐ฃ๐๐ ๐ข๐๐๐ ๐๐ง๐ค๐ค๐ฃ ๐ฃ๐ ๐๐ช๐๐๐ฎ ๐ฃ๐ ๐ฌ๐๐ก๐๐ฃ๐ ๐๐๐ฃ๐๐๐๐ฃ.โ- ๐
๐ช๐๐ฃ 3:16
Ngayong Linggo ng Palaspas, ating ginugunita ang matagumpay na pagpasok ni Hesus sa Jerusalem. Ang mga tao ay nagwagayway ng palaspas bilang tanda ng kanilang pananampalataya at pagbati sa Kanyang pagdating. Ngunit higit pa sa seremonya, ito ay paalala ng tunay na kahulugan ng pagsunod kay Kristo ang pagtanggap sa kanya hindi lamang bilang Hari, kundi bilang Tagapagligtas na handang mag-alay ng buhay para sa atin.
Sa bawat palaspas na ating tangan, nawaโy makita natin ang paanyaya ng Diyos na maging tapat sa ating pananampalataya, magpakumbaba, at maglingkod nang may pagmamahal. Ang Linggo ng Palaspas ay simula ng Mahal na Araw, kayaโt ito rin ay paanyaya na samahan si Hesus sa Kanyang paglalakbay patungo sa Krus at sa Kanyang muling pagkabuhay.
Nawaโy maging gabay ang araw na ito upang mas lalo nating maunawaan ang sakripisyo ni Kristo at ang walang hanggang pag-ibig ng Diyos para sa atin.
29/03/2026
๐ฃ๐๐๐๐๐ง๐ Mula sa ๐๐๐ฅ๐๐จ๐๐ฃ๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐ข๐๐ ๐๐ช๐ง๐ค ๐๐ฉ ๐ข๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ฃ๐ ๐๐ช๐ง๐ค ๐จ๐ ๐๐๐ก๐๐ฅ๐๐ฃ๐ค, taus-pusong pagbati sa lahat ng First Year students na matagumpay na nakatapos sa Teaching Aptitude Test!
Mananatili ka sa CTE, dahil may TATak ang galing mo!
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Contact the school
Website
Address
University Of Northern
City Of Vigan
2700