31/08/2026
Sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika, ating tinanggap ang pag-usbong ng makabagong panahon. Ating sinasalamin ang kahalagahan ng ating pambansang wika hindi lamang bilang pagkakakilanlan kundi bilang kasangkapan sa modernong panahon. Ang temang "Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon" ay nagsisilbing patunay na ang Wikang Filipino ay buhay, aktibo, at sumasabay sa daloy ng teknolohiya.
Sa kabila ng mga negatibong pananaw tungkol sa Artipisyal na Intilihensiya, binigyang-diin ng tema na magagamit pa rin natin ito kasabay ng ating pambansang wika, bilang kasangkapan. Nagsisilbi itong tulay upang mas maunawaan ang mga komplikadong Impormasyon tungkol sa wikang Filipino. Ito ay nag-uugnay sa wika, makabagong pamamaraan, at teknolohiya. Hindi lamang ito nagpaalala sa mga tao sa kahalagahan ng wikang Filipino, kundi upang talakayin din ang mga usapin tungkol sa responsableng paggamit ng Artipisyal na Intilihensiya.
Akda ni: Yheshane Grace Ichon (Editorial Club)
Sining ni: Gael Mandawe (Editorial Club)