Filipino Carolino

Filipino Carolino

Share

Ito ang Filipino Carolino, ang inyong kabalikat at kaagapay sa pagtataguyod ng wika, panitikan at ku

31/07/2025

Makiisa at makibahagi sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa ngayong Agosto!

01/08/2024

Ipagdiwang ang Wika at Kultura ngayong Agosto!

05/05/2024

PASUNDAYAG SA SC 2024
"Isang Pagtatanghal sa Hiyas ng Lahing Pilipino"

Isinagawa noong Mayo 2, 2024 ang Panapos na Palatuntunan bilang pakikiisa ng University of San Carlos Basic Education Department sa pagdiriwang ng Pambansang Buwan ng Panitikan.

DISCLAIMER:
I do not own the rights to this music. All rights belong to the owner. No Copyright Infringement intended.

02/04/2024

đź”° Nakikiisa ang USC Basic Education Department sa pagdiriwanng ng PAMBANSANG BUWAN NG PANITIKAN (National Literature Month) ngayong Abril.

Sa pangunguna ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA), Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), at National Book Development Board – Philippines (NBDB), isinasagawa tuwing buwan ng Abril ang Buwan ng Panitikan alinsunod sa Proklamasyon Bilang 968, s. 2015.

Maligayang Buwan ng Panitikan! 📚🖋📖

02/04/2024

Maligayang Buwan ng Panitikan 2024.

Sa pangunguna ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining (NCCA), Komisyon sa Wikang Filipino (KWF); at Pambansang Lupon para sa Pagpapaunlad ng Aklat (National Book Development Board – Philippines), isinasagawa tuwing buwan ng Abril ang Buwan ng Panitikan alinsunod sa Proklamasyon Bilang 968 na nilagdaan noong 2015.

Ngayong taon, ipinagdiriwang ang Buwan ng Panitikan 2024 na may temang “Ang Panitikan at Kapayapaan” na may layuning magbigay daan sa malayang pagtalakay kung ano ang mga kahalagahan at kontribusyon ng panitikan sa pagpapanatili at pagpapalaganap ng kapayapaan sa bansa at sa mga komunidad. Sa pamamagitan nito, lalong mapagyayaman ang diskurso sa konsepto ng kapayapaan at maipararating sa mamamayang Pilipino ang papel ng panitikan sa lipunan.

Sa mga nakalipas na taon, ang Buwan ng Panitikan ay ipinagdiriwang na sa iba’t ibang rehiyon ng bansa, at lalong pinalawak pa sa pamamagitan ng mga opisyal na online platforms. Bunsod ng mabisang pakikipagugnayan sa iba’t ibang institusyong pansining at pangakademiko, gayun din ang iba pang organisasyong nagtataguyod ng panitikan, patuloy na dumarami pa ang bilang ng mga grupo na nakikiisa sa nasabing pambansang selebrasyon.

Kaya samahan kaming muli sa isang makabuluhang pagtuklas sa mundo ng panitikan para sa kapayapaan, at kapayapaan mula sa panitikan

31/12/2023

Isang masagana, matiwasay, at mapagpalang Bagong Taon, mga Kawika! 🎉🇸🇽

31/12/2023

Salamat, 2023, sa lahat ng pagkakataon, pagbabago, at mga alaala. Haharapin natin ang bagong taon na puno ng determinasyon at pag-asa, dahil sa bawat taon ay may bituin ng pag-asa na naghihintay sa atin.

21/05/2023

VIDEO HIGHLIGHTS | PASUNDAYAG SA NC
"Isang Pagtatanghal sa Pamana ng Lahing Pilipino"

Isinagawa noong ABRIL 28, 2023 ang Panapos na Palatuntunan bilang pakikiisa ng University of San Carlos Basic Education Department - North Campus sa pagdiriwang ng "Pambansang Buwan ng Panitikan".

DISCLAIMER:
I do not own the rights to this music. All rights belong to the owner. No Copyright Infringement intended.

29/04/2023

VIDEO HIGHLIGHTS | Panapos na Gawain sa Buwan ng Panitikan 2023
*Larong Pinoy
*Sakay sa Kalesa
*Pasundayag sa NC (Opening Number)

DISCLAIMER:
I do not own the rights to this music. All rights belong to the owner. No Copyright Infringement Intended.

Photos from Filipino Carolino's post 02/04/2023

Ang ABRIL ay pagdiriwang ng PAMBANSANG BUWAN NG PANITIKAN (National Literature Month) alinsunod sa Proklamasyon Blg. 968 na nilagdaan noong 2015.

Nakikiisa ang USC BED North Campus sa pagdiriwang na ito sa pangangasiwa ng Filipino at MTB Area.

Halina't bigyang-halaga ang kultura ng pagkakaisa sa pamamagitan ng panitikan at tunghayan ang tampok na mga gawain ngayong Abril.


Photos from Filipino Carolino's post 28/04/2022

BUWAN NG PANITIKAN 2022
TEMA: "Muling Pagtuklas sa Karunungang-Bayan"

PAGBATI SA MGA NAGWAGI!👏🎉

đź”°BAITANG 7-10
FILIPINO 7: Tagisan ng Talino
FILIPINO 8: e-Poster
FILIPINO 9: e-Kuwento Mo!
FILIPINO 10: Litra-Salita

University of San Carlos
Basic Education Department - North Campus
Cebu City

Photos from Filipino Carolino's post 28/04/2022

BUWAN NG PANITIKAN 2022
TEMA: "Muling Pagtuklas sa Karunungang-Bayan"

PAGBATI SA MGA NAGWAGI!👏🎉

đź”°BAITANG 1-6
MTB 1: e-Balak
MTB 2: e-Tigmo
MTB 3: e-Pagsugilon

FILIPINO 4: e-Komersyal
FILIPINO 5: e-Balita
FILIPINO 6: Inpograpiko

University of San Carlos
Basic Education Department - North Campus
Cebu City

Want your school to be the top-listed School/college in Cebu City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address


Cebu City