09/04/2025
Kaisa ng sambayanan ang Kagawaran ng Edukasyon sa paggunita ng ika-83 Araw ng Kagitingan ngayong Abril 9. šµš
Kasabay nito, ipagdiriwang din ng bansa ang Philippine Veterans Week 2025. Hangad natin na magsilbing inspirasyon sa bawat isa ang kagitingan at kabayanihan ng ating mga Pilipinong beterano na nagbahagi ng kanilang serbisyo para sa kasarinlan ng ating bansa.
11/11/2024
Our participation in this year's Parol-Making Competition; Isang Bituin Isang Mithiināļøš! The parol, a beautiful star-shaped lantern, symbolizes hope and the spirit of Christmas in Filipino culture. This competition not only showcases artistic talent but also fosters community spirit and cultural appreciation. Show your support by reacting & sharing the original post. š
04/05/2024
Meet the decisive ELAD party list representatives
03/05/2024
Meet the passionate faces of our MLBB party.
30/12/2023
Pagpupugay kay Dr. Jose Rizal!
Ang Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining ay nakikiisa sa pag-alala sa ika-127 taong kamatayan at kabayanihan ni G*t Jose Rizal na ininaraos ngayong taon sa temang "Rizal: Pundasyon ng Kahapon, Isinasabuhay Ngayon" (Rizal: Rizal: Foundation of the Past, Living Today) sa pangunguna ng National Historical Commission of the Philippines.
-----
Bayani at itinuturing na pinakadakilang Filipino si Jose Rizal (Ho·se Ri·zÔl).
Isinilang si Jose Rizal noong 19 Hunyo 1861 sa Calamba, Laguna, pampito sa 11 anak nina Francisco Mercado at Teodora Alonso. BatĆ paāy kinakitahan na siyĆ” ng katalinuhan. Sa Ateneo Municipal sa Maynila, tumanggap siyĆ” ng mga medalya ng karangalan sa pag-aaral at pagsusulat at ng pinakamataas na marka nang magtapos noong 1876 ng batsilyer sa sining. Kumuha siyĆ” ng medisina sa Unibersidad ng Santo Tomas hĆ”bang nag-aaral ng pagiging agrimensor sa Ateneo. Sa gulang na 21, lihim siyĆ”ng nagpunta sa Europa kung saan tinapos niyĆ” ang medisina at pilosopiya sa Universidad Central de Madrid sa Espanya.
Itinuring siyƔng gabay ng Kilusang Propaganda at aktibong nagsulat sa diyaryong La Solidaridad. Noong 1889, ipinalathala niyƔng muli nang may anotasyon sa London, England ang librong Sucesos de las Islas Filipinas ni Dr. Antonio de Morga na unang nalathala sa Mexico noong 1609. Bago iyon, nalathala na ang kaniyang nobelang Noli me tangere sa Berlin, Germany. Sinundan ito ng nobelang El filibusterismo na ipinalimbag sa Gent, Belgium. Isiniwalat ng kaniyang mga nobela ang kabulukan ng pamamahalang Espanyol sa Filipinas at ang mga kahinaan ng simbahang Katoliko hƔbang naglalatag ng mga kaisipang pampolitika ukol sa pagpapalakas ng diwang makabayan.
Pagbalik sa Filipinas noong 1892, dinakip siyÔ at ipinatapon sa Dapitan. Upang matapos ang destiyero, nagboluntaryo siyÔng maglingkod bilang manggagamot sa Cuba noong 1896, taón ng pagsiklab ng Himagsikang Filipino. Muli siyÔng dinakip sa kalagitnaan ng paglalakbay, kinasuhan ng panghihikayat ng rebelyon, at binitay noong umaga ng 30 Disyembre 1896. Ang kamatayan ni Jose Rizal ay lalong nagsilbing liwanag sa mga kababayan na ipagpatuloy ang rebolusyon tungo sa pambansang kasarinlan at pagbubuo ng nasyon.