Barangay San Juan Calamba City

Barangay San Juan Calamba City

Share

One of The Barangay in Calamba City
Nearby at The City Town Plaza, Calamba City

Photos from Barangay San Juan Calamba City's post 30/04/2026

APRIL 29,2026 ;; WEDNESDAY

Ang Sangguniang Barangay ng San Juan ay matagumpay na nakilahok at nakapanood sa isinagawang National Webinar ng DILG via Facebook Live. Nakuha natin ang mahahalagang gabay tungkol sa tamang inventory, turnover ng ari-arian, at mga pananagutan bago ang darating na halalan.


Photos from DOLE CALABARZON's post 29/04/2026
Photos from Barangay San Juan Calamba City's post 28/04/2026

APRIL 24,2026 ;; FRIDAY

🧹 KALINISAN SA BARANGAY SAN JUAN

Ang Sangguniang Barangay ng San Juan ay patuloy na nagsusulong ng malinis at ligtas na komunidad.

Naging matagumpay ang isinagawang Clean-up Drive na dinaluhan ng buong empleyado ng Barangay, opisina ng Mayor, at ng CENRO. Ipinakita natin na sa pagtutulungan, walang imposible! πŸ’ͺ

Maraming salamat sa lahat ng nagbigay ng oras at lakas para sa ating bayan. 🌱


23/04/2026

Maligayang Kaarawan po sa ating Mahal na Punong Barangay πŸŽ‚πŸŽ‚

Taos-puso po kaming bumabati ng magandang araw at masaganang buhay. Maraming salamat po sa inyong walang sawang pamumuno, malasakit, at dedikasyon sa paglilingkod sa ating bayan. Dalangin namin ang patuloy na biyaya, magandang kalusugan, at tagumpay para sa inyo at sa inyong pamilya. Mabuhay po kayo! πŸ™βœ¨

22/04/2026
Photos from Barangay San Juan Calamba City's post 22/04/2026

APRIL 22,2026 ;; WEDNESDAY

Panunumpa ng Katapatan: COFWA San Juan Chapter Officers

Ang Sangguniang Barangay ng San Juan ay buong pusong nagpupugay at sumasaludo sa mga bagong itinalagang opisyal ng COFWA (Calamba Overseas Filipino Worker Association) San Juan Chapter. Nasaksihan natin ang inyong panunumpa ng katapatan at dedikasyon na maglingkod sa ating mga kababaihan at komunidad. Handa na kayong pangunahan ang samahan tungo sa mas marami pang tagumpay at pagbabago. Mabuhay ang bagong liderato! πŸ™πŸ“œπŸ€



Photos from Barangay San Juan Calamba City's post 20/04/2026

PAALALA: NATIONAL SOCIAL PENSION VALIDATION AT PAYOUT SCHEDULE

Ang Sangguniang Barangay ng San Juan ay ipinapaalam sa publiko ang schedule ng Validation para sa National Social Pension Program ng DSWD Region.

πŸ“ VALIDATION:
πŸ“… Kailan: April 22, 2026
πŸ“ Saan: Daycare Center
πŸ‘©β€πŸ’Ό In-charge: Mam Emz

πŸ’΅ PAYOUT / RELEASE:
πŸ“… Kailan: April 23, 2026
⏰ Oras: 9:00 AM - 12:00 PM
πŸ“ Saan: Looc Barangay Hall, Covered Court

Narito ang Listahan sa baba para makita ang inyong pangalan !

"Ito ay NATIONAL SOCIAL PENSION para sa mga indigent senior citizens."

Inaasahan ang presence at kooperasyon ng lahat ng benepisyaryo.


17/04/2026

PATALASTAS:

Baka po may nakakita, nakapansin o nakadampot sa wallet ni G. Leonardo "Andeng" Elec BanadosBlack leather wallet po ito na naglalaman ng mahahalagang ID katulad ng Sss, voters, national, philhealth,
Senior ID.

Kung may makakita o makapulot ay ibigay nalamang po sa Tanggapan ng Barangay Hall. Salamat po.

Photos from Barangay San Juan Calamba City's post 16/04/2026

APRIL 16,2026 ;; THURSDAY

OPERASYON SUGPO DENGUE: MALINIS NA KAPALIGIRAN, SIGURADONG LIGTAS

Ang Sangguniang Barangay ng San Juan ay nagsagawa ng malawakang fogging at misting operations sa iba't ibang lugar dito sa ating barangay.

Layunin nito na puksain ang mga lamok na nagdadala ng Dengue at masiguro ang kalusugan at kaligtasan ng bawat pamilyang San JuaneΓ±o.

Maraming salamat sa kooperasyon ng lahat! πŸ’ͺ🦟🚫





Photos from Barangay San Juan Calamba City's post 15/04/2026

πŸ“‹ LISTAHAN NG MGA PWD CELEBRANTS PARA SA BUWAN NG MARSO

Ang Sangguniang Barangay ng San Juan ay ibinabahagi ang opisyal na listahan ng mga Persons with Disability (PWD) celebrants para sa buwan ng Marso.

Ito ay mula sa City Government of Calamba at Persons with Disability Affairs Office (PDAO).

Binabati namin kayo ng Maligayang Kaarawan! πŸŽ‚πŸŽˆ

REMINDERS:
Para po sa mga mismo pwd po ang kukuha:
πŸ“Œoriginal id at photocopy po harap at likod ng id na may 3 pirma or thumbmark po.
Para naman po sa mga guardian ang kukuha pakisure po na name po nila un nakalagay sa id as guardian at eto po dadalhin:
πŸ“Œauthorization LETTER PO
Maari nyo po makuha sa BRGY.
plus photocopy ng id po ng guardian
πŸ“Œoriginal copy ng pwd id at photocopy po harap at likod na may 3 pirma or thumbmark po
πŸ“Œ ito po ay one time pay-out lamang, kaya hinihikayat po ang lahat na makuha sa nakaschedule na oras ang inyong pabirthday.

Maraming salamat po
Mayor Roseller "Ross" H. Rizal









Photos from Barangay San Juan Calamba City's post 15/04/2026

APRIL 15,2026 ;; WEDNESDAY

Pakikiisa para sa Kalikasan

Ang Sangguniang Barangay ng San Juan ay buong pusong sumusuporta sa Citywide River Clean-Up Activity 2026 sa pakikipagtulungan ng CCHEIA at CENRO-Calamba. Layunin nating mapanatiling malinis ang ating mga daluyan ng tubig para sa isang mas ligtas at luntiang komunidad.



Photos from Barangay San Juan Calamba City's post 14/04/2026

πŸ‘ PAGPAPANGALAN SA MGA BAGONG HALAL NA OPISYAL NG LGBT SECTOR


Ang Sangguniang Barangay ng San Juan ay bukas-palad na tinatanggap at kinikilala ang mga bagong halal na Election Officers ng ating LGBTQIA+ Sector.

Kami po ay naniniwala na sa inyong pamumuno, mas mapapatatag pa natin ang ugnayan at serbisyo para sa ating komunidad.

Binabati namin kayo sa inyong panunungkulan! Mabuhay kayo! πŸ³οΈβ€πŸŒˆβœ¨




Want your school to be the top-listed School/college in Cebu City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address


Brgy. San Juan, Calamba City
Cebu City
4027