22/05/2026
“Kumuha ka na ng insurance”
- ay marami pa akong bayarin
- ay meron na ako (kahit wala pa talaga o outdated na)
- ay busy pa ako
- ay di ko pa need
ang daling tanggihan no?
lalo na kung may mali o kulang na pag-unawa tungkol dito,
ang akala ng marami ito ay..
- bayarin lang
- pang-kabaong lang
but behind this,
ito ay…
- taga-bigay ng income kapag nawala ang kumikita sa pamilya mo
- taga-sigurado na makakapag-college ang anak mo
- taga-bigay ng pera sakaling may magkasakit
- taga-ipon para sa travel, business capital, bahay, o kotse mo
- taga-tuloy ng paikot na puhunan sa negosyo
- tagabigay ng pamana
- tagapagpanatili ng good relationship sa panahong hahatiin ang mana
at marami pang iba.
Kaya bago mo tanggihan ang “kumuha ka na ng insurance”, kausapin mo muna ang TRUSTED advisor mo.
At palaging tandaan na siya ay guide mo lamang sa pagsisimula ng planong fit para sa timeline, budget, at pangangailangan mo.
Maging honest lang.
Sa huli, ikaw pa rin naman ang magti-take ng action.
Pa-insure ka na!