Samahan ng mga Mag-aaral sa Filipino

Samahan ng mga Mag-aaral sa Filipino THIS SUB-ORGANIZATION IS FROM UNIVERSITY OF CEBU MAIN CAMPUS

๐™†๐™๐™‡๐™ˆ๐™„๐™‰๐˜ผ๐™Ž๐™”๐™Š๐™‰ ๐™‰๐™‚ ๐˜ฝ๐™๐™’๐˜ผ๐™‰ ๐™‰๐™‚ ๐™’๐™„๐™†๐˜ผ 2026โœจ๐‘ป๐‘ฌ๐‘ด๐‘จ: "๐‘พ๐’Š๐’Œ๐’‚๐’๐’ˆ ๐‘ญ๐’Š๐’๐’Š๐’‘๐’Š๐’๐’ ๐’‚๐’• ๐‘จ๐’: ๐‘ฒ๐’‚๐’”๐’‚๐’๐’ˆ๐’Œ๐’‚๐’‘๐’‚๐’ ๐’”๐’‚ ๐‘ท๐’‚๐’๐’‚๐’๐’‚๐’๐’Š๐’Œ๐’”๐’Š๐’Œ ๐’‚๐’• ๐‘ป๐’–๐’๐’‚๐’š ๐’”๐’‚ ๐’€๐’‚๐’Ž๐’‚๐’ ๐’๐’ˆ ๐‘ฐ๐’Ž๐’‘๐’๐’“๐’Ž๐’‚...
18/08/2026

๐™†๐™๐™‡๐™ˆ๐™„๐™‰๐˜ผ๐™Ž๐™”๐™Š๐™‰ ๐™‰๐™‚ ๐˜ฝ๐™๐™’๐˜ผ๐™‰ ๐™‰๐™‚ ๐™’๐™„๐™†๐˜ผ 2026โœจ

๐‘ป๐‘ฌ๐‘ด๐‘จ: "๐‘พ๐’Š๐’Œ๐’‚๐’๐’ˆ ๐‘ญ๐’Š๐’๐’Š๐’‘๐’Š๐’๐’ ๐’‚๐’• ๐‘จ๐’: ๐‘ฒ๐’‚๐’”๐’‚๐’๐’ˆ๐’Œ๐’‚๐’‘๐’‚๐’ ๐’”๐’‚ ๐‘ท๐’‚๐’๐’‚๐’๐’‚๐’๐’Š๐’Œ๐’”๐’Š๐’Œ ๐’‚๐’• ๐‘ป๐’–๐’๐’‚๐’š ๐’”๐’‚ ๐’€๐’‚๐’Ž๐’‚๐’ ๐’๐’ˆ ๐‘ฐ๐’Ž๐’‘๐’๐’“๐’Ž๐’‚๐’”๐’š๐’๐’"

Handa na ba kayo? Ang Samahan ng mga Mag-aaral sa Filipino (๐‘บ๐‘จ๐‘ด๐‘จ๐‘ญ๐‘ฐ๐‘ณ) ay masayang inaanyayahan ang lahat sa Kulminasyon ng Buwan ng Wika 2026!

Isang makabuluhang araw na puno ng sining, talino, at pagmamahal sa sariling wika ang naghihintay sa inyo. Mula sa masiglang parada, mga pahayag ng ating mga pinuno at panauhin, hanggang sa mga patimpalak - Pag-awit, Tula, at iba pang paligsahan - at ang pinakahihintay na Pagkilala sa mga Nagwagi. Lahat ng ito ay alay natin upang ipakita na ang Wikang Filipino ay nananatiling buhay, mahalaga, at patuloy na umaangkop sa makabagong panahon.

๐™‹๐™š๐™ฉ๐™จ๐™–: Agosto 20, 2026
๐™Š๐™ง๐™–๐™จ: 8:00 - 5:00 ng Hapon
๐™‡๐™ช๐™œ๐™–๐™ง: UC Main - Jones Building Ground Floor

Sa pagtataguyod ng ating wika kasabay ng pag-unlad ng teknolohiya, pinatutunayan natin na ang ating pagkakakilanlan ay hindi nawawala, kundi lalo pang napapatibay. Halina't magsama-sama at ipagmalaki ang ating yaman - ang Wikang Filipino!




๐™ˆ๐˜ผ๐™๐˜ผ๐™‚๐™๐™ˆ๐™‹๐˜ผ๐™” ๐™‰๐˜ผ ๐™‹๐˜ผ๐™‚๐™Ž๐™„๐™Ž๐™„๐™ˆ๐™๐™‡๐˜ผ ๐™‰๐™‚ ๐™ˆ๐™‚๐˜ผ ๐™‚๐˜ผ๐™’๐˜ผ๐™„๐™‰ ๐™‹๐˜ผ๐™๐˜ผ ๐™Ž๐˜ผ ๐˜ฝ๐™๐™’๐˜ผ๐™‰ ๐™‰๐™‚ ๐™’๐™„๐™†๐˜ผโœจNoong Agosto 15, 2026, matagumpay na isinagawa ng Samahan ...
16/08/2026

๐™ˆ๐˜ผ๐™๐˜ผ๐™‚๐™๐™ˆ๐™‹๐˜ผ๐™” ๐™‰๐˜ผ ๐™‹๐˜ผ๐™‚๐™Ž๐™„๐™Ž๐™„๐™ˆ๐™๐™‡๐˜ผ ๐™‰๐™‚ ๐™ˆ๐™‚๐˜ผ ๐™‚๐˜ผ๐™’๐˜ผ๐™„๐™‰ ๐™‹๐˜ผ๐™๐˜ผ ๐™Ž๐˜ผ ๐˜ฝ๐™๐™’๐˜ผ๐™‰ ๐™‰๐™‚ ๐™’๐™„๐™†๐˜ผโœจ

Noong Agosto 15, 2026, matagumpay na isinagawa ng Samahan ng mga Mag-aaral sa Filipino (๐‘บ๐‘จ๐‘ด๐‘จ๐‘ญ๐‘ฐ๐‘ณ) ang mga gawaing bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2026.

Nasaksihan ang husay, talino, at pagkamalikhain ng mga kalahok sa iba't ibang paligsahan:

๐Ÿ“š ๐™Œ๐™ช๐™ž๐™ฏ ๐˜ฝ๐™ค๐™ฌ๐™ก โ€“ pagpapakitang-gilas ng kaalaman

๐ŸŽจ ๐™‹๐™ค๐™จ๐™ฉ๐™š๐™ง ๐™ˆ๐™–๐™ ๐™ž๐™ฃ๐™œ โ€“ pagpapahayag ng diwa sa pamamagitan ng sining

๐Ÿ“ ๐™‡๐™š๐™จ๐™จ๐™ค๐™ฃ ๐™‹๐™ก๐™–๐™ฃ ๐™’๐™ง๐™ž๐™ฉ๐™ž๐™ฃ๐™œ โ€“ pagpapakita ng kahusayan sa pagtuturo

โœ๏ธ ๐™€๐™จ๐™จ๐™–๐™ฎ ๐™’๐™ง๐™ž๐™ฉ๐™ž๐™ฃ๐™œ โ€“ pagpapahayag ng kaisipan sa pamamagitan ng pagsulat!

Ang mga gawaing ito ay naging makabuluhang pagkakataon upang maipamalas ng mga mag-aaral ang kanilang talino, kasanayan, pagkamalikhain, at pagmamahal sa Wikang Filipino.

Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng nakilahok, at mga taong naging bahagi ng matagumpay na pagsisimula ng ating mga gawain.

๐‘ท๐‘จ๐‘ฎ๐‘ฏ๐‘จ๐‘ฏ๐‘จ๐‘ต๐‘ซ๐‘จ ๐‘ท๐‘จ๐‘น๐‘จ ๐‘บ๐‘จ ๐‘ฉ๐‘ผ๐‘พ๐‘จ๐‘ต ๐‘ต๐‘ฎ ๐‘พ๐‘ฐ๐‘ฒ๐‘จAng Samahan ng mga Mag-aaral sa Filipino (๐‘บ๐‘จ๐‘ด๐‘จ๐‘ญ๐‘ฐ๐‘ณ) ay nagsagawa ng pagpupulong kahapon, ...
13/08/2026

๐‘ท๐‘จ๐‘ฎ๐‘ฏ๐‘จ๐‘ฏ๐‘จ๐‘ต๐‘ซ๐‘จ ๐‘ท๐‘จ๐‘น๐‘จ ๐‘บ๐‘จ ๐‘ฉ๐‘ผ๐‘พ๐‘จ๐‘ต ๐‘ต๐‘ฎ ๐‘พ๐‘ฐ๐‘ฒ๐‘จ

Ang Samahan ng mga Mag-aaral sa Filipino (๐‘บ๐‘จ๐‘ด๐‘จ๐‘ญ๐‘ฐ๐‘ณ) ay nagsagawa ng pagpupulong kahapon, Agosto 12, 2026, ganap na ika-5:35 ng hapon, sa Room 401.

Ang pagtitipon ay nakatuon sa maingat na pagpaplano at paghahanda para sa darating na pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Tinalakay namin ang mga mahahalagang programa, gawain, at layunin upang matiyak ang isang matagumpay at makabuluhang pagdiriwang na magpapaigting ng pagmamahal sa ating sariling wika.

Handa na kaming ibahagi ang ganda at yaman ng wikang Filipino!




๐™ˆ๐˜ผ๐™‡๐™„๐™‚๐˜ผ๐™”๐˜ผ๐™‰๐™‚ ๐™†๐˜ผ๐˜ผ๐™๐˜ผ๐™’๐˜ผ๐™‰, ๐˜ฝ๐™—. ๐™”๐™‘๐™Š๐™‰๐™‰๐™€ ๐™‚๐™’๐™€๐™‰๐™‰ ๐™ˆ๐˜ผ๐˜ฝ๐˜ผ๐™๐™„๐˜ฟ!๐ŸŽ‰Sa ating masipag at dedikadong Consultant, taos-pusong pagbati mula sa bu...
11/08/2026

๐™ˆ๐˜ผ๐™‡๐™„๐™‚๐˜ผ๐™”๐˜ผ๐™‰๐™‚ ๐™†๐˜ผ๐˜ผ๐™๐˜ผ๐™’๐˜ผ๐™‰, ๐˜ฝ๐™—. ๐™”๐™‘๐™Š๐™‰๐™‰๐™€ ๐™‚๐™’๐™€๐™‰๐™‰ ๐™ˆ๐˜ผ๐˜ฝ๐˜ผ๐™๐™„๐˜ฟ!๐ŸŽ‰

Sa ating masipag at dedikadong Consultant, taos-pusong pagbati mula sa buong Samahan ng mga Mag-aaral sa Filipino (๐‘บ๐‘จ๐‘ด๐‘จ๐‘ญ๐‘ฐ๐‘ณ)! Salamat sa iyong suporta, gabay, at patuloy na pakikibahagi sa ating samahan.

Sa espesyal na araw na ito, hiling namin na mapuno ang iyong puso ng ligaya, pagmamahal, at masasayang alaala kasama ang mga taong mahalaga sa iyo. Patuloy mong abutin ang iyong mga pangarap at maging inspirasyon sa iba sa bawat hakbang.โœจ

๐‘ด๐’–๐’๐’Š, ๐‘ด๐’‚๐’๐’Š๐’ˆ๐’‚๐’š๐’‚๐’๐’ˆ ๐‘ฒ๐’‚๐’‚๐’“๐’‚๐’˜๐’‚๐’ ๐‘ฉ๐’ƒ. ๐’€๐’—๐’๐’๐’๐’† ๐‘ฎ๐’˜๐’†๐’๐’ ๐‘ด๐’‚๐’ƒ๐’‚๐’•๐’Š๐’…!๐Ÿ’›

๐™ˆ๐˜ผ๐™‡๐™„๐™‚๐˜ผ๐™”๐˜ผ๐™‰๐™‚ ๐™†๐˜ผ๐˜ผ๐™๐˜ผ๐™’๐˜ผ๐™‰, ๐˜ฝ๐™—. ๐™ƒ๐™–๐™ฃ๐™จ๐™š๐™ก ๐˜พ. ๐˜ฟ๐™–๐™ฎ๐™™๐™–๐™ฎSa ating masipag at tapat na Ika-apat na Taong Kinatawan, maligayang kaarawan! ...
10/08/2026

๐™ˆ๐˜ผ๐™‡๐™„๐™‚๐˜ผ๐™”๐˜ผ๐™‰๐™‚ ๐™†๐˜ผ๐˜ผ๐™๐˜ผ๐™’๐˜ผ๐™‰, ๐˜ฝ๐™—. ๐™ƒ๐™–๐™ฃ๐™จ๐™š๐™ก ๐˜พ. ๐˜ฟ๐™–๐™ฎ๐™™๐™–๐™ฎ

Sa ating masipag at tapat na Ika-apat na Taong Kinatawan, maligayang kaarawan!

Ang buong Samahan ng mga Mag-aaral sa Filipino (๐‘บ๐‘จ๐‘ด๐‘จ๐‘ญ๐‘ฐ๐‘ณ) ay bumabati sa iyo ng pinakamainit na pagbati sa iyong espesyal na araw. Ang iyong dedikasyon, masigasig na pamumuno, at serbisyong may puso ay patuloy na nagiging inspirasyon sa ating samahan.

Nawa'y pagkalooban ka ng mabuting kalusugan, walang humpay na lakas, at patuloy na tagumpay sa lahat ng iyong mga adhikain. Hiling namin na maging puno ng ligaya, pagmamahal, at magagandang alaala ang iyong araw at sa mga susunod pang taon.

๐‘ด๐’–๐’๐’Š, ๐‘ด๐’‚๐’๐’Š๐’ˆ๐’‚๐’š๐’‚๐’๐’ˆ ๐‘ฒ๐’‚๐’‚๐’“๐’‚๐’˜๐’‚๐’ ๐‘ฉ๐’ƒ. ๐‘ฏ๐’‚๐’๐’”๐’†๐’ ๐‘ช. ๐‘ซ๐’‚๐’š๐’…๐’‚๐’š

๐’๐€๐Œ๐€๐…๐ˆ๐‹ ๐†๐„๐๐„๐‘๐€๐‹ ๐€๐’๐’๐„๐Œ๐๐‹๐˜ 2026Ang Samahan ng mga Mag-aaral sa Filipino (๐‘บ๐‘จ๐‘ด๐‘จ๐‘ญ๐‘ฐ๐‘ณ) ay matagumpay na nagsagawa ng taunang Pa...
09/08/2026

๐’๐€๐Œ๐€๐…๐ˆ๐‹ ๐†๐„๐๐„๐‘๐€๐‹ ๐€๐’๐’๐„๐Œ๐๐‹๐˜ 2026

Ang Samahan ng mga Mag-aaral sa Filipino (๐‘บ๐‘จ๐‘ด๐‘จ๐‘ญ๐‘ฐ๐‘ณ) ay matagumpay na nagsagawa ng taunang Pagpupulong Pangkalahatan noong Agosto 8, Sabado, mula 1:00 hanggang 4:00 ng hapon, sa Room J402, Ika-apat na Palapag ng UC Jones Building.

Ito ay nagsilbing mahalagang pagkakataon upang pag-isahin ang mga miyembro, ipakilala ang mga opisyal, at ilahad ang mga plano, adhikain, at mga gawaing itinakda para sa Taong Panuruan 2026-2027. Naging bukas ang talakayan at napatibay ang ating layunin na itaguyod ang Wikang Filipino, pagkakaisa, at mahusay na pamamahala sa samahan.

Sa pagtatapos ng pagtitipon, mas tumibay ang ating samasamang hangarin na maglingkod at magtagumpay nang magkakasama. Salamat sa bawat isa na nakiisa at naging bahagi ng tagumpay na ito!




๐Ÿ“ข ๐™ˆ๐™–๐™๐™–๐™ก๐™–๐™œ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐˜ผ๐™ฃ๐™ช๐™ฃ๐™จ๐™ฎ๐™ค ๐™ฅ๐™–๐™ง๐™– ๐™จ๐™– ๐™ก๐™–๐™๐™–๐™ฉ ๐™ฃ๐™œ ๐™Ž๐˜ผ๐™ˆ๐˜ผ๐™๐™„๐™‡ ๐™ˆ๐™š๐™ข๐™—๐™š๐™ง๐™จ! ๐Ÿ’› Oras na upang muling magsama-sama bilang isang samahan. Inaanya...
06/08/2026

๐Ÿ“ข ๐™ˆ๐™–๐™๐™–๐™ก๐™–๐™œ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐˜ผ๐™ฃ๐™ช๐™ฃ๐™จ๐™ฎ๐™ค ๐™ฅ๐™–๐™ง๐™– ๐™จ๐™– ๐™ก๐™–๐™๐™–๐™ฉ ๐™ฃ๐™œ ๐™Ž๐˜ผ๐™ˆ๐˜ผ๐™๐™„๐™‡ ๐™ˆ๐™š๐™ข๐™—๐™š๐™ง๐™จ! ๐Ÿ’›

Oras na upang muling magsama-sama bilang isang samahan. Inaanyayahan ang lahat na dumalo sa ating ๐’๐€๐Œ๐€๐…๐ˆ๐‹ ๐†๐ž๐ง๐ž๐ซ๐š๐ฅ ๐€๐ฌ๐ฌ๐ž๐ฆ๐›๐ฅ๐ฒ, kung saan tatalakayin ang mahahalagang impormasyon, mga plano, at mga aktibidad para sa semestre.

Ang inyong presensya ay mahalaga, kaya't huwag palampasin ang pagkakataong makiisa at makilahok.

๐™’๐™ƒ๐˜ผ๐™: SAMAFIL GENERAL ASSEMBLY 2026
๐˜ฟ๐˜ผ๐™๐™€: August 8, 2026 (SATURDAY)
๐™๐™„๐™ˆ๐™€: 1:00- 4:00 PM
๐™‘๐™€๐™‰๐™๐™€: ROOM J402 (UC JONES-4th Floor)

Kita-kits, Ka-๐‘บ๐‘จ๐‘ด๐‘จ๐‘ญ๐‘ฐ๐‘ณ!โœจ

Mga Salita at Disenyo ni: Blessed Pearl Patalan | PIO 1


๐‘ท๐‘จ๐‘ฎ๐‘ท๐‘ผ๐‘ท๐‘ผ๐‘ฎ๐‘จ๐’€ ๐‘จ๐‘ป ๐‘บ๐‘ถ๐‘น๐‘ท๐‘น๐‘ฌ๐‘บ๐‘จ ๐‘ต๐‘ฎ๐‘จ๐’€๐‘ถ๐‘ต๐‘ฎ ๐‘จ๐‘น๐‘จ๐‘พ!Ngayong araw, ang buong Samahan ng mga Mag-aaral sa Filipino (๐‘บ๐‘จ๐‘ด๐‘จ๐‘ญ๐‘ฐ๐‘ณ) ay buong pagm...
05/08/2026

๐‘ท๐‘จ๐‘ฎ๐‘ท๐‘ผ๐‘ท๐‘ผ๐‘ฎ๐‘จ๐’€ ๐‘จ๐‘ป ๐‘บ๐‘ถ๐‘น๐‘ท๐‘น๐‘ฌ๐‘บ๐‘จ ๐‘ต๐‘ฎ๐‘จ๐’€๐‘ถ๐‘ต๐‘ฎ ๐‘จ๐‘น๐‘จ๐‘พ!

Ngayong araw, ang buong Samahan ng mga Mag-aaral sa Filipino (๐‘บ๐‘จ๐‘ด๐‘จ๐‘ญ๐‘ฐ๐‘ณ) ay buong pagmamahal na naghanda ng isang sorpresa at pagbati para sa aming iginagalang na g**o at tagapayo, Dr. Mirasol R. Corvera.

Isang matamis na sorpresa bilang pagpupugay sa iyong dakilang tagumpay ang pagtatapos ng antas na Doktorado. Ang iyong sipag, karunungan, at walang humpay na pagsisikap ay patunay ng iyong dedikasyon at pagmamahal sa iyong larangan. Ikaw ay tunay na nagsisilbing liwanag at inspirasyon sa aming lahat.

Lubos kaming nagagalak at ipinagmamalaki namin kayo. Maligayang pagbati at pagpupugay sa iyong tagumpay, Dr. Corvera ๐ŸŽ“



๐˜ฝ๐™๐™’๐˜ผ๐™‰ ๐™‰๐™‚ ๐™’๐™„๐™†๐˜ผ 2026"๐‘พ๐’Š๐’Œ๐’‚๐’๐’ˆ ๐‘ญ๐’Š๐’๐’Š๐’‘๐’Š๐’๐’: ๐‘พ๐’Š๐’Œ๐’‚, ๐‘ฒ๐’‚๐’‚๐’๐’‚๐’Ž๐’‚๐’, ๐’‚๐’• ๐‘ฒ๐’Š๐’๐’‚๐’ƒ๐’–๐’Œ๐’‚๐’”๐’‚๐’" Ang ating wika ay higit pa sa kasangkapan ng pakikip...
04/08/2026

๐˜ฝ๐™๐™’๐˜ผ๐™‰ ๐™‰๐™‚ ๐™’๐™„๐™†๐˜ผ 2026

"๐‘พ๐’Š๐’Œ๐’‚๐’๐’ˆ ๐‘ญ๐’Š๐’๐’Š๐’‘๐’Š๐’๐’: ๐‘พ๐’Š๐’Œ๐’‚, ๐‘ฒ๐’‚๐’‚๐’๐’‚๐’Ž๐’‚๐’, ๐’‚๐’• ๐‘ฒ๐’Š๐’๐’‚๐’ƒ๐’–๐’Œ๐’‚๐’”๐’‚๐’"

Ang ating wika ay higit pa sa kasangkapan ng pakikipagtalastasan, ito ang nagbubuklod sa ating kasaysayan, kultura, at pagkakakilanlan bilang Pilipino. Sa panahong patuloy na lumalawak ang teknolohiya, gamitin natin ito upang palawakin at patatagin ang ating Wikang Filipino, hindi upang ipalit ito.

Ang tunay na pag-unlad ay wala sa bilis ng panahon, kundi sa ating kakayahang ingatan ang sariling wika habang humaharap sa makabagong kinabukasan. Kapag pinag-isa ang kaalaman at pagmamahal sa wika, nagiging mas makabuluhan ang bawat aral at impormasyong ating natututuhan.

Isang makabuluhang pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa ating lahat!

Mga salita ni: Jasmine Judaya | PIO 2
Disenyo ni: Blessed Pearl Patalan | PIO 1




๐„๐—๐“๐‘๐€๐•๐€๐†๐€๐๐™๐€ 2026!- ๐๐€๐‘๐“ 2Ngayong araw, napuno ng saya at ligaya ang ating pagtitipon! Sa pagbagsak ng makukulay na conf...
03/08/2026

๐„๐—๐“๐‘๐€๐•๐€๐†๐€๐๐™๐€ 2026!- ๐๐€๐‘๐“ 2

Ngayong araw, napuno ng saya at ligaya ang ating pagtitipon!

Sa pagbagsak ng makukulay na confetti, nagsimula ang isang masayang karanasan kasama ang paglilibot sa pamantasan upang makilala ng mga bagong mag-aaral ang kanilang pangalawang tahanan. Higit sa lahat, nagkaroon tayo ng pagkakataong magkakilala, magpalitan ng ngiti, at maging magkakaibigan. Tunay na punong-puno ng ligaya at pag-asa ang bawat sandali!

Hangad namin na manatili sa inyong puso ang ligayang ito sa buong taon!



Address

Sanciangko Street
Cebu City
6000

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Samahan ng mga Mag-aaral sa Filipino posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The School

Send a message to Samahan ng mga Mag-aaral sa Filipino:

Shortcuts

Share

Category