31/03/2026
Sya si Job, namulat na sya sa ganitong Buhay, sabi nya 6yrs na daw syang walang tigil sa pagtitinda sa araw-araw, kahit pagkauwi galing paarala ay nakaugalian na niyang tumulong sa kanyang pamilya sa pagtitinda ng mga Gulay, inaangkat niya ito sa Palengke, kapag malakas ang benta ay may pambili sya ng Bigas nila o pambaon kinabukasan, Nakita ko sya sa isang Tindahan na Pinagmamasdan ang Bisekleta na kanyang Pangarap noong Bata pa man sya, tinawag ko sya at ininterview, dahil sa kakulangan ng Financial ng kanyang Pamilya ay hindi nya ito mabili, sobrang Napahanga ako sa Batang ito , yung kasipagan nya at dedikasyon nya sa Buhay lalo na sa kanyang Pamilya ay maituturing na inspirasyon sa lahat lalo na sa mga Kabataan, aniya ni Job kesa Maglaro ay mas gugustuhin pa niyang makatulong sa mga Magulang, si Job ay isang Masayahing Bata, laging nakangiti sa mga binebentahan nya ng Gulay, hindi mo makikitaan ng Lungkot dahil sa kanyang pagkabibo o masiglahin 😍
Inubos na po natin ang kanyang Paninda at pinamigay ito , hindi ko ipinangako sa kanya ang kanyang Pangarap na Bisekleta pero umaasa tayo na may isang Tao na tutupad nito para sa kanyang Pangarap, pero ganun pa man ay binigyan natin sya ng kaunting Cash at i17 Pro Max Tablet Regalo ng M A gadget store ( Madam Kadena), kapag napansin nyo itong Batang ito sa Pinamalayan na nagtitinda sana bilhan nyo sya kahit isang balot na gulay para makauwi ng umaga, umaabot daw siya ng alas 10 sa pagtitinda upang maipaubos lamang ito 🥹🥹
Mag-iingat ka lagi Job 🫡❤️
Malaking tulong po ang pagpuso, pagsheyr ng ating mga Post para mas marami pa tayong Matulungan at Matupad ang Pangarap ❤️🙏
31/03/2026
TikTok · krisbababy
3651 (na) like, 162 (na) komento. “Isang tanim lang, marami kang bunga!”
30/03/2026
bút dưỡng móng #shorts
Enjoy the videos and music you love, upload original content, and share it all with friends, family, and the world on YouTube.
06/12/2025
Thank you for being part of this SCHOOL TO SCHOOL ADVOCACY CAMPAIGN ON ANTI OSAEC and CSAEM LAW♥️
29/11/2025
Kumuha na ng Inyong OWWA E-Card sa Philippine Festival 2025!
TOKYO, JAPAN — Inaanyayahan ng Migrant Workers Office–OWWA Tokyo ang ating mga Ka-OWWA na kumuha ng kanilang OWWA E-Card sa darating na Philippine Festival 2025 na gaganapin sa Nobyembre 29–30, 2025 sa Yoyogi Park Events Square.
Ang OWWA E-Card ay nagsisilbing proof of membership ng Overseas Filipino Workers (OFWs) at nagbibigay ng mabilis na access sa iba’t ibang benepisyo, programa, at diskwento mula sa OWWA. Sa pamamagitan ng onsite release na ito, hindi na kinakailangang umuwi pa ng Pilipinas upang magproseso ng card.
Para sa Active OWWA Members:
Dalhin ang passport at residence card
Kung mayroon, maaaring dalhin ang resibo ng membership
Para sa Inactive Members o sa mga nais magpa-miyembro:
Dalhin ang kopya ng passport, kopya ng residence card, at kopya ng kontrata
Membership fee: JPY 3,760
Ang aktibidad na ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng OWWA at MWO Tokyo na dalhin mas accessible, mas mabilis, at mas epektibong serbisyo sa mga OFW sa Japan. Sa pangunguna ng OWWA Ambassador Ms. Pia Wurtzbach-Jauncey, layunin ng programa na hikayatin ang mga Filipino workers na maging updated at aktibong miyembro ng OWWA.
Huwag palampasin ang pagkakataong ito! Magkita-kita tayo sa Philippine Festival 2025 at samantalahin ang pagkakataong maging ganap na OWWA E-Card holder habang nasa Tokyo.
Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang aming official page o makipag-ugnayan sa Migrant Workers Office–OWWA Tokyo.
Salamat po!