17/08/2026
بِسْمِ اللهِ الرَّحْمٰنِ الرَّحِيْمِ
Alhamdulillah, by the mercy and guidance of Allah ﷻ, we were blessed once again to attend another enriching session of our Online Muhadarah Islamiyyah, with the topic:
✨️ “ISANG PAMAYANAN” ✨️ By: SHEIKH ABU AIMAN MOUSTAFA — may Allah preserve him.
Isa sa mga aral na patuloy nating dapat pagnilayan ay ang kahalagahan ng pagiging wasit o katamtaman, balanse, at makatarungan sa ating pamumuhay. Hindi palaging kailangan ang sukdulan. Sa ating pagsamba, pakikitungo, emosyon, pagmamahal, at maging sa ating pakikitungo sa mga taong hindi natin gusto, mahalaga ang timbang at katarungan.
Sinabi ni Allah ﷻ:
“At sa gayon ay ginawa Namin kayo bilang isang pamayanang makatarungan at katamtaman (ummatan wasaṭan).”— Al-Baqarah 2:143
Ang pagiging wasat ay hindi nangangahulugang maging pabaya o kulang sa kabutihan. Ito ay ang paglalagay ng bawat bagay sa tamang lugar at hindi pagpayag na ang ating emosyon ay magtulak sa atin sa sukdulan.
Kahit sa mga taong hindi natin gusto, hindi tayo pinapayagang maging mapang-api o hindi makatarungan.
Sinabi ni Allah ﷻ:
“At huwag hayaang ang galit ninyo sa isang bayan ay magtulak sa inyo upang lumihis sa katarungan. Maging makatarungan; iyon ay higit na malapit sa taqwa.”— Al-Ma'idah 5:8
Subhaanallah. Hindi natin kailangang mahalin ang lahat upang maging makatarungan sa lahat. Maaari tayong magkaroon ng hindi pagkakasundo, ngunit hindi nito dapat alisin ang ating adab, ʿadl, at pagiging makatarungan.
At sa ating mga gawaing mabuti, tandaan din natin na ang mahalaga ay hindi lamang ang dami, kundi ang pagpapatuloy.
Sinabi ng Propeta ﷺ:
“Ang pinakamamahal na mga gawa kay Allah ay yaong pinakamadalas na ginagawa, kahit ito ay kaunti.”
— Muttafaqun 'alayhi
Kaya huwag nating maliitin ang maliit ngunit tuloy-tuloy na kabutihan. Ang limang salah araw-araw, isang pahina ng Qur’an, isang simpleng dhikr, isang mabuting salita—kapag isinagawa nang may ikhlas at pagpapatuloy, maaari itong maging napakalaki sa paningin ni Allah ﷻ.
Ang Islam ay nagtuturo sa atin ng balanse: masigasig ngunit hindi mapagmalabis, mapagmahal ngunit hindi bulag, matatag ngunit hindi mapang-api, at mabuti kahit kanino—kahit hindi natin sila gusto.
Alhamdulillah! By the favor of Allah ﷻ, we continue striving to learn, practice, and embody the teachings of Islam, seeking only His pleasure and acceptance.
Ya Allah, gawin Mo kaming kabilang sa mga taong may wastong timbang sa kanilang buhay, makatarungan sa kanilang pakikitungo, mahinahon sa kanilang galit, tapat sa kanilang pagsamba, at matatag sa paggawa ng kabutihan. Huwag Mong hayaang ang aming damdamin ay maging dahilan upang kami ay lumayo sa katotohanan at katarungan. Bigyan Mo kami ng kaalaman na kapaki-pakinabang, pusong may taqwA, at mga gawaing Iyong tatanggapin. Ameen. 🤲
See you in our next Muhadarah, in shaa’ Allah. 🤍
______________________________________
Subhānallāh 🤲
Alhamdulillāh 💖
Lā ilāha illā Allāh 💫
Allāhu Akbar☝️
💫 An-Noor Guidance Centre Visayas
Serving with Light, Teaching with Sincerity ✨