24/07/2026
๐ง๐๐ฆ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ง๐ฆ | ๐ข๐๐ง๐ ๐ง๐๐๐๐ก๐ ๐๐๐ฅ๐๐ ๐ข๐ก๐ฌ ๐๐ก๐ ๐๐ข๐๐ก๐ง ๐ ๐๐๐ง๐๐ก๐
Ngayong ๐๐๐น๐๐ผ 24, 2026, matagumpay na isinagawa ng ๐ง๐ฎ๐น๐ผ๐ป ๐๐ป๐๐ฒ๐ด๐ฟ๐ฎ๐๐ฒ๐ฑ ๐ฆ๐ฐ๐ต๐ผ๐ผ๐น ang pinagsamang pagpupulong at panunumpa sa katungkulan ng mga opisyal ng ๐ฆ๐ฐ๐ต๐ผ๐ผ๐น ๐๐ผ๐๐ฒ๐ฟ๐ป๐ฐ๐ฒ ๐๐ผ๐๐ป๐ฐ๐ถ๐น (๐ฆ๐๐), ๐ฆ๐ฐ๐ต๐ผ๐ผ๐น ๐ฃ๐ฎ๐ฟ๐ฒ๐ป๐-๐ง๐ฒ๐ฎ๐ฐ๐ต๐ฒ๐ฟ ๐๐๐๐ผ๐ฐ๐ถ๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป (๐ฆ๐ฃ๐ง๐), ๐ฆ๐๐ฝ๐ฟ๐ฒ๐บ๐ฒ ๐ฆ๐ฒ๐ฐ๐ผ๐ป๐ฑ๐ฎ๐ฟ๐ ๐๐ฒ๐ฎ๐ฟ๐ป๐ฒ๐ฟ ๐๐ผ๐๐ฒ๐ฟ๐บ๐ฒ๐ป๐ (๐ฆ๐ฆ๐๐), ๐ฌ๐ผ๐๐๐ต ๐ณ๐ผ๐ฟ ๐๐ป๐๐ถ๐ฟ๐ผ๐ป๐บ๐ฒ๐ป๐ ๐ถ๐ป ๐ฆ๐๐ต๐ผ๐ผ๐น๐-๐ข๐ฟ๐ด๐ฎ๐ป๐ถ๐๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป (๐ฌ๐๐ฆ-๐ข), at ๐๐ฎ๐ฟ๐ธ๐ฎ๐ฑ๐ฎ ๐๐ผ๐ป๐๐ฟ๐ฎ ๐๐ฟ๐ผ๐ด๐ฎ (๐๐๐)
Pinangunahan ang programa nina Dr. Levi Vicedo-Alcantara, Punong-guro, at Gng. Rosalie V. Ambat, SGC Designated Co-Chairperson, kasama ang mga miyembro ng pamunuan ng paaralan. Layunin ng pagpupulong na pagtibayin ang ugnayan ng paaralan, mga magulang, at mga organisasyon ng mag-aaral sa pagsasakatuparan ng mga programa at proyektong nakatuon sa kapakanan ng mga mag-aaral at sa patuloy na pag-unlad ng paaralan.
Tinalakay sa pagpupulong ang mga mahahalagang polisiya ng DepEd at ng paaralan, kabilang ang pagpapatupad ng DepEd Order No. 006, s. 2026, mga alituntunin sa disiplina ng mag-aaral, school safety and security, at mga responsibilidad ng bawat organisasyon sa pagsuporta sa mga programang pang-edukasyon.
Inilahad din ang mga pangunahing programa at gawain ng paaralan para sa Taong Panuruan 2026โ2027 sa pangunguna ng School Governance Council (SGC) at School Parent-Teacher Association (SPTA) tulad ng clean-up drive, learner discipline initiatives, school safety programs, extracurricular activities, at iba pang mga gawaing magpapalakas sa pakikilahok ng mga magulang at mag-aaral.
Bilang bahagi ng programa, isinagawa ang panunumpa sa katungkulan ng mga bagong halal na opisyal ng SGC, SPTA, SSLG, YES-O, at BKD bilang simbolo ng kanilang pagtanggap sa tungkulin at pangakong maglilingkod nang may integridad, pananagutan, at malasakit sa kapakanan ng buong komunidad ng Talon Integrated School.
Nagtapos ang pagpupulong sa panawagan ng Punong-guro na patuloy na magkaisa ang lahat ng mga stakeholder sa pagtataguyod ng isang ligtas, disiplinado, inklusibo, at dekalidad na paaralan para sa bawat mag-aaral.
DepEd R-4A Calabarzon