New Muslim Academy - Philippines
Kami ang kasama MO sa “Araw-Matapos-ang-Shahadah” na umaalalay sa Edukasyon ng Bagong Muslim
Ang mga aralin ng NMA ay makakamtang lahat online – walang takdang oras ni lugar para sa mga aralin ng NMA. Magsisimula ang mga klase kapag handa ka na, binabagayan nila ang sarili mong schedule, at ikaw ang magpapasya kung kailan lalabas ang klase. Dahil ang lahat ng klase ay ibinibigay online, maaari kang mag-enroll saan man sa mundo.
24/05/2026
𝐏𝐀𝐆𝐁𝐀𝐓𝐈 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐇𝐮𝐣𝐣𝐚𝐣
Sa kabila ng napakaraming Muslim sa Mundo...
Sa dinami-rami ng mga Pilipinong Muslim...
Kayo ang pinili ngayong taong ito upang makapagsagawa ng Hajj at makadalaw sa Tahanan ni Allah.
Tungkulin ng bawat Muslim na maglakbay sa Hajj minsan sa kanyang tanang Buhay.
Kaya't kung nabiyayaaan ka ng Dakilang Pagkakataong ito - isagawa mo ito sa pinakamahusay na paraan, pinakamalinis na layunin, at pinakamalapit sa paraan ng Propeta - sallallahu alayhi wa sallam.
Sa mga darating na Araw ay sisimulan na ninyo ang mga gawain ng Hajj.
Manalangin kay Allah na dalisayin ang inyong mga layunin at bigyan kayo ng katatagan, kalusugan, at pagtitiis sa pgasasagawa nito.
𝘒𝘢𝘺𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘪𝘯𝘢𝘭𝘢𝘥. 𝘒𝘢𝘺𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘪𝘯𝘪𝘭𝘪. 𝘈𝘵 𝘪𝘯𝘴𝘩𝘢𝘭𝘭𝘢𝘩 𝘬𝘢𝘺𝘰 𝘢𝘺 𝘱𝘢𝘨𝘱𝘢𝘭𝘢𝘪𝘯 𝘢𝘵 𝘵𝘢𝘯𝘨𝘨𝘢𝘱𝘪𝘯 𝘮𝘶𝘭𝘢 𝘴𝘢 𝘪𝘯𝘺𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘏𝘢𝘫𝘫 𝘔𝘢𝘣𝘳𝘰𝘰𝘳.
Ameen
#🅷AJJ2026
www.NewMuslimAcademy.ph
23/05/2026
𝐀𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠𝐥𝐚𝐥𝐚𝐤𝐛𝐚𝐲 𝐬𝐚 𝐁𝐚𝐧𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐋𝐮𝐠𝐚𝐫 (𝐇𝐚𝐣𝐣)
Ang paglalakbay ay magsisimula sa ika-8 hanggang sa ika-13 ng buwan ng Dhul Hijjah (ika-12 buwan ng Islamikong Kalendaryo).
Araw ng Tarwiyah (Ika-8 ng Dhul Hijjah)
1) 𝘈𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘯𝘢𝘨𝘩𝘢-𝘏𝘢𝘫𝘫 𝘢𝘺 𝘮𝘢𝘨𝘵𝘶𝘵𝘶𝘯𝘨𝘰 𝘴𝘢 𝘔𝘪𝘯𝘢 - 𝘪𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘶𝘨𝘢𝘳 𝘴𝘢 𝘔𝘢𝘬𝘬𝘢𝘩.
2) 𝘎𝘶𝘨𝘶𝘨𝘶𝘭𝘪𝘯 𝘯𝘪𝘭𝘢 𝘳𝘪𝘵𝘰 𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘶𝘰𝘯𝘨 𝘢𝘳𝘢𝘸 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘯𝘨𝘬𝘢𝘭𝘢𝘩𝘢𝘵𝘢𝘯𝘨 𝘨𝘢𝘸𝘢𝘪𝘯 𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘴𝘢𝘮𝘣𝘢.
𝐀𝐫𝐚𝐰 𝐧𝐠 '𝐀𝐫𝐚𝐟𝐚𝐡 (𝐈𝐤𝐚-𝟗 𝐧𝐠 𝐃𝐡𝐮𝐥 𝐇𝐢𝐣𝐣𝐚𝐡)
1) Sa umaga ng Araw na ito, magtutungo ang mga nagha-Hajj sa Arafah - isang lugar sa labas ng Makkah.
2) Mananatili sila rito mula umaga hanggang sa paglubog ng araw habang nakatalaga ang mga sarili sa Panalangin at Pag-alala kay Allah.
3) Paglubog ng araw, maglalakbay sila tungo sa Muzdalifah.
4) Dito na sila magpapalipas ng gabi.
𝐀𝐫𝐚𝐰 𝐧𝐠 𝐍𝐚𝐡𝐫/ 𝐄𝐢𝐝 (𝐈𝐤𝐚-𝟏𝟎 𝐃𝐡𝐮𝐥 𝐇𝐢𝐣𝐣𝐚𝐡)
1) Ang mga nagha-Hajj ay babalik muli sa Mina.
2) Babatuhin nila ng pitong maliit na bato ang Ikatlong Haligi lamang (Jamratul 'Aqabah).
3) Mag-aalay sila ng sakripisyo (Hadiy - ayon sa uri ng Nusuk na kanilang isinasagawa).
4) Aahitin o gugupitin nila ang kanilang mga buhok.
5) Magtutungo sila sa Makkah para sa Tawaaful Ifaadah (pag--ikot sa Ka'bah ng pitong ulit) at Sa'iy (pagbabalik-balik) sa pagitan ng mga Burol ng Safaa at Marwah.
6) Babalik muli ang mga nagha-Hajj sa Mina.
𝐌𝐠𝐚 𝐀𝐫𝐚𝐰 𝐧𝐠 𝐓𝐚𝐬𝐡𝐫𝐞𝐞𝐪 (𝐈𝐤𝐚-𝟏𝟏 𝐡𝐚𝐧𝐠𝐠𝐚𝐧𝐠 𝟏𝟑 𝐧𝐠 𝐃𝐡𝐮𝐥 𝐇𝐢𝐣𝐣𝐚𝐡)
1) Babatuhin ng mga nagha-Hajj ng pitong maliliit na bato ang lahat ng Tatlong Haligi (Sughraa, Wustaa, at 'Aqabah) pagkatapos ng Salaatud Dhuhr.
2) Sa ika- 12 o 13 ng Dhul Hijjah, lilisanin na ng mga nagha-Hajj ang Mina patungo sa Makkah.
3) Bago umalis mula sa Makkah, ang mga nagha-Hajj ay magsasagawa ng Huling Tawaf sa Ka'bah (Tawaaful Wadaa').
NNew Muslim Academy - Philippines
23/05/2026
ANG PAGBABALIK-LOOB
Isa sa pinakalantay na katotohanan sa buhay na ito ay ang ‘walang sinumang tao ang hindi nagkakamali, na walang sinumang tao ang hindi nagkukulang sa tungkulin o lumalabis sa karapatan.’ Ito ay natural na kalagayan ng tao.
Sa isang winika ng Sugo ni Allah ﷺ: “Lahat ng anak ni Adan ay nagkakasala, at ang pinakamainam sa mga nagkakasala ay yaong mga nagbabalik-loob.” Kung hindi tayo magkakamali at magkakasala, papalitan tayo ni Allah ng mga taong magkakamali at hihingi ng Tawad sa Kanya.
Kaya naman, nararapat sa mga tao na magbalik-loob sa Kanyang Tagapaglikha. Magsisi at humingi ng Kapatawaran sa pagsuway at kasalanan. Ngunit paano ito gawin?
Ayon sa ibang paniniwala, dahil ang katawan at puso ng tao ang dahilan at gumawa ng kasalanan, nararapat lamang na ito ang magbata ng hirap at pasakit katumbas o higit pa sa kanyang ginawang kasalanan. Ang kanyang katawang-lupa ang tatanggap ng parusa. Kaya’t kanyang hinahampas, hinahagupit, ginugutom, tinutusok, at iba-iba pang paraan ng pagpapakasakit. Matapos na madanas ang sakit at hirap, sa kanyang sarili siya ay pinatawad na!
Sa iba namang paniniwala, tanggapin mo lamang na may ‘tagapagligtas’ na siyang tutubos ng kasalanan ng Sanlibutan, ikaw ay mapapatawad na sa iyong mga kasalanan at pagsuway. Ang tao – sa kanilang paniniwala – ay lubos na makasalanan at bawat kasalanan ay nangangailangan ng ‘kamatayan’ dahil ito ay gawaing laban sa Diyos! Dahil walang sinuman sa mga tao ang kayang bayaran ang kanyang kasalanan liban sa pamamagitan ng kanyang buhay – ‘ang tagapagligtas’ na lamang ang magbabayad nito sa pamamagitan ng ‘dakilang pag-aalay’ ng kanyang buhay para sa kasalanan ng lahat! Kapag ang konseptong ito ay tinanggap, tiyak na siya ay magkakaroon ng kapatawaran at ganap na pagbabalik-loob sa Diyos.
Sa kanilang pananampalataya, ‘minamahal ng Diyos ang mga makasalanan.’
Sa Islamikong Pananaw, bagamat ang tao ay nagkakasala at nagkakamali – bukas naman para sa kanya ang Pintuan ng Tawbah. Bukas ito para sa kanya hanggat hindi sumasapit sa kanya ang kanyang kamatayan. Bukas para sa kanya na magbalik-loob hanggat hindi pa sumisikat ang Araw sa Kanluran.
Sa Islam, ang isang taong nagkasala at napagtanto sa kanyang sarili na siya ay nagkamali – nararapat niyang itigil kaagad ang kasalanang ito. Dapat niyang maramdamn ang pagsisisi sa nagawang pagsuway at makaramdam sa kanyang puso ng kalungkutan at kahinaan. Dapat rin niyang himukin ang sarili na huwag na muling bumalik sa kasalanang nagawa. Kung ang kanyang kasalanan ay hinggil sa karapatan ng ibang tao, nararapat niyang ibalik ang karapatang ito sa taong nagmamay-ari I kanyang naapi. Ito ang mga paraan at kondisyon ng Tawbah sa Islam.
Sa Islamikong Paniniwala, kailanman ay hindi minamahal ni Allah ang mga makasalanan. Hindi sila kinalulugdan kung sila ay patuloy sa pagsuway at paglabag. Kung ang tao nga ay hindi kailanman malulugod sa kanyang kapwa na gumagawa ng kasalanan laban sa kanya – papaano pa kaya si Allah na Puspos ng Katarungan at Tigib ng Katatagan! Hindi mangyayari na mamamahalin Niya ang mga sumusuway sa Kanya! Hindi mangyayari na Kanyang kalulugdan ang mga sumasamba sa iba liban sa Kanya!
Hindi minamahal ni Allah ang mga ‘makasalanan’ subalit Kanyang minamahal ang mga taong nagbabalik-loob sa Kanya matapos makagawa ng kasalanan. Ibig sabihin, kung hindi magbabalik-loob at magsisisi, hindi siya mamahalin at kalulugdan ni Allah.
Kaya’t napakahalaga ng pagbabalik-loob. Sinabi ni Allah:
﴿ وَتُوبُوا إِلَى اللَّهِ جَمِيعًا أَيُّهَ الْمُؤْمِنُونَ لَعَلَّكُمْ تُفْلِحُونَ ﴾
“At magbalik-loob tungo kay Allah – kayong lahat – mga mananampalataya – nawa kayo ay magtagumpay.” An Noor: 31
Magbalik-loob kay Allah - anumang kasalanan ang iyong nagawa at kahit gaano man ito kabigat – sapagkat ito ay Daan tungo sa Tagumpay.
23/05/2026
"Ang araw ng Arafah ay ang pinakamabuti na araw sa buong taon. Mag-ayuno, magmakaawa o magsumamo sa Allah, at hingin Ang Kanyang kapatawaran sa araw na ito."
18/05/2026
PAALALA PARA SA MGA NAGNANAIS MAGLALAKBAY NG UDHIYA (QURBAN)
Kapag pumasok na ang buwan ng Dhul Hijjah, at nagnanais kang mag alay ng Udhiya, iwasan mo ang mga sumusunod:
1️⃣ Pagputol ng mga kuko.
2️⃣ Pagputol/pag-ahit ng buhok mula sa anumang parte ng katawan.
3️⃣ Pagbawas sa anumang balat mula sa kanyang katawan.
Ang hatol na ito ay para sa mga kalalakihan at mga kababaihan.
Sinabi ng Propeta Muhammad -salallahu alayhi wa sallam-:
《إِذَا رَأَيْتُمْ هِلَالَ ذِي الْحِجَّةِ وَأَرَادَ أَحَدُكُمْ أَنْ يُضَحِّيَ، فَلْيُمْسِكْ عَنْ شَعْرِهِ وَأَظْفَارِهِ》رواه مسلم
وفي رواية :《فَلا يَمَسَّ مِنْ شَعَرِهِ وَبَشَرِهِ شَيْئًا》.
"Kapag pumasok na ang buwan ng Dhul Hijjah, at nais ng isa sa inyo nag mag-alay ng Udhiya, iwasan niyang putulan ang kanyang buhok at ng kanyang mga kuko".
Iniulat ni Muslim
At sa ibang ulat: "Iwasan ang pagputol ng kanyang buhok at (pagbawas) sa kanyang balat".
Ang pagbabawal na nabanggit ay para lamang sa mga nagnanais mag-alay ng Udhiya. Samantala, ang taong pinagkatiwalaan (wakeel) sa pagbili o pagkatay ng Udhiya at pamilya ng taong mag Udhiya ay hindi saklaw sa hatol na ito.
✍️ Sheikh Abdulkhaliq Abtahi
[email protected]
www.NewMuslimAcademy.ph
18/05/2026
🕋 Mga Opisyal na Petsa ng Hajj 1447/2026 🌍
Ipinapaabot ng New Muslim Academy - Philippines ang mahahalagang petsa para sa taunang banal na paglalakbay:
📅 1 Dhul-Hijja: Lunes, Mayo 18
🕌 Araw ng Arafah: Martes, Mayo 26
🎉 Eid’l Adha: Miyerkules , May 27
Habang tayo'y naghahanda para sa makabuluhang paglalakbay na ito, nawa’y mapuno ang ating mga puso ng taos-pusong pananalangin, debosyon, at pagkakaisa.
Nawa’y tanggapin ni ALLAh (SWT) ang pagsisikap ng lahat ng mga Hujjaj at pagpalain sila sa kanilang paglalakbay.
New Muslim Academy - Philippines
17/05/2026
Ang Pinakakatangi-tanging Sampung Araw ng Taon
Mga kapatid, papalapit na tayo sa Unang Sampung Araw ng Dhul Hijjah. Alam niyo ba na ang mga araw na ito ay itinuturing na mas dakila pa kaysa sa mga araw ng Ramadan?
Ayon sa mga Pantas, ang mga araw na ito ay mas higit pa sa Huling Sampung Araw ng Ramadan. Mismong ang Allah (SWT) ay sumumpa sa mga araw na ito sa Quran: *"(Sumpa man sa Oras ng) madaling-araw. (At Sumpa man sa) Sampung Gabi"* (Surah Al-Fajr).
Sinabi rin ng Propeta ﷺ:
"Walang mga araw na ang mabubuting gawa dito ay mas minamahal ni Allah kaysa sa mga Araw na ito (ang unang Sampung Araw ng Dhul Hijjah)."
Tinanong siya: "Kahit po ba ang Jihad para sa Landas ni Allah?"
Sumagot ang Propeta ﷺ: *"Kahit na ang Jihad para sa Landas ni Allah."
Huwag palampasin ang pagkakataong ito!
Damihan ang ating pagdarasal, pag-aayuno, kawang-gawa, at pag-alaala (Dhikr) Kay Allah.
New Muslim Academy - Philippines
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Contact the school
Telephone
Website
Address
Cavite