19/06/2025
Week 14: “Laro ng lahi”
June 7,2025
Hep hep!! Hooray!!
Nagbida ang saya at ingay ng mga bata sa laro ng lahi ngayong huling sabado, kitang kita ang ngiti sa mukha ng mga bata at ang pagiging bibo sa bawat palaro,uwi ang mga premyo na nakuha nila.
Syempre hindi mawawala ang masarap na kainan na handog ng Feeding Committee. Sa pag tatapos ng programa, ay nagkaron ng pagbibigay kilala sa mga barangay officials, sponsors at mga istudyante na nagbigay at nag pakita ng buong suporta sa bawat programa ng NSTP2 WORK IMMERSION.
We appreciate the active participation of everyone creating a positive and productive atmosphere. We are deeply grateful to all the students from BA1C and HM1E who helped make the work immersion a success. Congratulations!!
19/06/2025
Week13 :“Impact Assessment on Barangay Projects Seminar”
June 14,2025
Pak! na pak! ba ang gastusin? wag mag alala dahil swak! na swak! ang seminar na ito sa pag babahagi ng mga tips para sa dagdag kabuhayan ng ating mga kabarangay, tampok dito ang ibat ibang processed food mula sa produkto ng mga mangingisda.
Napakasaya at maraming natutunan ang mga kalahok sa seminar tungkol sa mga proyekto ng barangay noong nakaraang Sabado! Napakaganda ng naging bunga nito!
Natuto sila ng mga bagong paraan para maging mas epektibo ang mga proyekto at makatulong sa pag-unlad ng komunidad. Nakakuha rin sila ng mga bagong ideya sa negosyo na makakatulong sa barangay.
The active participation of everyone created a positive and productive atmosphere. Buong pusong kaming nagpapasalamat sa mga barangay officials at ibang residente sa Brgy 38-M Sampaguita sa pakikilahok, ganon din sa lahat ng committee na tumulong upang maging matagumapay ang seminar specially to the Livelihood at Feeding Committee.
31/05/2025
Week 11: Clean-Up Drive
May 24, 2025
Walis dito, walis doon… bunot dito, bunot doon… dilig dito, dilig doon?
'Yan ang naging takbo ng ating linggo! Kahit pawisan at pagod, sulit pa rin—dahil sa malinis at maayos na kapaligiran na ating naiwan.
Tunay nga, sa atin nagsisimula ang pagbabago. Mula sa simpleng hakbang, makakatulong na tayo sa kalikasan.
Sinabayan pa ito ng masarap na sandwich na tiyak na papatok sa panlasa—kaya panalo talaga!
Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at hindi nagdalawang-isip na tumulong.
Your presence and participation, no matter how small, created a big impact.
We acknowledge everyone who took part in this meaningful activity—your efforts brought not just cleaner surroundings, but also a stronger sense of community.
22/05/2025
Week 10: Health Program
“Be Informed, Be Involved: HIV-AIDS Awareness Seminar”
MAY 17, 2025
Curious about HIV-AIDS? Wag mag-alala, we've got you covered!
This Saturday, the city health care shared valuable information and insights about HIV-AIDS, empowering us with knowledge and promoting responsible actions. The seminar was a resounding success, fostering a deeper understanding of this critical health issue.
We deeply appreciate the assistance of Barangay Sampaguita and Sk Barangay Thirty-eight to make this seminar happen, also to Cavite City -City Health Office and Cavite City Social Hygiene Clinic and to the committees' hard work and dedication especially to health and feeding program, which were essential to the health program's success. Thank you for your commitment and efforts.
10/05/2025
Week 9: Literacy Program
“A Fusion of Fun and Science”
May 10,2025
Isang umagang may amazing pasabog experiments ang natutunan ngayong sabado!! Napuno ng saya at kaalaman ang bawat batang kalahok mula sa simpleng paggawa ng eksperimento, katulad nalamang nang volcano gamit ang baking soda at s**a. Kitang-kita ang kanilang sigla at pagkamangha habang natututo. Hindi lang sila nag-enjoy, natuto rin sila ng mga bagong konsepto sa science na tiyak na magagamit nila sa kanilang pag-aaral. Sa kabilang banda ang environmental program naman ay nagsagawa ng plant inspection para ma check ang progress ng bawat tanim. At syempre hindi mawawala ang kainan na mas nagpasigla sa mga bata!!
The dedication and tireless efforts of each committee are highly appreciated. Their contributions were instrumental to the success of literacy program for childrens, and we extend our sincerest gratitude for your commitment and hard work.
04/05/2025
Week 8: Proper Waste Segregation (Environmental)
May 3, 2025
Proper waste segregation ang naging bida ngayong Sabado!
Isang makabuluhang aktibidad na nagbigay-linaw sa kahalagahan ng tamang pagtatapon ng basura—para sa kalinisan ng kapaligiran at kinabukasan ng susunod na henerasyon.
At syempre, hindi mawawala ang masarap na kainan na talaga namang tumatak sa ating kalamnan!
We sincerely appreciate the efforts of our food committee who woke up early and prepared meals with care, and to all other committees whose unwavering support was shown not just in words, but through actions.
A special thanks to our guest speaker, Mr. Cage Filoteo, for taking the time to be part of this program and for sharing valuable insights about proper waste segregation. Your contribution is truly appreciated!
03/05/2025
Week 7: Feeding Program
April 26, 2025
Gusto mo pa ba?
Mapapatanong ka na lang talaga kapag nabitin ka—sa sarap naman kasi ng spaghetti, sino bang hindi mapapadalawa? Pero bawal, bawal talaga maging dalawa, kaya dapat marunong tayong makuntento sa isa.
Tunay nga, parang kulang ang programa kapag wala ka(pagkain)
A huge thank you to the Feeding Program Committee who gave their best effort, mula sa maagang pagising hanggang sa masarap na paghahanda ng pagkain.
We acknowledge and appreciate your dedication. Your hard work filled not just our stomachs, but also our hearts.
03/05/2025
Week 6 - Grow Your Community :Urban Gardening for a Greener Future
Tanim… tanim… tanim… bakit nga ba kailangan gawin?
Isang tanong na masayang sagutin, dahil ang pagtatanim ay hindi lang para sa atin, kundi para rin sa kapaligiran na siyang nagbibigay sa atin ng kasiyahan at kagalakan.
We acknowledge and appreciate your effort, they truly make a difference in building a greener and more sustainable community.
03/05/2025
Week 6: Literacy – Kind Hearts, Creative Hands: A Values and Manners Workshop
April 12, 2025
Tunay nga na mas gumaganda ang umaga kapag nagsisimula ito sa bagong kaalaman, at ‘yan mismo ang naibahagi natin sa mga bata noong abril 12.
Simple man ang paraan, sinamahan ito ng masayang kwentuhan, pagtuturo, at pa-snacks na siguradong kinatuwa ng mga bata. Busog na, may natutunan pa!
We acknowledge and appreciate the efforts of everyone who participated and contributed to making this program meaningful and impactful. Your support truly matters in shaping a brighter future for the youth.
03/05/2025
Week 5: Grow Your Community – Urban Gardening for a Greener Future
April 5, 2025
Another Saturday, another tanim day!
Through this activity, we’re not just planting seeds, we're also nurturing awareness, responsibility, and care for the environment.
We salute all the hardworking students na masigasig na nakibahagi at nagsumikap para maisakatuparan ang proyektong ito. Your efforts truly make a difference in building a greener and more sustainable community.
03/05/2025
Week 5: Health Awareness Program
April 5, 2025
Mahalagang alagaan natin ang ating kalusugan, kaya dapat lagi tayong well-informed, alert, at wise sa mga desisyong may kinalaman sa ating katawan at overall well-being. Be safe. Be informed. Be wise.
Maraming salamat sa lahat ng participants na naglaan ng oras para makiisa sa programang ito. Special thanks din to our guest speaker, PSSg. Mary Grace L. Teves, for sharing her valuable knowledge and insights with us.
27/04/2025
4th Activity - Livelihood & Financial Literacy Seminar
April 26, 2025