14/05/2026
TINGNAN: Sa patuloy na pagpapatibay ng mga programa para sa dekalidad na basic education, pinangunahan ni Education Secretary Sonny Angara ang ika-71 na Executive Committee (ExeCom) Meeting ngayong araw.
Kasama ang mga bisita mula sa School Meals Accelerator, World Food Programme, at Deutsche Gesellschaft für Internationale Zusammenarbeit (GIZ), tinalakay ang mga hakbang para sa pagpapaunlad ng School-Based Feeding Program sa bansa.
Natalakay rin sa pulong ang updates sa ilang programa at mga usaping may kaugnayan sa learning delivery, learner support, at iba pang hakbang para sa patuloy na pagpapahusay ng basic education.
13/05/2026
Pagpupugay sa ating 2026 Spirit of Math Awardees! ✨
Higit pa sa mga numero, ipinamalas ninyo ang tunay na galing, dedikasyon, at pagmamahal sa pagkatuto. Patuloy na magningning at maging inspirasyon sa iba! 📐🔢
2026 SPIRIT OF MATH AWARDEES🎉🎉🎉
BRONZE AWARD and HONOR ROLL
GRADE LEVEL: 5
ANCESS JERYMHIE R. ACBANGIN
COACH: Theresa Vacalares
BRONZE AWARD
GRADE LEVEL: 4
GAEL MARCUS O LIWANAG
COACH: Theresa Vacalares
BRONZE AWARD
GRADE LEVEL: 1
ZYRE JOSHUA O. PRINCIPE
COACH: Z. Mañanita
CONGRATULATIONS🎉🎉🎉
Principal: Imelda S. Bautista❤️
13/05/2026
Announcement: Qualified Grade 1 Special Science Students at Ligas I Elementary School! We are thrilled to present the results of the Qualified Grade 1 Special Science Examination conducted at Ligas I Elementary School! After weeks of diligence and hard work, we are pleased to announce the brilliant students who successfully secured a spot in our Special Science Program! Your determination, eagerness, and love of learning have truly shone through! Congratulations to all of the pupils who qualified! Let's continue to study, learn, and develop together in the fascinating field of science!
13/05/2026
"Ang mahusay na liderato ay nag-iiwan ng bakas ng inspirasyon, at ang bagong simula ay nagdadala ng panibagong pag-asa."
Isang makasaysayang araw para sa ating paaralan!
Taos-puso kaming nagpapasalamat kay Dr. Marife D. Ornopia, ang ating Outgoing Parent Supervisor, sa kanyang walang sawang paggabay at inspirasyong ibinahagi sa ating komunidad. Ang iyong dedikasyon ay mananatiling tatak sa bawat mag-aaral ng Ligas I Elementary School.
Kaisa rin kami sa masayang pagtanggap kay Dr. Michael M. Acuna bilang ating bagong Parent Supervisor. Maligayang pagdating sa ating paaralan! Inaasahan namin ang iyong panibagong gabay at liderato para sa ikabubuti ng ating mga mag-aaral.
Principal: Imelda S. Bautista❤️
07/05/2026
Tara na at makiisa sa ! 💪🏫
Inaanyayahan ang mga indibidwal, organisasyon, at partners na makibahagi sa paghahanda ng ating mga paaralan para sa pagbubukas ng School Year 2026–2027.
Alamin dito kung paano makapagbigay ng suporta para sa mas ligtas, mas maayos, at mas handang paaralan para sa ating mga mag-aaral.
Maging Brigada Partner na ngayon!
07/05/2026
Katuwang sa Karunungan: ARAL Parents Orientation Recap ✨
Ginanap kahapon ang ating orientation para sa ARAL Program, at nakatutuwa ang inyong ipinamalas na suporta! 🤝
Naniniwala kami na ang edukasyon ay hindi lamang nagtatapos sa loob ng silid-aralan. Kapag ang mga g**o at magulang ay nagtutulungan, walang limitasyon ang kayang maabot ng ating mga anak. Salamat sa inyong oras at dedikasyon na maging katuwang namin sa paghubog ng kanilang kinabukasan.
Tuloy-tuloy tayong magtulungan tayong bigyan ng kapangyarihan ang bawat batang nagnanais matuto! 📖💪
Principal: Imelda S. Bautista ❤️
07/05/2026
Growth in Progress: ARAL Program Day 1 & 2
Nagsimula na ang ating journey para sa mas maliwanag na kinabukasan. Sa nakalipas na dalawang araw, hindi lang lessons ang na-unlock natin kundi pati na rin ang potensyal ng bawat isa.
Padayon, mga mag-aaral! Excited na kami para sa mga susunod pang araw. 💪🌟
Salamat sa lahat ng mga estudyante at mentors na nakiisa. Malayo pa ang lalakbayin, pero ang ganda ng simula natin!
Principal: Imelda S. Bautista ❤️
07/05/2026
📣 Save the date, mga ka-DepEd!
Sama-sama, tulong-tulong, makiisa sa Kagawaran ng Edukasyon ngayong Hunyo 1-5, para sa 2026 Brigada Eskwela.
Tutok lang dito sa DepEd Philippines para sa mga updates kaugnay ng aktibidad.
Para sa iba pang detalye, basahin ang DepEd Memorandum No. 27, s. 2026: https://www.deped.gov.ph/.../may-5-2026-dm-027-s-2026.../
📣 Save the date, mga ka-DepEd!
Sama-sama, tulong-tulong, makiisa sa Kagawaran ng Edukasyon ngayong Hunyo 1-5, para sa 2026 Brigada Eskwela.
Tutok lang dito sa DepEd Philippines para sa mga updates kaugnay ng aktibidad.
Para sa iba pang detalye, basahin ang DepEd Memorandum No. 27, s. 2026: https://www.deped.gov.ph/2026/05/05/may-5-2026-dm-027-s-2026-2026-brigada-eskwela-implementing-guidelines/
06/05/2026
Mission accomplished! ✅ Today we successfully conducted the Qualifying Proficiency Test for the Special Science Elementary School (SSES) program. Grateful for the support of our team and the enthusiasm of the children. Another step forward for our learners! 📝💪
Principal: Imelda S. Bautista ❤️
06/05/2026
Walang batang maiiwan sa pagbasa! ❤️📖
Sa pamamagitan ng Tara, Basa!, layunin nating bigyan ng sapat na gabay at kasanayan ang mga bata upang maging bihasa sa pag-unawa at pagbabasa. Isang hakbang ito tungo sa mas maliwanag na bukas.
Sama-sama tayo, Tara, Basa!
Principal: Imelda S. Bautista❤️
05/05/2026
✨ ARAL NA NGAYONG SUMMER! ✨
Gusto mo bang maging mas mahusay sa pagbabasa at math ngayong bakasyon? 📚
Ang Paaralang Ligas I Elementary School ay narito para sa inyo!
Wala nang mas sasaya pa sa summer na puno ng kaalaman! 🌟
📍 Reading Program: Para sa Grade 1 hanggang Grade 6
📍 Numeracy Program: Para sa Incoming Grade 2 hanggang Grade 4
⏰ Oras: 8:00 AM – 10:00 AM
📅 Kailan: Magsisimula sa May 6 hanggang June 2, 2026
Huwag palampasin ang pagkakataong ito! Kita-kits sa Ligas I Elementary School! 🏫💙
Principal: Imelda S. Bautista🤗