04/09/2026
AKO’Y MABUTI, PASS TAYO SA BULLY!
Sa bawat galaw, tugtog, at ngiti, ipinapakita natin na ang kabutihan, paggalang, at malasakit sa kapwa ay higit na makapangyarihan kaysa sa anumang uri ng pang-aapi.
Nakiisa ang mga mag-aaral at g**o ng shs SHS within Sineguelasan ES-Bacoor City sa “Ako’y Mabuti, Pass Tayo sa Bully" Dance Challenge bilang pagpapakita ng suporta sa kampanya laban sa bullying at pagsusulong ng isang ligtas, masaya, at inklusibong paaralan para sa lahat.
Ang gawaing ito ay naisakatuparan sa ilalim ng pamumuno ni Mr. Richie L. Angeles, Principal II, katuwang ang ating SSLG Adviser at BKD Adviser, sina Ms. Kassandra Jobelle F. De Cardo at Mrs. Misty Ivory Giel V. Soriao, sa patuloy na pagtataguyod ng kapakanan, disiplina, at positibong pag-uugali ng mga mag-aaral.
Tandaan: Ang simpleng paggalang, pag-unawa, at kabutihan ay may malaking epekto sa buhay ng iba. Maging mabuti. Maging inspirasyon. Maging bahagi ng pagbabago. Sama-sama nating itaguyod ang isang paaralang may malasakit, paggalang, at pagkakaisa—isang komunidad na nagsasabing,“Pass Tayo sa Bully!”