11/04/2026
CALLING ALL RETURNING OFWs IN CAVITE PROVINCE!
The Department of Education CAVITE PROVINCE and the Department of Migrant Workers (DMW) invite you to the Balikbayang Manggagawa National Reintegration Network Regional Fair!
When: April 14-16, 2026 | 8:30AM - 5:00PM
Where: SDO Cavite Province Lobby, Capitol Compound, Brgy. Luciano, Trece Martires City, Cavite
We’re here to assist you in:
🔹 Career Placement
🔹 Education & Accreditation
🔹 Financial Subsidies & Aid
🔹 Scholarship & Licensure Support
Spread the word to your fellow OFWs!
Walang Maiiwan na Balikbayan!
See you there!
20/06/2021
Sa ngalan po ng Pamunuan ng ETTMNIHS TEC 2019-2021, kami po ay lubos na nagpapasalamat sa inyong pagsuporta at pakikiisa sa aming mga naging Proyekto at mga Gawain para sa mga mag-aaral at sa Kaisahan at Kasiyahan ng mga Tironians. Nawa po ay patuloy ang ating gawing pag-alalay at pakikiisa sa mga susunod na proyekto ng susunod na Pamunuan. Muli po ang aming Pasasalamat sa aming mga naging Sponsors at Kaagapay upang ang 2 taong paghawak ng tungkulin ay maging magaan. Pagpalain nawa tayo ng Poong Maykapal at ingatan sa lahat ng oras!
Sheila B. Nuñez
TEC Presisdent 2019-2021
09/09/2020
Bukas na po, Sept. 10, Thursday, ang libing ni Sir Pollie. 9:00 am po iaalis ang labi nya sa Tirona.
06/09/2020
Pagbabago po sa nauna kong post kanina. Thursday na po ang libing ni Sir Pollie. Muli po kaming nakikiusap sa mga darating na iobserve ang Health Protocol lalo na po ang Social Distancing. Maraming salamat po sa inyong pag-unawa!
05/09/2020
Mula po sa Teachers and Employees Club ng ETTMNIHS ay ipinababatid po namin sa inyong lahat na ang aming kasamahang g**o na si Sir Pollie Capili ay binawi na ng ating Panginoon. Ang kanyang labi po ay ilalagak sa ating paaralan, sa Tirona, Kawit, Cavite. Sa mga nais pong makiramay at makita c Sir Pollie sa huling sandali ay maaari pong makipag-ugnayan sa amin upang maiwasan po ang pagdagsa ng mga nagmamahal sa kanya. Gayundin po, kailangan pa rin po nating ma-observe ang Health Protocol kaya't inaasahan po na ang lahat ng pupunta ay nakasuot ng facemask at faceshield at sumunod sa social distancing. Inaasahan dn po na dala ninyo ang inyong quarantine pass at kayo ay nasa tamang edad upang makalabas ng inyong tahanan. May kailangan dn po taung mafil-upan sa pagpasok ng gate para s contact tracing. Inaasahan po na bukas bago maglunch ay nasa Tirona na ang labi ni Sir. Naglaan din po kami ng oras para sa Viewing
9:00 am - 11:00 am, 1:00 pm -3:00 pm, 5:00 pm - 7:00 pm upang mabigyan po ng oras ang pagdi-disinfect. Ang gagamitin po nating gate ay ang gate 2. Nawa po'y maunawaan nyo ang pamunuan bilang pangangalaga na rin po sa ating lahat. Maraming salamat po!
28/07/2020
Sa kabila ng pandemya, muling nakibahagi ang ating paaralan sa taunang pag-aalay ng Nobena at Banal na Misa sa karangalan ng Patrona ng Bayan ng Kawit na si Sta. Maria Magdalena sa pangunguna ng Teachers and Employees Club.
24/05/2020
Sa mga minamahal naming mag-aaral at magulang, gayundin sa mga nagnanais mag-aral sa ating paaralang ETTMNIHS ngayong Panuruang Taong 2020-2021, maaari na po tayong magpatala/register sa pamamagitan ng pagsasagot sa Online Registration Form na ito.
LINK: http://deped.in/ETTMNIHSreg
Para sa mga HINDI makakapagpatala online, maaari po kayong makahingi ng Registration Form sa inyong mga Baranggay Hall na sakop ng munisipalidad ng Kawit simula sa Martes, Mayo 26, 2020. Mayroon din pong registration form sa paaralan.
Paalala po na ang enrolment ay hindi sapilitan at tulad ng nakagawian, ito rin po ay libre at walang babayaran para sa mga pampublikong paaralan. Kinakailangan po ang 100% involvement ng mga magulang sa gawaing ito sapagkat nasa pagdedesisyon po ng mga magulang kung nais nilang magpatala ang kanilang mga anak. Ang pagpapatala ng mag-aaral ay nangangahulugan na nauunawaan, pumapayag at tinatanggap ng mga magulang ang pananagutan na makapag-aral ngayong panuruang taon sa paaralan ang kanilang anak.
Para sa karagdagang katanungan, maaari po kayong mag-message sa ating Official page:
https://fb.com/ettmnihs.kawit/
mag-text o tumawag sa mga numerong:
(Smart) 09610249764
(Globe) 09353107840
Telephone numbers:
(046) 519 7436
(046) 481-5355
(046) 519-7435.
Maraming salamat po at mag-iingat po tayong lahat.
ETTMNIHS Registration Form
Ang form na ito ay para sa mga mag-aaral na nagnanais magpatala o mag-enrol sa Emiliano Tria Tirona Memorial National Integrated High School sa darating na Panuruang Taon: 2020-2021. Ipinapaki-usap ang pag-gabay ng magulang o tagapangalaga sa pagsasagot ng form na ito at ang iyong matapat na pag-sag...
16/01/2020
Marami pong Salamat sa lahat ng mga donations para sa first batch.
Para naman po sa 2nd batch ng donations, narito po ang listahan ng mga maaari ninyong maibahagi:
1. Canned goods (easy open)
2. Blankets
3. Towels
3. Toiletries (toothbrush, soap, toothpaste, shampoo)
4. Diaper, Sanitary napkins
5. Bottled water
6. Mats
7. Biscuits/Bread
8. Flashlights & batteries
9. Milk
10. Slippers
11. New underwear (brassier, panty, brief)
12. etc.
Inaasahan po namin ang inyong positibong pagtugon ukol dito. God bless po.
16/01/2020
Nais po naming ipabatid sa inyong kaalaman na ang ating paaralan sa pamumuno ng TEC na ang pagtanggap ng donation ay hanggang 12:00 ng tanghali ngayong araw. Bilang pagbibigay daan sa pagsasaayos ng mga ito.
To be announced po ang date ng susunod na batch ng pagtanggap ng mga donations. Ang first batch po ay dadalin na bukas ng umaga sa mga evacuation centers. Salamat po.
14/01/2020
Magandang Araw po sa lahat!
Bilang pagtugon sa matinding pangangailangan ng mga kapatid nating naapektuhan ng pag-putok ng Bulkang Taal, ang atin pong paaralan, sa pangunguna ng pamunuan ng TEC, ay nangangalap ng mga Donasyon tulad ng TUBIG, PAGKAIN, KUMOT, TOILETRIES o anumang bagay na makakatulong sa kanilang paglagi sa Evacuation Centers.
Sa mga nagnanais magpaabot ng kanilang tulong, ay magsadya lamang po sa EsP department, simula bukas, upang dalhin ang inyong donasyon.
MARAMING SALAMAT po.
01/01/2020
Late post: Teachers and Employees Christmas Party 2019