24/05/2020
Sa mga minamahal naming mag-aaral at magulang, gayundin sa mga nagnanais mag-aral sa ating paaralang ETTMNIHS ngayong Panuruang Taong 2020-2021, maaari na po tayong magpatala/register sa pamamagitan ng pagsasagot sa Online Registration Form na ito.
LINK: http://deped.in/ETTMNIHSreg
Para sa mga HINDI makakapagpatala online, maaari po kayong makahingi ng Registration Form sa inyong mga Baranggay Hall na sakop ng munisipalidad ng Kawit simula sa Martes, Mayo 26, 2020. Mayroon din pong registration form sa paaralan.
Paalala po na ang enrolment ay hindi sapilitan at tulad ng nakagawian, ito rin po ay libre at walang babayaran para sa mga pampublikong paaralan. Kinakailangan po ang 100% involvement ng mga magulang sa gawaing ito sapagkat nasa pagdedesisyon po ng mga magulang kung nais nilang magpatala ang kanilang mga anak. Ang pagpapatala ng mag-aaral ay nangangahulugan na nauunawaan, pumapayag at tinatanggap ng mga magulang ang pananagutan na makapag-aral ngayong panuruang taon sa paaralan ang kanilang anak.
Para sa karagdagang katanungan, maaari po kayong mag-message sa ating Official page:
https://fb.com/ettmnihs.kawit/
mag-text o tumawag sa mga numerong:
(Smart) 09610249764
(Globe) 09353107840
Telephone numbers:
(046) 519 7436
(046) 481-5355
(046) 519-7435.
Maraming salamat po at mag-iingat po tayong lahat.
Ang form na ito ay para sa mga mag-aaral na nagnanais magpatala o mag-enrol sa Emiliano Tria Tirona Memorial National Integrated High School sa darating na Panuruang Taon: 2020-2021. Ipinapaki-usap ang pag-gabay ng magulang o tagapangalaga sa pagsasagot ng form na ito at ang iyong matapat na pag-sag...