18/08/2026
๐๐: ๐๐ง๐ ๐๐จ๐๐๐ซ๐ง๐จ๐ง๐ ๐๐๐ฌ๐๐ง๐ ๐ ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ ๐ฉ๐๐ฉ๐๐ฎ๐ง๐ฅ๐๐ ๐ง๐ ๐๐ข๐ค๐๐ง๐ ๐๐๐ฆ๐๐๐ง๐ฌ๐
Sa makabagong panahon, ang Artificial Intelligence (AI) ay hindi na lamang isang banyagang teknolohiya kundi isang makapangyarihang kasangga sa pagpapalaganap ng Wikang Filipino at sa preserbasyon ng mga katutubong wika sa Pilipinas.
Habang patuloy na umuunlad ang teknolohiya, nagkakaroon din ng mas maraming pagkakataon upang mapanatili at maipakilala ang ating mga wika sa mas malawak na komunidad. Hindi lamang nakakulong ang wika sa mga pahina ng aklat o sa mga pormal na talumpati sa loob ng silid-aralan. Ito ay buhay na bahagi ng ating kultura, kasaysayan, at pagkakakilanlan bilang mga Pilipino. Subalit sa paglaganap ng globalisasyon at impluwensiya ng mga banyagang wika, unti-unting nababawasan ang paggamit ng ilang katutubong wika at diyalekto sa bansa. Marami sa mga ito ang nanganganib na tuluyang makalimutan kung hindi mabibigyan ng sapat na atensyon at suporta.
Sa gitna ng hamong ito, nagiging mahalagang katuwang ang AI. Sa pamamagitan ng teknolohiyang ito, pagpapalaganap ang mga lokal na wika. Maaari ka rin makapagdagdag ng kaalaman, makapagsaliksik ng kahulugan at salin ng salita mula sa ibang wika maging mga salitang may malalalim na kahulugan.
Higit pa rito, ang mga kabataang nahuhumaling sa paggamit ng AI ay nailalapit ang loob sa pagtanggap sa hamon ng makabagong teknolohiya. Sa bawat paghahanap nila at paggamit ng aplikasyon na ito, gumagamit sila ng sariling wika. Sa ganitong paraan, napagsasama ang modernong teknolohiya at kulturang Pilipino sa iisang layuninโang pagpapanatili ng ating pambansang identidad.
Gayunpaman, mahalagang tandaan na ang AI ay isa lamang kasangkapan. Ang tunay na tagumpay ng preserbasyon ng ating mga wika ay nakasalalay pa rin sa mga taong gumagamit nito upang mapanatiling buhay ang wika. Mas mainam pa ring payabungin, saliksikin at lalong pag-ibayuhin ang paggamit ng wika sa bansa.
Sa huli, masasabing ang mabuti at tamang paggamit ng AI ay maaaring maging daan upang mapanatiling buhay, makabuluhan, at matatag ang Wikang Filipino at ang iba't ibang wikang bumubuo sa mayamang pagkakakilanlan ng sambayanang Pilipino.
โ๐ป & ๐จ: Enushka Geryl Zipagan